Pumasok sila sa isang magarang na kuwarto. Namangha ang dalawa dahil may malaking telebisyon na nakadikit sa dingding at may maganda, malambot at mahabang sofa sa gilid ng dingding at napalilibutan ng makukulay na ilaw na hindi pa nakabukas. “Wow, Alma ang ganda naman dito. Ano ba ito ang pinasukan natin, hotel?” manghang tanong ni Aljon habang inilibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. “This is a KTV Bar…I’m sure you haven’t go here yet, am I right?” sabi ni Alma na nakangiti. “Ano ba ang gagawin natin dito at saka bakit medyo madilim dito sa loob?” puna naman ni Pat at inilinga rin ang paningin sa kabuuan nito. “Hay naku, Guys I know you will surely enjoy here. Wait, we are going to order more foods and while we are waiting, puwede tayong mag-sing along. ‘Di ba ang saya kapag ganiy

