Kabanata 45

1900 Words

Dinala nga si Aling Bibang sa bayan. Kinarga ito sa traysikel. Sumama rin si Maam Edna at saka si Helen. Dahil sa pakiusap ni Hernan, nakumbinse niya ang kaniyang mommy na tulungan ang ina ni Gennie. Halos hindi makatingin nang diretsahan si Gennie kay Helen. Nahihiya siya sa ginagawa ni Hernan para sa kaniyang ina kaya si Maam Edna ang kaniyang nilapitan. “Pasensiya na po, Maam Edna, hindi ko naman po alam na talagang totohanin ni Hernan na dalhin si Inay sa clinic sa bayan,” nahihiyang saad ni Gennie nang nasa bayan na sila at nagpapalista para ipasuri si Aling Bibang. “Hayaan mo na, Gennie. Mas mabuti ngang mapagamot ang inay mo. Alam mo, parang magaan ang loob ng pamangkin ko sa iyo. Ikaw na lang lagi ang ikinukuwento niya sa amin ng mommy niya,” nakangiting sabi naman ni Maam Edna.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD