NAKITA ko... 20-20 vision yata ako! Nakita ko na pipindutin na ni nanay ang CALL button. Diyos ko po! Mabubuking na ako! Tapos na ang maliligaya kong araw. Malamang ay isumpa pa ako ni Dustin kapag nalaman niyang niloloko ko siya. Na si Barbie at si Barbara pala ay iisa.
Adios Patriarca dinorado!
Mi ultimo adios...
Napapikit na lang ako ng mariin hanggang sa...
“Holdap ito! Akina iyang cellphone mo!”
Napamulat ako. May nakasakay pala kaming holdaper at inaagaw nung holdaper na mukhang goons ang cellphone kay nanay. Diyos ko po. Thank youuu...!!!
“Anong sa'yo?! Akin ito!” Grabe! Ang tapang pala ni nanay. Sa kanya yata ako nagmana.
Pero nakakaasar kasi lumalaban si nanay. Sana makuha nung holdaper iyong cellphone niya! Hmp! Ang bad ko yata...Pero dito nakasalalay ang aking sikreto.
Go manong holdaper! Go! Go! Go! Tahimik na cheer ko sa utak ko.
At...
“Ibibigay mo ba itong cellphone o sasaksakin kita sa gums?!” galit na sabi nung holdaper sabay labas ng patalim.
Agad naman na ibinigay ni nanay ang cellphone niya. “Naku ayan na nga! Ibang usapan na kapag may kutsilyo. Nyah!”
“Ibibigay din pala, dami pang arte. Kayo akina lahat ng cellphone at pera niyo!” sigaw ni holdaper.
Hay...Salamat manong holdaper kasi dahil sa'yo hindi ako mabubuking ng nanay ko. Sa sobrang tuwa ko sa holdaper ay ibinigay ko ang cellphone, barya at ang pasalubong ko sanang cake sa mga kapatid ko sa kanya!
“HINDI ka ba talaga nasaktan?” nag-aalalang tanong sa akin ni Dustin. Kalalabas lang namin ng presinto kasi nagreport kami about doon sa holdapan.
Tumingin ako sa kanya. “OK lang ako. Salamat...”
“Oo nga pala, bakit naman halos lahat ibigay mo na dun sa holdaper?”
“Ah iyon ba? Para di na niya tayo saktan. Kasi may dala siyang patalim diba? Alam mo, nakakaawa din minsan iyong mga taong ganyan kasi iyong iba diyan sobrang gipit lang kaya napipilitang gumawa ng masama.”
“May point ka diyan Barbie pero hindi ba dapat marangal pa rin na paraan dapat ang naiisip nila? Teka, gusto mo ihatid na kita sa inyo?”
Gusto ko sana kaya lang mabubuking niya ako. “Wag na. Malapit na kasi dito iyong sa amin.”
“Sige...Hmm. Uuwi na ako at siguradong magugustuhan ng kapatid ko ang cake na pinabaon sa atin ni Sir Marcus...”
Pagkasabi niya noon ay lumakad na siya palayo. Pinagmasdan ko ang likod ni Dustin habang lumalakad siya palayo. Sana ay matanggap pa rin niya ako kapag nalaman niya ang tunay kong pagkatao.
Bakit nga ba ako masyadong natatakot na malaman ni Dustin kung sino talaga ako? Dahil baka lumayo siya? At bakit naman ako matatakot na lumayo siya? Kasi...Mahal ko na ba siya?
Hindi nga kaya?
NASA anyong Barbie pa rin ako. Pasilip-silip ako sa bahay. Hindi pa kasi ako pwedeng mag-anyong Barbara kasi baka mawasak ang suot kong uniform ko sa shop pag naging Barbara ako. Medyo...I mean, mas malaki kasi si Barbara kay Barbie.
Madilim sa loob at mukhang walang tao. Pero kailangan kong makasigurado. Tinawagan ko si Bunny. “Hello Bunny. Nasaan kayo?” Mabuti na lang at hindi ko ibinigay doon sa holdaper itong isa ko pang cellphone. Aba! Masyado na siyang siniswerte!
“Nasa labas kami ate. Susunduin namin si nanay sa presinto. Ang arte nga eh. Naholdap daw sila tapos natatakot daw siyang umuwi mag-isa.”
Medyo nabuhayan ako ng loob. “Eh sinong tao sa bahay?”
“Si Itay lang pero, tulog na po siya. Ayaw ko naman ate na iwan sina Bora mag-isa kaya isinama ko na. Si Ate Chiqui naman, may beau-con daw siyang sasalihan.”
Nakahinga ako ng maluwag pa sa panty ng matanda. Binaba ko na ang cellphone ko at pumasok na ako sa bahay. Ini-on ko ang ilaw. Si tatay nga lang ang tao at mukhang mahimbing na ang tulog niya. Jackpot!
Hinubad ko na ang damit ko. Magpapalit na sana ako ng damit ng biglang pumasok si Chiqui. Nyaah! Akala ko ba may beau-con ang baklitang ito!
Agad na kinuha ni Chiqui ang walis tingting at nanlalaki ang mga mata nagsalita. “Sino ka?! Anong ginagawa mo sa loob ng bahay ko?!”
“Ay kalabaw ka! Ano—“
“Magnanakaw ka ano?!”
“Hindi—“ Hindi na ako nakapagsalita kasi sinugod na ako ni Chiqui ng hampas ng walis tingting.
“Lumayas ka magnanakaw! Layasss!!!”
Inagaw ko kay Chiqui iyong walis. Sabay suntok sa kanyang nguso. Grabe, para na akong zebra sa dami ng latay ko. Pesteng baklita talaga ito oh!
“Bakit mo ako sinuntok?!” gusto kong magtawa ng makita kong dumudugo ang nguso niya. “Alam ko na! Killer ka! Killer!” Tapos nagtumba-tumbahan si Chiqui at marahang gumapang. “Wag kang lalapit...Wag kang lalapit...”
“Tumayo ka diyan bakla kung ayaw mong tadyakan kita!”
Bigla siyang tumayo. “Sino ka ba talaga at bakit andito ka sa loob ng bahay ko?! Ipapabarangay kita!”
Napahilamos ako sa aking mukha. Siguro ay kailangan nang malaman ni Chiqui ang katotohanan. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan siya eh. Kumuha ako ng palanggana at humingi sa kanya ng bulak.
“Teka, anong gagawin mo sa palanggana at bulak?” taka niyang tanong.
Pinasakan ko ng bulak ang tenga ni tatay at tinakpan ng palanggana ang kanyang mukha. Para di niya makita ang marinig ang mga mangyayari at sasabihin ko. Hinarap ko na si Chiqui. “OK, aamin na ako sa'yo...”
“Na isa kang magnanakaw? O isa kang mamamatay-tao?!”
Sinabunutan ko ng marahas si Chiqui sa kulot niyang bangs. “Ang OA mo bakla ha!”
“Hoy! Grabe ka ng babae ka. Isang tao lang ang pinapayagan kong sumabunot sa bangs ko!”
“Tama ka Chiqui...Ako ito si Barbara!” Naka-smile pa ako sa kanya.
Napataas ang kilay niya. “At kapangalan mo pa ang bestfriend ko ha.” Nag-isip siya saglit at sunod-sunod na umiling. “Hindi, hindi hindi! Ginagaya mo ang name ng friend mo para maawa ako sa iyo! Hindi mo ako maloloko babae ka! Sino ka ba?!”
“Makinig ka kasi muna! Ako nga si Barbara ang bestfriend mo!”
“Weeeeehhhh???” Mahabang niyang sabi.
Umalingasaw na naman ang bunganga niya.
“Saglit ha...” Lumayo ako ng konti sa kanya at hinanap ko sa bulsa ng pantalon ko ang MAGIC RED LIPSTICK.
“Teka, anong hinahanap mo sa bulsa mo? Wag mong sabihin na ikaw si Darna? Bato ba ni Darna ang hinahanap mo?”
“Gaga! Heto oh...” sabay pakita ko sa kanya ng lipstick.
Napapalatak si Chiqui. “Tsk! Bakit naman di mo sinabi agad!” aniya. Hay salamat at nagets na rin ng baklang ito. “Bakit di mo agad sinabi na dealer ka ng Avon. Pero, sorry ha. Wala kasi akong perang pambili ng lipistek. Nagtitiyaga na lang ako sa crepe paper na nilagyan ng tubig. Long-lasting din naman.”
Nakuuu...Napaka-slow talaga!
“Tignan mo ako ha?” sabi ko at sa pamamagitan ng kamay ko ay binura ko ang lipstick sa aking labi. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata at mabahong bibig ni Chiqui ng magliwanag ang buo kong katawan. Nawala na ang liwanag at bumalik na ulit ako sa pagiging Barbara!
“B-ba...B-ba...Bar...” Pautal-utal na sabi ko. Nilapitan ko siya. Manghihimatay sana siya pero agad ko siyang sinampal ng malakas.
“Wag kang manghihimatay! Ako nga ito, si Barbara a.k.a. Barbie!”
“P-pe...P-pero papaano?”
Pinakita ko sa kanya ang MAGIC RED LIPSTICK. “Dahil dito!” At inexplain ko sa kanya ang lahat. Simula kay Matandang Hukluban hanggang sa paglalapit naming dalawa ni Dustin. Walang bawas, walang kulang.
Hinawakan ni Chiqui ang MAGIC RED LIPSTICK. “Wow! Pwede bang pagamit din ako ni girl? Kahit isa lang! Baka maging tunay na akong girlaloo kapag ako naman ang gumamit nito!”
“Gaga! Ang sabihin mo baka maging kabayo ka na. Saka sa akin lang ito binigay ni Matandang Hukluban!”
Sumimangot si Chiqui. “Hmp!”
“Basta itikom mo iyang bibig mo bakla ha!” sabi ko.
“Oo naman. Ganito lang ako oh, shhhhhhhh...”
Hmft! Baho!