Chapter 03

1238 Words
“ANAK, alam ko mahirap tanggapin. Kahit ako, hindi ko matanggap na mawawala ka na sa amin ng mga kapatid mo!” iyon agad ang sabi ng nanay pagkauwi namin galing sa hospital. Hinawakan ko siya sa kamay niya at pinisil iyon. "Ayos lang nay. Tanggap ko na. Kung hanggang doon na lang ang ibinigay na buhay sa akin ng Diyos ay tatanggapin kong maluwag sa aking puso!" “Tanggap mo na? Agad-agad?!” naninigurong tanong pa ni nanay. “Opo naman. Sige po, magpapahinga muna ako sa aking kwarto.” Tumalikod na ako at pumasok sa aking silid. Pagka-lock ko ng pinto ay bigla akong umatungal ng iyak. “Hindi ko kaya! Hindi ko kaya!" may kasama pang iling at panginginig ng baba. Histerikal mode. "Bakit ako pa?! Ayoko pang mamatay!!!” Biglang may kumatok. “Anak, tanggap mo ba talaga?” ang nanay pala. Mabilis kong pinahid ang aking luha. “O-opo!” “Okey!” Nakiramdam ako. Nang sa tingin ko ay wala ng makakadinig sa akin ay umatungal ulit ako. Ginaya ko yung mga ginagawa ng mga artista sa pelikula. Sandal sa pinto habang umiiyak at dahan-dahang dadausdus paibaba. Ginawa ko iyan at lalo akong napaatungal ng iyak dahil... “Haaaraaay!!! Nasalubsob ang likod kooo!!!” Duguan ang likod ko! “ANO?! Pakiulit niyo nga po ang sinabi niyo Mrs. Kasimsiman?” nanlalaki ang butas ng ilong na tanong ko sa supervisor namin sa kumpanya. “You heard me right Barbara. Isa ka sa mga napiling matanggal sa kumpanya dahil medyo krisis tayo ngayon. Kailangang magbawas ng tao.” “Talagang namili kayo at pinili niyo ako? Teka nga, may personal na galit ba kayo sa akin?” “Actually, tinanggal namin ang mga matatandang tulad mo.” Napahawak ako sa dibdib ko. “Kung makamatanda naman kayo!” sabi ko. “Bakit naman ngayon pa?” “Anong gusto mo, bukas pa?” Hindi na ako nagsalita. Umalis na lang ako sa lugar na iyon. Mamamatay na ako tapos wala pa akong trabaho. Swerte ko talaga...Sarcastic pa! Umuwi na lang ako ng bahay pero isang malas pa yata ang sasalubong sa akin dahil pag-uwi ko ay nakita kong nasa labas lahat ng gamit namin. Umiiyak sina nanay habang nakikiusap kay Aling Gwyneth, ang may-ari ng inuupahan naming bahay. “Anong nangyari dito? Bakit nasa labas lahat ng gamit natin? Bakit di niyo sinabing mag-gagarage sale kayo?” Lumapit sa akin si nanay. “Walang garage sale o anuman Barbara. Pinapalayas na tayo ni Gwyneth Palthrow! Huhu!” Yayakapin sana ako ni nanay pero ibinalandra ko muna siya sa isang sulok para harapin si Aling Gwyneth na mala-buddha ang peg. “Aling Gwyneth!” “Ano iyon?” namamaypay pa ito ng kulay pula nitong abaniko. “Bakit niyo naman kami pinapalayas? Hindi naman kami pumapalya sa pagbabayad sa inyo ah!” “Hoy Barbara! Anong hindi pumapalya? Tatlong buwan na kayong walang bayad sa akin. Itanong mo pa sa nanay mo!” Tinignan ko si nanay na may pagtatanong sa aking mga mata. Umiwas siya ng tingin sabay yuko. “Nay, ano iyong pinagsasabi ni Aling Gwyneth? Lagi akong nagbibigay sa inyo diba? Hindi ako....” natigilan siya sa biglang pumasok sa kanyang isip. "Wag niyong sabihing...Nanlalalaki kayo?" “OA mo naman anak! Nagsusugal lang naman ako!” “Ahhh...Akala ko kasi...ANOOO???!!! Nagsusugal kayo? LANG?!” Hindi talaga ako makapaniwala kasi wala akong kaalam-alam na nagsusugal ang nanay ko. “Kaya lumayas na kayo! Layas! Layas! Bwahahaha!” Nagtalsikan pa sa mukha ko ang piraso ng kinaing Kiss Crackers ni Aling Gwyneth. WALA akong choice kundi ang humingi ako ng tulong sa aking bestfriend na si Chiqui. Ang baklang may mala-dragon na hininga! Kakatok na sana ako sa bahay niya na maliit lang ng makita kong bukas iyon. Sumilip muna ako at na-shock ako sa nakita ko. Nakaluhod sa isang lalaki si Chiqui. Tila may gagawing kababalaghan ang dalawa sa tanghaling-tapat kasabay ng pag-ere ng Eat Bulaga! Hindi yata nila napansin ang presensiya ko kaya tuloy lang sila sa ginagawa nila. Naiinitan yata iyong lalaki kaya nagreklamo ito. “Ang init! Lipat tayo...” At naglakad patagilid iyong lalaki. Hindi na nag-abalang tumayo si Chiqui. Naglakad na lang ito gamit ang maitim nitong tuhod! Uhaw na uhaw ang bakla! “Ang init pa rin!” “Dito tayo. Dito tayo!” ani Chiqui. Sumunod ito sa lalaki at ang tuhod pa rin ang panglakad nito. Huhubaran na sana ni Chiqui ng pantalon iyong lalaki ng umeksena na ako. Binuksan ko na ng malaki iyong pinto. “Hoy! Ano iyan ha? Tanghaling-tapat na tanghaling tapat! Ikaw lalaki lumayas ka kung ayaw mong tadtarin ko iyang anez mo!” agad naman na umalis iyong lalaki. “At ikaw naman na bakla ka! Kaya bumabaho ang bibig mo kung anu-ano ang ipinapasak mo diyan! Kadiri ka!” Nagpapadyak na sumagot si Chiqui. “Gaga ka bakla! Bayad na iyon eh. Kainesh ka!” “Hayaan mo na!” “Bakit ka ba andito?” inis pa rin na tanong sa akin ni Chiqui. Biglang change mood ako. Lungkut-lungkutan. Iniabot ko sa kanya ang resulta ng check-up sa akin kahapon ni doc. Binasa iyon ni Chiqui. “Me...Di...Me...Di...Di...Dical...” Hinablot ko iyong papel. I forgot. Grade one nga lang pala ang natapos ng baklang ito and with flying colors pa siya noon! “Akin na nga iyan! Bakla! Mamamatay na ako. May colon cancer ako at tatlong taon na lang ang itatagal ko!” “Iiyak na ba ako?” pamimilosopo niya. “Seryoso ka?” “Mukha ba akong nagjojoke, ha?” “OK.” sabi niya lang. Napanganga ako sa sagot. “Ha? Ganyan lang ang reaksiyon mo bakla? Madededo na ako tatlong taon na lang. Mawawalan ka na ng bestfriend na maganda at maalindog!” “Asus! OK lang iyan bakla. Lahat tayo mamamatay. Una una lang!” Undin na tumae naman ang baklang ito! Kaibigan ko ba talaga ito? Anyway, kailangan ko ng sabihin sa kaniya ang tunay kong pakay. “Uhm Chiqui...May hihingin sana akong pabor sa iyo.” “Pabor whuuut???” Kandahaba ang nguso na sabi niya. Iba yata ang flavor ng hininga niya ngayon. Imburnal scent! Napapikit ako ng umalingasaw ang imburnal scent ng bibig ni Chiqui. “Nakakahiya eh...” “Naku! Kung hihilingin mo na ako ang magme-make up kapag dedobels kana. Ay naku! Libre na ang serbisyo ko for you bestfriend!!!” Marahas kong hinila ang kulot na bangs ni Chiqui. “Gaga! Eh kasi pinalayas na kami ni Aling Gwyneth sa bahay niya...Kung OK lang sana na makikituloy muna kami ng pamilya ko dito sa bahay mo?” “Nakuuu...” mahaba niyang sabi. Walang hingahan kasi nalanghap ko na naman ang hininga niya. “Wala sa akin yun! Sige payag ako. Dito na muna kayo. Kaya lang nakakahiya kasi maliit lang itong studio-type na bahay ko!” “Ako nga ang dapat mahiya Chiqui. You are such a good friend!” “Echosera! Alisin mo nga iyang hiya-hiyang iyan!” “Nakakahiya talaga eh...” “Asus! Wag ka na sabing mahiya. Oh, sunduin mo na ang family members mo...” Umiling ako. “Hindi na kailangan.” “Huh? Bakit?” “Eh andiyan na sila sa labas eh. Tawagin ko lang ha.” Binuksan ko iyong bintana sabay sigaw. “Nay! Pasok na kayo! Payag na ang bakla! Madali!” Nakakahiya talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD