CHAPTER 02

1252 Words
OUCH! Ang sakit ng ulo ko. Feel ko umaga na dahil dinig ko na sa labas ang pagtilaok ng maiingay na manok. Hindi ko muna iminulat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay may nakaupong Buddha sa aking ulo sa sobrang bigat! Ito na yata ang famous hang-over. “Good morning Ale!” “Ay kabayong dilat!” Muntik na akong atakihin ng pagmulat ko ng mata ko ay may isang batang lalaki na nakasampa sa kamang hinihigaan ko. Sa tantiya ko ay dalawang taon pa lang siya. “Tiyanak!!!” sigaw ko pa. Bumaba iyong bata sa kama. Para itong penguin kung maglakad palabas ng maliit na kwartong iyon. Nasaan ba ako? Bakit wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi? Nag-iinom lang ako kagabi ah. Natigilan ako ng may pumasok na binatilyo. Infairness, cute siya. Maputi, matangkad tapos kapansin-pansin ang dimples niya. Pak! Check! “Nagising na pala kayo Ale. Pasensiya na kayo kay Boyong.” sabi nito sa akin. “Sinong Boyong?” “Iyong batang gumising sa inyo. Tara na po, handa na ang almusal. Kumain muna kayo bago kayo umuwi.” “Teka, asan ba ako? Bakit ako andito?” “Ipapaliwanag ko po ang lahat habang kumakain tayo. Tara na!” Tumango ako. “Sige, susunod ako...” Nauna na siyang lumabas then sumunod na ako. Nakita kong sinusubuan nung lalaki si Boyong ng pandesal. “Lagyan mo tuya ng palaman!” “Ikaw talaga!” at nilagyan nito ng keso ang pandesal at pinakain kay Boyong. Napangiti ako. Ang cute kasi nilang panuorin. “Anak mo siya? Nasaan nanay niya?” tanong ko. “Ha? Hindi ko po anak si Boyong. Kapatid ko po siya at ulilang-lubos na kami, diba Boyong?” sabay kurot sa matabang pisngi ng bata. “Oo. Patay nanay. Patay tatay!” sagot pa ni Boyong. “Kain na po kayo. Ako nga pala si Dustin.” Umupo na ako at nagpakilala. “Ako nga pala si Barbara,” at nakipagshakehands ako sa kanya. Bakit kaya ang init ng palad ni Dustin? Hindi kaya nagchurva ng anez ang binatilyong ito. Agad kong ipinahid ng palihim ang kamay ko sa pantalon ko. Kadiri lang huh! "So, ano ba talagang nangyari at bakit ako andito?" “Wala po talaga kayong naaalala?” “Itatanong ko ba kung meron? Joke lang. Sabihin mo na kasi,” sabi ko pa. “Hehe...” ang cute niyang tumawa. Take note that! “Lasing na lasing kasi kayo kagabi paglabas ng bar. Ang sabi niyo pa nga, iuwi ko kayo sa bahay niyo. Eh, hindi ko naman alam kung saan kayo nakatira kaya dito ko na lang kayo dinala kesa mapahamak kayo sa daan.” Hindi ko malaman kung paano ieexpress ang sobrang pasasalamat ko kay Dustin. “Naku, maraming salamat Dustin!” sabay halughog ko sa bulsa ko ng wallet ko. "Dahil sa ginawa mo, bibigyan kita ng pera. Pabuya!" ani ko habang kinukuha ang wallet sa bulsa ko. “Naku, wag na po Aling Barbara! Nakakahiya po!” todo-tanggi pa si Dustin. “Psh! Ano ka ba? Maliit na bagay lang ito kumpara sa bagay na ginawa mo.” Sa wakas ay nakuha ko na ang wallet ko. “Wag na po talaga.” “Asus! Magtigil ka nga!” At pagbuklat ko ng wallet ko ay napangiwi ako. Nyah! Wala na palang laman tapos ang lakas pa ng loob ko na magbigay ng pabuya. Napatingin ako kay Dustin. “May problema po ba?” tanong niya sa akin. Pilit akong ngumiti. “Ah eh wala,” sagot ko sabay balik ng wallet sa bulsa ko. “Kung hindi ka mapilit. Tanggapin mo na lang ang taos-puso kong pasasalamat Dustin.” “Walang anuman po. Kain na po kayo. Alam ko nahihiya lang kayo, kain na.” “Oo nga nakakahiya. Paabot naman nung pandesal at keso. Pati na rin iyong pancit canton. Pakitimpla na rin ako ng kape! Nakakahiya naman...” at kumain na ako. HANGGANG sa paglalakad ko sa eskinita papasok sa bahay namin ay iniisip ko pa rin si Dustin. I remember now! Siya rin iyong crush na waiter ni Chiqui. Aba, bihira na ang ganoong kabataan ngayon. Kahit highschool graduate may lakas ng loob na magtrabaho alang-ala sa kanilang magkapatid. Ayon pa kay Dustin, nagtitinda pa siya ng pandesal sa umaga. Tapos matutulog ng konti at aalagaan ang kapatid. Pinapabantayan lang daw nito si Boyong sa kapitbahay kapag aalis na siya sa gabi para magtrabaho. Pambihira diba? Pero di ko siya crush ha! Humahanga lang talaga ako sa kanya. Teka, parang ganun din yun diba? Crush is paghanga. Bahala na nga. Alam ko, mawawala din si Dustin sa isip ko agad-agad. Nasa harapan na ako ng bahay namin ng makita ako ni Bunny. “Nay! Si Ate Barbara! Andito na!” Nagmamadaling lumabas ng bahay si nanay at sinalubong ako. “Diyos ko anak! Saan ka ba galing? Saang kama ng lalaki ka natulog kagabi?” Parang zombie na pumasok ako sa bahay ay umupo sa sofa. “Si Chiqui...” sabi ko. “Ano?! May nangyari sa inyo ni Chiqui?! Lalaki na ang baklitang iyon?!” gulantang na gulantang aking nanay. “Ano ba kayo? Ang ibig kong sabihin, si Chiqui ang sisihin niyo kung bakit hindi ako nakauwi kagabi!” Tatayo na sana ako para pumunta sa kwarto ko ng biglang sumakit ang parteng ibaba ng pusod ko. Sinapo ko iyon at dumaing ako. “Haaaraaayyy!!!” Ganyan talaga ako dumaing. Biglang nagpanic ang lahat. Pati ang tatay parang nagga-Gangnam Style sa kama nito. “Haaaaraaaayyyykow!!!” ulit ko. Ang sakit-sakit kasi talaga. “Ang ate manganganak na!” sigaw ni Bora. Mabilis kong hinablot sa buhok si Bora at pinagwasiwasan iyon. “Gaga! Anong buntis?! Haaaraaay ko!!! Hindi ko na kayaaa!!!” At bumubula ang bibig na bumagsak ako sa semento. Walang sumambot sa akin. “MAY COLON cancer ka Mrs.” “Miss po doc.” Pagtatama ko sa lalaking doktor na kausap ko. “OK, miss? May cancer ka sa colon Ms. Barbara. I'm sorry to tell you pero terminal case na ang kaso mo. Masyado na kasing napabayaan at marahil ay ipinagsasawalang-bahala mo lang ang pananakit ng tiyan mo.” Nanlalamig na ako ng mga oras na iyon. Sumabat si nanay. “Eh doc, matagal ko na po iyang sinasabi kay Barbara. Madalas saktan iyan ng tiyan...” “Sumakit po ang tiyan ko dati doc at niresetahan lang ako ni Impong Kepweng ng dinarang na dahon ng ikmo at kulantro na idadarang sa apoy at itatapal sa tiyan. Nawawala naman po ang sakit, doc!” Pangangatwiran ko pa. “Hindi mo naiintindihan Barbara. Terminal case na ang kaso mo!” ani doc na highblood. Natigilan ako at nangilid ang aking luha. “D-doc...Mamamatay na ba ako?” "Plangak!" Pakiramdam ko ay may masayang tugtugin na pumailanlang ng sabihin ni doc ang mga katagang iyon. Tapos may mga babaeng nagsayawan sa likod niya. "Tatlong taon Barbara. Sagad na iyon!" TATLONG taon Barbara. Sagad na iyon! Parang sirang plaka na paulit-ulit na naririnig ko ang sinabi ni doc kanina. Sakay na kami ng jeep ni nanay at pauwi na kami. Tatlong taon? Putang-ama naman oh! Anong magagawa ko sa tatlong taon na natitira sa buhay ko?! Magkakaasawa pa ba ako noon? Magkakaanak pa ba ako noon ng tatlo gaya ng pangarap ko?! Lenshak! Bakit pa kasi ako iniwan ni Borge? Wrong timing talaga ang hayop! Nakakabwisit... Pag ako namatay... Bwiset! Ayoko pa! Bakit ako pa?! Diyoskoooo!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD