“HELLO Boyong!” Bati ko kay Boyong pagkapasok ko sa bahay nila Dustin. Masigla niya ako sinalubong ng isang mahigpit na yakap. “May pasalubong nga pala ako sa iyo.” sabay labas ko ng dala kong isang kahon ng donut.
“Wow! Peborit ko po yan Aling Barbara. Thank you po!” ngumiti pa siya.
“Ow...You're welcome Boyong!”
Nagtatakbo na papasok ng kwarto si Boyong dala ang donut ng magsalita si Dustin. “Mabuti naman po at dinalaw niyo iyang si Boyong. Kinukulit nga po ako...”
“Hindi lang naman si Boyong ang ipinunta ko dito!” bigla kong sabi.
“Po?”
“Ah...Oo, hindi lang si Boyong ang ipinunta ko dito pati kasi...Iyong donut! Oo. Iyong donut...” Phew! Buti na lang magaling akong magsinungaling.
“Ahh...Ganun po ba?”
“Oo nga pala, may kasama ako. Saglit lang at papapasukin ko.”
Lumabas ako saglit at nakita kong papalapit na si Chiqui sa akin. May nakita kasi itong kakilala ng papunta sila kina Dustin kaya nakipagchikahan muna ito.
Pasexy pa talagang lumakad ang baklang hitad habang nakasuot ng tube at skinny jeans with matching red high heels. Madapa sana!
“Bakla! Bilisan mo na nga! Pa-VIP ka pa. Gusto RIP kita!” sigaw ko sa kanya.
“Yes girl! Masyado ka namang excited na ipakilala ako diyan sa new friend mo.” ani nito ng makalapit na siya sa akin.
Pumasok na kami sa loob at ipinakilala ko na sila.
“Ay! I remember you Dustin! Ikaw iyong waiter doon sa bar. Small world huh! Finally, we met again...”
Biglang suminghot-singhot si Dustin. Naku, mukhang... “Bakit ang baho? Amoy...Tae?”
Suminghot-singhot din si Chiqui. “Hmm...Wala naman ah!”
Agad kong inilabas iyong dala kong face mask at ibinigay ko kay Chiqui. “Isuot mo ito bakla! Bilis. Hindi ba ang bilin ko ay lagi kang magdala nito. Makakalimutin ka talaga!”
“Ayoko nga. I don't need this!”
“Kailangan mo iyan!” at pinagsiksikan ko iyon sa kanyang mga kamay.
“Hindi ko kailangan ito!”
“Pwes! Kailangan namin iyan!” Pinasuot ko na kay Dustin iyong face mask. Nagtataka man ay isinuot na lang niya iyon kahit nagmumukha na siyang doktor.
Napapitlag ako ng hawakan ni Dustin ang aking mata. OMG! Nakalimutan ko iyong black eyeee!!! “Napano ka?” tanong niya.
Bigla akong pinagpawisan. “Ah...Nauntog ako sa kantuhan ng lamesa,” pangangatwiran ko. “Oo. Ang tanga-tanga ko kasi. Hehe”
Naku, wag naman sana na makahalata si Dustin.
“Ah...OK.” sabi na lamang niya.
GRABE! Nakakangalay naman magdoorbell sa mansion ni Georgina. Ang taas ng kinalalagyan ng doorbell kaya kailangan ko pang tumingkayad. Ang tagal pang buksan. Sirain ko na kaya itong gate na 'to! Kung di lang ako takot makulong sa kasong tresspassing kanina pa ako umakyat sa pader ng mansion na ito!
Ayun, mabuti naman at may lumabas nang katulong.
“Sino ka?” tanong nito.
“Andiyan ba si Ma'am Georgina mo?”
“Ang sabi ko, sino ka?” sabay taas ng kilay.
“Ako si Barbara. Friend niya ako.”
“Wala akong kilalang friend ni Ma'am Georgina na ang pangalan ay Barbara!”
Aba’t at napakaintrimitida naman ng muchacha na ito. Boksingin ko ito ng isa, makita nito. Akala mo assistant ni Georgina kung makaasta. “Papapasukin mo ba ako o gigibain ko ang gate na ito at ihahambalos ko sa pagmumukha mo ito!”
Binuksan na ng katulong iyong gate. Mukhang natakot ang loka. “Doon ka na lang sa garden. Hindi na kita papapasukin at baka may mawala pa doong gamit!” At padabog na pumasok ito sa bahay.
Talaga nga naman na napaka-hayop ng katulong na iyon. Pag-isipan ba naman na isa akong clepto?! Wakanabitch siya!
Umupo na ako doon sa sosyal na chair na nakita ko sa garden. Talagang obvious na sosyalera si Georgina gawa ng very elegant na design ng kabuuhan ng kanyang mansion. Ako kaya, magkakaroon rin kaya ng ganitong bahay? Parang imposible kasi kulang-kulang tatlong taon ay matetepok na ako. Nakakalungkot naman...
“Who are you?” Napatayo ako ng biglang may magsalita. Si Georgina na pala. May karga pa siyang aso na makapal ang balahibo. Ang cute nga eh.
“Ah...Eh—“
“Yeah, i remembah you. You are the old lady who ruined Macus' proposal to me!” Napakaganda pa rin niya kahit galit na siya t ang sosyal niyang mag-English. Full of accent. “What are you doing here?! Andito ka ba para sirain ang araw ko?”
Grabe lang ha.
Hindi naman masyadong mapanghusga ang mga taong nakatira dito.
“Naku, wag kang mag-alala Ma'am Georgina. First of all, I am so sorry sa nagawa ko noon at nandito po ako para makiusap na makipagbalikan na kayo kay Marcus.”
Tumaas ang kilay ni Georgina. “Inuutusan mo ba ako?”
“Napakaliit naman po kasing bagay ng ikinagagalit niyo—“
“Don't used the word 'po' to me. Mas matanda ka sa akin! And FYI, hindi ako madaling i-please! You may go now and tell Marcus na kung gusto niyang magkabalikan kami wag kung sinu-sinong aso ang inuutusan niya!” At mataray na tumalikod si Georgina.
Nakooo!!! Kung hindi lang ako nakapagpigil, baka nakalbo ko na ang Georgina na iyon! Napaka-brat!
“ATE...” Natigilan ako sa paghihiwa ng sibuyas ng mula sa likuran ko ay tawagin ako ni Bunny. Hindi ako humarap sa kanya. “Ate.” tawag niya ulit.
“B-bakit? May kailangan ka ba? Wala akong pera ngayon eh. Hindi pa rin ako nakakahanap ng trabaho pero huwag kang mag-alala baka makapaglambing ako dun sa kakilala ko ng trabaho—“
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Bunny mula sa likuran ko. “I'm sorry ate! Sorry kung naging makitid ang utak ko. Okey lang kahit hindi na ako makasama sa field trip. Sorry talaga ate kung naging selfish ako.”
Naluluha na ako sa pinagsasabi ng kapatid ko. Pinunasan ko sa pamamagitan ng kamay ko ang namumuong luha sa aking mga mata. Humarap ako sa kanya at yumakap na rin. “Ang kapatid ko, nagmamature na...Okey na Bunny. Kinalimutan na iyon ng ate...” Tuluyan ng bumalong ang masaganang luha sa aking mga mata.
“Sorry talaga ate...”
“Huhuhu...” Patuloy ako sa pagluha.
“A-ate...Tama na. Tama na ang iyak...” aniya.
“Hindi ko kaya Bunny! Masakit!” Nakapikit pa talaga ako habang lumuluha.
“Kaya nga ako nagsosorry ate para di na tayo mahirapan parehas.”
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakapikit pa rin ako habang umiiyak. “Masakit! Hindi ko kaya!”
“Tama na ate ang iyak!”
“Hindi ko kaya! Hindi ko kaya!”
“Alin ang hindi mo kaya ate?” nag-aalala ang tono ng boses ni Bunny.
Nagpapadyak na talaga ako habang todo-pikit. “Hindi ko kayang imulat ang mata ko! Ang hapdi-hapdi! Napahiran ko ng kamay ko na inihawak ko sa sibuyas!!! Huhuhu!!!”
“Ay! Hindi ka naman agad nagsabi ate. Bilis, maghilamos ka agad!”
At nagmamadali akong pumunta sa banyo para maghilamos.
NAKITA ko ang gulat sa mga mata ni Dustin ng pagkabukas niya ng pinto ng bahay niya ay ako ang kanyang nakita. “B-barbie! Paano mo nalaman ang bahay ko?”
Matamis akong ngumiti. “Hmm...Daig ko pa si Detective Conan, diba? Papasok, pwede?”
“Sige, tuloy ka!” Ayan na naman ang punyetang dimples na iyan. Pacute din akong gumanti ng smile. “Pasensiya kana at magulo.”
“Okey lang.”
Pagkaupo niya sa harapan ko ay agad niya akong tinanong. “Alam mo Barbie, napapansin ko kasi na parang wala kang ginagawa. Kung gusto mo sumama ka sa akin pag-aapply.”
“Now na?”
“Oo sana. Actually, papunta na ako sa aapplyan ko. Ano, sama ka ba?”
“Gusto ko sana kaya lang...Hindi kasi ako ready eh,” sabay bulatlat ko ng dala kong shoulder bag. “Eto lang kasi dala ko, NSO birth certificate, barangay clearance, NBI, Police clearance saka may medical na ako dito.” Lahat iyan ay fake.
Napatawa siya. “Hahaha! Hindi ka nga ready. Hmm, hintayin mo ako dito at maliligo lang ako, okey?”
“Okey?”
Nakaka-excite naman.
Pag kami naging magkatrabaho na ni Dustin ay magiging madalas na ang pagkikita at pagkakasama namin and this leads to possibility na mainlove din siya sa akin!
Kaya lang ang dami ko ng nagagawang kasinungalingan...
Hay...Patawad po Lord!