Makalipas ang tatlong araw, muling nagpakita si Alma sa eskwelahang pinapasukan nina Pat at Aljon. Binantayan niya ito hanggang makalabas ang mga ito sa gate. “Hi Pat!” Malawak ang pagkakangiti ni Alma nang muling masilayan ang binata. “A-Alma?” Gulat ang makikita sa mukha ni Pat. Nakangiti lang si Aljon nang makita si Alma. “Hi guys. Ahm…I felt boring dahil tapos na rin ang aming klase. Can I join with you guys?” “Ah…uuwi ako kaagad ngayon Alma, hinihintay ako ng aking pinsan. Sa susunod na lang ha,” agad na sabi ni Pat dahilan para umismid ang mukha ni Alma. “Bad trip ka naman Pat. Sige na, pagbigyan mo na ako. Promise, hindi na sa KTV bar ang punta natin. May lugar akong alam na tiyak na magugustuhan ninyo. Sariwang hangin ang malalanghap natin doon,” insist pa rin ni Alma. “Ah…ha

