Chapter 04

1208 Words
MAAGA pa lang ay nagising na ako. Alas-tres pa nga lang yata ng madaling araw. Nakaramdam ako ng awa ng makita ko na nagsisiksikan kaming lahat na matulog sa sahig. Doon pa naman ako sa pinakadulo ng bahay natutulog. Wala kasing kama sa bahay ni Chiqui dahil may sa uwak yata ang baklang iyon at kung saan lang abutin ng antok ay doon na. Maging si tatay ay sa sahig nakahiga. Nasa labas ng bahay ang banyo ni Chiqui. Liligo na ako para makaalis na at makapaghanap ng trabaho. Pagbangon ko ay nanlaki ang mata ko dahil feeling ko ay sasabak ako sa isang obstacle course dahil mga nakahambalang sa dadaanan ko palabas ang mga kasama ko sa bahay. Hay bahala na nga! Kunwari challenger ako sa Extra Challenge. Keri ko 'to! Hinakbangan ko si tatay. Hinakbangan ko si nanay... Hinakbangan ko si Bunny...Si Bora... Ay ano ito?! Natapakan ko sa mukha si Chiqui. Tulog na tulog pa rin ang bakla! Sorry bakla! Napatingin ako sa pintuan... Ang layo pa at ang dami pang hakbang.. Okey...Hinakbangan ko si Chiqui. Si Betty at sa wakas ay hinakbangan ko si Baby. Yuhooo!!! Narating ko na rin ang pintuan. Makakalabas na rin ako para makaligo at heto na...Bubuksan ko na ang pinto. Inikot ko na iyong door knob ng...Nyaaahhh! Naka-lock!!! Naalala ko iyong bilin ni Chiqui kagabi. “Isasabit ko sa sabitan ko ng t-back iyong susi para makuha mo agad pag lalabas ka Barbara...” Iyon iyong sinabi sa akin kagabi ni Chiqui. Eh langya! Nandun sa bandang tinulugan ko iyong sabitan ng t-back ni Chiqui. Ang malas-malas ko talaga! No choice. Hahakbangan ko na naman sila. FRESH from the banyo. Umebs ako pagkatapos maligo eh. Nakatapis pa ako ng twalya kaya litaw ang legs ko. Pagpasok ko ay gising na si nanay at nagkakape. “Saan ang punta mo anak?” “Maghahanap ng trabaho nanay. Naikwento ko na naman po sa inyo kagabi na isa ako sa minalas na matanggal sa kumpanya namin,” sagot ko. “Oo nga pala. Tinanggal ka kasi matanda ka na!” Tinignan ko agad ng masama si nanay. “Anong sabi niyo?” “Ah wala...” bigla niya akong niyakap sabay isinubsob niya ang mukha ko sa malusog niyang dibdib. “Patawarin mo ako anak! Ako dapat ang nagtatrabaho at hindi ikaw. Patawarin mo ako!” Pinalis ko ang pagkakayakap sa akin. “Best actress lang 'nay? Sige na po. Magtitimpla lang ako ng kape. Pakibili na lang po ako ng tinapay...” sabay abot ko ng sampung piso sa kanya. Pagkaalis ni nanay ay kumuha na ako ng tasa para sa kape ko at binuksan ko na ang lagayan ng kape. Langya! Walang laman?! Meron pero iyong mga nakadikit na lang na coffee powder sa gilid ng lalagyan. No choice na naman. Nilagyan ko ng mainit na tubig iyong lagayan ng kape tapos tinakpan ko at inalog-alog. Nilagyan ko ng asukal at...Viola! May kapeng-mahirap na ako. Buhay nga naman oh! “OVER-AGE ka na Miss para sa promodiser. Hindi ka pwede!” “Bakit? Kelan pa naging basehan ang edad sa pagtitinda ng mga products?” katwiran ko dun sa inaaplayan ko. Nakakita kasi ako ng nakapaskil sa labas ng opisina nila na naghahanap sila ng promodiser. “College graduate po ako miss. ComSci ang kinuha ko at matataas ang grades ko noon!” sabi ko pa. “Beauty products po ang tinitinda namin. Sa tingin niyo may bibili kapag...Ehem...My edad na ang tindera?” Tumaas ang kilay ko. “Bakit, pwede namang ako magbigay ako kunwari ng mga sampol sa mga artista na kunwari ay gumagamit ng produkto niyo ah.” Umiling siya. “Hindi talaga!” Pagkasabi niya noon ay pumasok ang isang magandang babae na mukhang mag-aapply. Sexy ito at bata pa. Grabe! Parang ayaw niyang mag make-up. Kainitan, naka-heavy make-up?! Tumayo iyong HR. “Mag-aapply ka?” tanong nito sa babaeng kadarating lang. Initsapwera na ako? Kaimbyerna! “Yes, im applying for the promodiser. Is my name is Marichu Pamoku. Am i receive?” Hanuuudaaaw??? Am I receive? Di maprocess ng utak ko ang pinagsasasabi ng Marichu na ito! “Come in. Tanggap ka na!” masiglang sabi nung HR. “Hoy teka lang! Bakit mo tinanggap ang babaeng iyan eh halata naman na bobita iyan. Daya niyo ha!” reklamo ko. Inakbayan nung HR si Marichu. “Ganito kasi ang hinahanap namin. Maganda, makinis, maputi at higit sa lahat ay bata!” Masama ko silang tinignan parehas. Para akong boksingero. “Pagsisisihan niyo itong dalawa! Wakanabitch!” at mabigat ang loob na lumabas ako ng bwisit na opisanang iyon. Eksaktong paglabas ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. I am soaked wet! Wow, english! Pwera biro! Excuse me lang ha. Magmumura lang ako... WAKANABIIIITCHHH!!! Ano ba itong kamalasan ang inaabot ko?! PAG-UWI ko ay nagtataka ang lahat kung bakit ako umuwing basang-basa. “Ay bakla! Saan ka nagswimming?” salubong ni Chiqui. “Wag mo akong badtripin Chiqui! Bunganga mo!” Tinakpan naman agad ni Chiqui ang bibig nito. Umupo ako sa isang sulok at dahil feel kong magdrama ay umiyak. “Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Mamamatay na nga lang ako at lahat puro kamalasan pa ang nararanasan ko. Sumagot nga kayo, naging masama ba akong anak, kapatid at kaibigan sa inyo?” Tameme sila. Walang nagtry na sumagot. Lumapit lang silang lahatsa akin at niyakap ako. Touch naman ako dun... “We love you Barbara!” sabi nilang lahat. “BAKLA, ano kaya kung emextra kang taga-walis ng buhok sa parlor ko tutal naman wala ka pang trabaho.” suhestiyon ni Chiqui sa akin habang nanginginain kami ng butong-pakwan. Busy'ng-busy kami kakapanood ng Eat Bulaga. Nag-isip ako. Nakakita ako ng mga butong pakwan sa platitong nasa kalapit ko. Wala ng balat ang mga iyon. Doon ako kumuha. Medyo masangsang iyong butong-pakwan na nasa platito pero kinain ko pa rin. Nakakatamad magbalat eh. “Pag-iisipan ko iyan bakla. Hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa na makakahanap ako ng matinong job.” “Wish ko lang talaga makahanap ka na...” “Oo nga bakla. Nakakahiya na talaga sa iyo. Biruin mo nakikitira na kaming lahat dito sa bahay mo.” “Wala iyon ano! Ku!” “Nakakahiya kaya...Pabuhay naman nung electric fan, bakla. Ang init! I-number three mo tapos pakitutok sa akin!” utos ko kasi sobrang init. Sinunod naman ni Chiqui. Umupo na siya tabi ko. “Oh, asan na iyong mga butong pakwan na binalatan ko dito sa platito? Iniipon ko iyon eh!” ani Chiqui. Natigilan ako. Parang gusto kong masuka. “Wag mong sabihing sa'yo iyong mga butong-pakwan na wala ng balat sa platito?” “Duuuh! Kaya nga hinahanap ko eh!” “At wag mong sabihin na ang ginamit mong pangbalat noon ay iyang bibig mo?” Ngumanga pa si Chiqui bago sumagot. “Like yah! Ano pa nga ba? Siyempre ang aking gigantic precious mouth ang ginamit ko!” Pagkasabi noon ni Chiqui ay hindi ko na kinaya ang lahat. Sumuka na ako ng bonggang-bongga sa harapan ni Chiqui. Wakanabitch! Kaya pala ang bantot ng butong-pakwan na iyon! “Ano ba iyan Barbara! Nagkalat ka pa dito!” diring-diri na sigaw ni Chiqui.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD