“WHERE is my doll shoes?!”
Nagising ako isang umaga sa pagtatalak ni Chiqui. Kinabahan ako bigla. Nalaman na pala ng baklang iyon na nawawala ang doll shoes niya. Grabe maghanap si Chiqui ng sapatos niya. Akala mo nawalan ng isang milyong piso.
Ipinikit kong muli ang aking mga mata. Kailangan ko pa ng tulog kasi naman iniisip ko pa rin iyong nangyari sa amin kagabi ni Dustin.
INIABOT ko kay Marcus ang isang maliit na box ng puntahan ko siya sa shop niya isang umaga. “Oh, ayan na iyong singsing. Wag kang mag-alala kasi binrush ko iyan ng bongga at ibinabad sa alcohol. Malinis na iyan at walang bahid dungis. Pramis!”
Tinignan lang ako ni Marcus. “Good.”
“Pwede na ba akong umalis?”
“Nope. May sasabihin pa ako sa iyo.”
“Ano naman iyon?”
“I will give you a special assignment.” sabi niya.
Napatayo ako. “Ano ba Marcus? Hindi na ako estudyante para bigyan mo pa ng assignment! Ang OA mo naman tsong!”
“Not that assignment Barbara. OK, I mean task!”
Umupo ako sa harapan niya at sumeryoso. “Yes Big Brother. Opo Big Brother...”
Marcus hissed. “Stop acting like a dumb. I will give you a task. Gumawa ka ng paraan para magkabalikan kami ni Georgina. You can give me ideas or anything basta make sure na magkakabalikan kami.”
Napatayo ulit ako. Histerikal akong naglitanya. “Bakit ako pa?! Problema niyong magjowa iyan tapos isasali niyo ako? Anong karapatan kong makialam sa problema niyo? Wala! Wala! Tapos anong sasabihin ng tao? Pakialamera ako?! Nanghihimasok?! Ayaw ko! Ayaw kong maging imoral!”
“Kalma lang pwede? Ikaw lang kasi ang naiisip kong pwedeng gumawa nito para sa akin. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang reason kung bakit nagalit sa akin si Georgina!”
Natahimik ako. “Hmp! Sige pero sa isang kondisyon.”
“What?”
“Kapag nagkabalikan na kayo ni Georgina, hindi na kita pagsisilbihan kahit hindi pa tapos ang two and a half months.”
Tumigil saglit si Marcus at tila nag-isip muna ito. “Hmm. OK, deal.”
“Deal!”
“TWO minus X to the power of five hundred equals to Y and eklavuu...Blah...Blah...”
Haaay!!! Napahiga na ako sa semento at napatingin sa kisame. Ang hirap naman kasi na mag-isip ng formula kung paano magkakabalikan sina Marcus at Georgina. Nakakainis naman kasi napasali pa ako sa maarteng magjowang iyon.
May naisip ako.
Kinuha ko sa bag ko iyong MAGIC RED LIPSTICK! The night is young. I want to boogie!!!
NASA bar ako kung saan nagtatrabaho si Dustin and I am hoping na magkikita kami dito. Ginamit ko ulit iyong lipstick kaya naman ako na ulit ang super gandara at uber young na si Barbie. Ang ganda-ganda ko sa sexy outfit ko tonight!
“Hi, are you waiting for someone?” tanong ng isang lalaking lumapit sa akin. Di ko siya kilala pero cute siya at mukhang mayaman.
“No, mag-isa lang ako.” Palinga-linga ako kasi hinahanap ko si Dustin.
Umupo na iyong lalaki sa upuan na nasa harapan ko. “Mind if I join you? By the way, my name is Stanley. And you are?”
Ngumiti lang ako.
Deadma ko lang siya. Ang yabang kasi ng arrive niya. Iniisip siguro ng mokong na ito na porket gwapo siya ay magpapakilala rin ako sa kanya. Like duh! Choosy kaya ako.
Ang gusto kong lalaki ay iyong mestiso pero may touch of pinoy. Matangkad at mabango. Saka iyong may dimples. Mabait, responsable at family-oriented. Hmm. Parang kilala ko iyon ah. Echoz lang...
Ewan ko ba pero parang...Like ko na yata si Dustin. Well, hindi naman siguro nakakapagtaka kasi ang dami niyang katangian na kanais-nais. Teka, asan na ba siya? Parang...Ayun siya!
Kumaway ako sa kanya at nakita naman niya ako. Gumanti siya ng kaway pero natakpan na siya ng mga tao kaya di ko na siya nakita! Sarap pagbabarilin ng mga otaw na ito! Hmp...!
“Can we dance?” tanong pa ulit nung Stanley.
“No, thanks...” sagot ko.
Hindi ba nakakahalata ang lalaking ito na hindi ako interesado sa kanya? Mukha kasi siyang spoiled brat na mayaman. Alangan namang mahirap! Basta, hindi ko feel ang Stanley na ito. Ang yabang ng arrive at may pagka-presko.
“How about a drink? Anong gusto mong inumin?” tanong niya ulit.
Mariin akong umiling. “No! Hindi ka ba marunong makaintindi?” Medyo nairita na talaga ako sa kanya.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hablutin sa aking magandang braso at galit na galit na sinigawan niya ako. “Ang arte mo ha! Akala mo kung sino kang maganda! Ano bang ipinagmamalaki mo?!”
“Ano ba?! Nasasaktan ako! Bitiwan mo nga ako!”
“I won't hangga't di pa kita nahahalikan!” At akmang hahalikan na niya ako ng biglang may sumuntok kay Stanley.
Tumalsik siya.
At napatingin ako sa sumuntok kay Stanley...Oh my God! My knight in shining armor, my hero! Dustin ko...
“Walang hiya ka! Sino ka ba?!” galit na baling ni Stanley kay Dustin. Nag-pulasan na rin paalis iyong ibang tao sa takot na madamay.
Medyo nagpanic ako ng makita kong susuntukin ni Stanley si Dustin. Diyos ko! Hindi ako makakapayag na masaktan ang gwapong si Dustin. Kaya ang ginawa ko ay iniharang ko ang sarili ko kay Dustin at ang nangyari ay ako ang nasuntok ni Stanley sa mukha!
Tumbalilong ako. Nagkandaduling-duling pa ako!
Ipinilig ko ang aking ulo.
Wakanabitch! Hindi ako makakapayag na saktan ako! Humanda ka sa akin Stanley ka!
Akmang susugurin ni Dustin si Stanley ng pigilan ko siya. “Wag kang makikiaalam dito Dustin! Hayaan mong pamumugin ko ng dugo at ngipin ang ungas na iyan!” FPJ lang ang peg ko?
“Ano bang pinagsasasabi mo—“
“Wag kang mag-alala sa akin Dustin...” sabi ko at hinarap ko si Stanley na para akong makikipag-boxing. “Hoy ikaw na ungas ka! Ang lakas ng loob mo na suntukin ako!” At malakas kong sinuntok sa nguso si Stanley.
Sapo niya ang kanyang bunganga na nasaktan. “Tumigil ka na! Kahit babae ka, papatulan kita!”
“Sige, patulan mo ako! Akala mo naman aatrasan kita?!”
“Barbie tama na iyan,” nag-aalalang saway sa akin ni Dustin.
Biglang may dumating na lalaki at may kasama itong dalawang lalaki na malalaki ang katawan. Mga bouncer panigurado. “Anong nangyayari dito ha?”
“Sino ka ba?” tanong ko.
“Ako ang manager ng bar na ito.”
Aba! Nang malaman ni Stanley na ito iyong manager ay agad na nagpaawa ang loko. Lumapit ito kay Mr. Manager. “Iyan pong waiter niyo boss, sinuntok na lang ako eh. Nagseselos yata kasi nilapitan ko itong babaeng ito!” sabay turo sa akin. Aapela pa sana kami ni Dustin ng mabilis na magsalit ulit si Stanley. “Ipapaabot ko ito sa mga pulis at media ng malaman ng lahat ng tao kung gaano kabulok ang bar na ito!”
“Naku, wag,” biglang sabi ng natakot na manager. “Pag-uusapan natin ito, okey?” sabay baling kay Dustin. “Ikaw Dustin, mag-uusap tayo sa office ko!”
“Pero sir—“
“Wala ng pero pero!” at tumalikod na ito.
NAPATAYO ako sa kinauupuan ko sa gilid ng kalsada ng lumabas si Dustin sa bar.
Tinawag ko siya. “Dustin, a-anong sabi ng boss mo?”
Ngumiti siya. “Hmm...Tinanggal na niya ako eh.” sabay kamot niya sa ulo.
“Sorry...Kung hindi dahil sa akin—“
“Wala iyon Barbie. Ang importante eh hindi ka nahalikan at nabastos ng mokong na iyon.”
A-ano daw?! Grabe, na-speechless naman ako sa sinabi ni Dustin. It means...He cares for me? Ayiiiieee...Kilig to the bones naman.
Hinawakan ni Dustin ang kaliwang mata ko na tinamaan ng suntok ni Stanley kanina. Napapitlag ako. “OK ka lang? May black-eye ka oh.” Nag-aalala niyang turan.
Napakagat labi ako para pigilan ang paglabas ng malapad kong ngiti. “OK lang...Mawawala rin iyan.”
Pero ang tama ko sa iyo, di mawawala. Pipi kong dugtong.
Ngumiti na naman siya.
Sana habangbuhay na lang akong si Barbie para bagay talaga kami ni Dustin...Hindi ko alam pero sa maikling panahon ay parang naiinlove na yata ako kay Dustin...