Chapter 05

1467 Words
NAGLALAKAD-lakad ako sa kalye at umaasa na makakahanap na matinong trabaho pero wala talaga. Inabot na ako ng dilim pero waley pa rin. Nganga pa rin ako. Hay! Nag make-up na nga ako at lahat wala pa ring tumatanggap sa akin. Nahulas na lang ang make-up ko, diyos ko! Laging sasabihin nila over-age daw ako. Masyado na daw akong matanda. Mas prefer daw nila ang young applicants. Eh wakanabitch naman talaga. Pare-parehas lang naman yung. Iba-iba lang ang sentence! Nakakagutom na talaga. May nadaanan akong isang sosyaling cake shop. Parang ang sasarap ng cake nila kaya lang halata namang mahal! Pumasok ako sa loob ng shop at nakita ko na may maliit na kainan din sa loob. Very elegant ang loob. In my 34 years of existence, never pa akong nakakain ng mga sosyaling cake. May lumapit sa akin na saleslady. Nakangiti siya. "Lumabas na po kayo ma'am," aniya na ikinagulat. “Hoy! Bakit mo naman ako pinapalabas?!” react ko agad. “Mukha naman kasi na wala kayong pambili sa mga mamahaling cake dito,” todo-ngiti pa rin siya. Tinaasan ko ng kilay iyong babae. “Hoy miss, for your information kaya kong bilhin lahat ng cake sa shop niyo. Asan ang free taste at titikim ako ng malaman ko kung karapat-dapat sa panlasa ko ang cheap na cake sa shop na ito!” Akala siguro ng bruhang ito papatalo ako sa kanya? Never! “Doon po sa kaliwa ang free taste section. Tandaan lang po na hindi pwedeng iuwi ang mga tinidor namin,” sabi nung babae at tumalikod na siya. Binelatan ko siya pagkatalikod niya. Sarap sabunutan at kalbuhin! Intrimitidang saleslady! Pumunta na ako dun sa free taste section. May mga bite size cake na naroon. Wow! Mukhang masasarap lahat! At may mga pangalan pa... Nakaka-amaze naman at nakakagutom! Tinikma ko isa-isa at wow! Infairness, delisioso naman! Yum, yum, yum! Pero isang cake lang ang nakatawag sa aking pansin. Iyong isang slice ng cake na nakapatong sa isang mesa. Lumapit ako sa cake at talagang natakam ako! Parang gusto ko siyang kainin. Nakakapatay-gutom naman kasi ang hitsura niya. Chocolate cake siya tapos may design pa na parang kulay gold na flower. Ito yata iyong napanood ko noon sa Kapuso Mo, Jessica Soho na cake na may edible na gold. Luminga-linga ako. Walang tao. I'm sorry Paquito Diaz pero titikman ko lang ang cake na ito. Kinuha ko iyong tinidor at kumain ako ng konting-konti lang at... WAAAAAHHHH!!! DELICIOSOOOW!!! Mi el canto cakeloo delicioso! Nakapag-Espanyol ako bigla sa sobrang sarap! Hindi ko na kaya! Kinamay ko na iyong cake at kinain iyon na para akong isang asong ulol. Humihingal pa ako ng maubos ko na ang cake. Hanggang sa makakita ako ng isang babae at lalaki na papalapit sa akin. Para silang magsyota at parehas mga mukhang mayaman. Bagay sila...Gwapo at maganda. “I am so excited Marcus with your surprise!” englisera iyong babae. “Really honey? You should be becau—“ Natigilan iyong lalaki ng makita ako. “Hey, where's the cake here?” Natigilan ako. “Huh? Cake? Anong cake? Iyong chocolate cake?” “Yes, iyon nga,” sagot nung lalako. “Yung mukhang masarap?” “Yes!” “Iyong may gold na design?” “Yes...Nakita mo ba?” “Hindi eh!” sagot ko. Patay na. Sila yata iyong may-ari nung cake! “Kinain mo iyon ano?!” may galit na sa boses nung lalaki. “Hindi ah! Wala kang ebidensiya!” tanggi ko. Mariin na hinawakan nung lalaki iyong dalawa kong kamay na puro chocolate icing. “Hindi pa ba ito ebidensiya at iyang mga chocolate sa mukha mo!” “Whats happening Marcus?” iritadong sabat nung babaeng maganda. Hinarap nung lalaki iyong kasama niyang girlaloo. “Honey, that old lady ruined my surprise wedding proposal for you.” “What?!” Humarap na ulit iyong gwapong lalaki sa akin. “Alam mo ba kung magkano ang piece of cake na kinain mo? That's 50 thousand pesos!” “F-fi...fi...fif...ty thousand?!” Diyos ko! Manghihimataya ako sa presyo. “B-babayaran ko ba iyon?” Namamawis na ang kili-kili ko sa sobrang tense. Pati singit ko, nagpuputik na! “Of course and isoli mo lang iyong singsing na nakuha mo sa cake na kinain mo?” sabi niya. “Anong singsing?” taka kong tanong. “The ring!” “Si Sadako?” “No—“ “Honey, ano bang singsing ang sinasabi mo?” tanong nung girlaloo. “Georgina, honey...Alam mo kasi I am planning to propose to you now. Nilagay ko sa loob ng cake iyong engagement ring tapos when you eat the cake you'll be surprise na andoon iyong ring. And that girl ate your cake!” sabay duro pa nung lalaki sa akin. Oh my! Mukhang nakain ko pati yung singsing! “Ah...Excuse me. Para kasing nakain ko iyong sinasabi niyong...Singsing.” sabay nag peace sign ako. Nagdabog na iyong babae. “I really can't believe this! Hinintay ko ng matagal ito. Why you're so irresponsible Marcus?! And you fat old haggard lady, sumakit sana ang tiyan mo for eating my engagement ring! Magsama kayong dalawa! Brrr...” at um-exit na siya. “Georgina wait!” habol nung lalaki pero nakalabas na agad ng shop iyong si Georgina. Sabay harap sa akin nung lalaki. “Ikaw ang may kasalanan nito! Ibalik mo ang engagement ring!” Parang gusto na niya akong sakalin that time. “Paano ko maibabalik? Hintayin mong jumebs ako mamaya!” pagkasabi ko noon ay tila diring-diri na nagsi-alisan ang mga kumakain na naroon. “At bayaran mo ang cake na kinain mo!” “Wala akong pambayad!” mabilis at pagalit kong sagot. “Pwes, may naisip akong paraan para makabayad ka. You'll work for me. You'll be my assistant. Ah no, my alalay.” Napalunok ako. Oh no...Ang cliche master-slave story ba ire? May isang eksena tuloy na pumasok sa imagination ko. Nakasuot daw ako ng very sexy cat costume habang nakatuwad ako sa ibabaw ng kama. Tapos si Marcus, pantalon lang ang suot at may dala siyang latigo. Humihiyaw daw ako ng ganito. “Oh master, hit me! Hit me!” at hahampasin daw niya ako ng latigo sa pwet. “Hit me master! Harder! More...More...More!” “Oh, bakit natutulala ka na?” aniya. “Ah eh. Wala...Teka! Anong magtatrabaho ako sa iyo?! Ano yun ha?!” “You heard me right! Bakit may pambayad ka bang fifty thousand? Madadagdagan pa iyan kapag di mo naibalik iyong singsing!” nakangisi niyang sabi. “OK. Here's my calling card at akina ang cellphone number at ang address mo and also your full name—“ “Gusto mo pati age, s*x, educational background at working experience ibigay ko?” sinulat ko sa isang papel lahat ng hiningi niyang information sa akin. “Oh ayan!” “Two and a half months ka lang naman na magtatrabaho sa akin kasi sumusweldo ang P.A. ko ng twenty thousand a month. Sakto kasi, kaka-resign lang ng personal assistant ko. OK, I'll explain the details bukas hahabulin ko pa si Georgina.” pagkasabi niya noon ay nagmamadali ng umalis si Marcus. Grabe...In an instant nagkaroon ako ng trabaho kaya lang walang sweldo. Tae naman kasi! Minsan talaga eh, dead-hungry ako. Tsk! Tinignan ko iyong calling card. Hmm...Marcus Sy pala ang name niya. 35 years old na siya?! Di halata ha...At siya ang general manager ng Marcus Cake House... Teka... Lumabas ako sandali at tinignan ang pangalan ng shop na iyon. MARCUS CAKE HOUSE??!! Anak ng pitong puting pating patay sa dagat! Siya ang may-ari ng shop na ito. Kill me... Mayaman naman pala ang loko. Makauwi na nga. Naglakad-lakad na lang ako hanggang sa sakayan ng jeep. Naiisip ko pa rin si Marcus. Infairness, gwapo siya. Matangkad, macho, chinito at halatang malaki...Malaki ang...Boses! Pero parang mas gwapo pa rin si Dustin kasi tisoy siya, tapos medium built, Pinoy na Pinoy pa ang features niya. Plus the dimple! Sandali nga...Bakit ko ba naiisip at bakit ko ba naisali dito si Dustin? Ewan! “Aling Barbara!” Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Huh? Speaking of the devil este angel... “Dustin! Sinusundan mo ba ako?” tanong ko. Kakamot-kamot sa ulo na sumagot siya. “Naku, hindi po. Kakalabas ko lang sa bar. Nakita ko po kayo kaya tinawag ko kayo.” sagot niya. “Ah, akala ko sinusundan mo ako. Tara, sabay na tayo sa sakayan ng jeep,” yakag ko. “Iyon nga rin po ang sasabihin ko eh...” at nahihiyang ngumiti pa siya sa akin. Diyos ko po! Lolang nalaglagan ng panty na may igit! Hihimatayin ako sa ngiti niyang may kasama pang dimples. Ano ba itong nararamdaman ko kapag nakikita ko si Dustin? Bakit parang ako ay...Kinikilig?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD