Chapter 13

946 Words
“HELLO, Barbara?!” Ang galit na boses agad ni Marcus ang sumalubong sa akin isang umaga. Papungas-pungas pa ako. “Hello Marcus. Ang aga pa ah!” “Pumunta ka ngayon din sa labas ng bahay niyo. I'm here!” Huh? Napabalikwas ako ng bangon sa sinabi niyang iyon. Bakit nandito siya sa amin. Tumayo agad ako at nagsuklay ng buhok. Lumabas na ako at nasa tenga ko pa rin ang cellphone. Pagbukas ko nga ng pintuan ay nakatayo sa labas si Marcus. “Marcus? Anong ginaga—“ Doon ko lang narealize na nasa tenga ko pa rin ang cellphone. In-end ko na ang call at isinilid iyon sa bulsa ko. “Anong ginagawa mo dito?!” Mabilis na nilapitan ako ni Marcus. “You are unbelievable Barbara!” sigaw niya sa akin. May tumalsik pang laway niya sa mukha ko pero keber lang. Hindi naman siya si Chiqui. Teka nga. Bakit ba ang init ng ulo ng lalaking ito sa akin? May nagawa ba akong ikakagalit niya? “Bakit mo ako sinisigawan? Umagang-umaga ha!” sigaw ko rin. “You are asking me kung bakit ako nagagalit sa'yo? Inutusan kita na suyuin ulit si Georgina para magkalapit ulit kami pero anong ginawa mo? Sinigawan mo siya ng sinigawan!" Hindi ako nakapagsalita sa narinig ko. Pilit kong inaalala kung kelan ko sinigawan ang babaeng make-up na iyon. "Now, you can't say anything? It means totoo!” “Hoy! Hindi iyan totoo!” “Silence means yes!” “Hindi na kaya ako tahimik! Nyeeenyeee! Nyeeenyeenyeee! Blah! Blah! Blah!” para na akong manok na putak ng putak. “For your impormasyon, hindi ko matandaan na sinigawan ko ang jowa mo ng kausapin ko siya. Walang ganun na nangyari! Kung meron man, malamang sa alamang eh, nananaginip lang iyang Georgina'ng iyan o kaya gumagawa lang siya ng kwento!” Dinuro niya ako. “Hindi ganyang tao si Georgina. Mabait siya. Alam mo ba na umiiyak na nagsumbong siya sa akin at pinagmumura mo daw siya?!” “Sinungaling yang jowa mo!” “Pag lalong hindi kami nagkaayos ni Georgina—“ Agad ko siyang inunahan sa sasabihin niya. “Ano? Kung hindi kayo magkakaayos ay ano?! Gagahasahin mo ako?! Pagsasawaan at iiwan na laspag! Ano Marcus? Bakit di ka makapagsalita? Silence means yes!” “Wag kang assuming Barbara. Basta i'll break your neck lang naman!” at iniwan na niya ako. Ibebreak daw niya neck ko. Napahawak ako sa leeg ko. NASA baywalk ako noon isang gabi. Sabado noon at wala akong pasok sa shop kapag weekends. Nakatanaw lang ako sa dagat at nag-iisip. Less than three years na lang pala at mawawala na ako sa mundo. Talagang di ko maiwasang malungkot kapag naiisip ko iyon. “Aling Barbara! Aling Barbara!” Nagpalingon-lingon ako sa baywalk. May parang maliit na boses na tumatawag sa akin. Diyos ko! Baka sinusundo na ako ng anghel ko! Pero...Wala pang tatlong taon. Madyado namang excited si Bro na makasama ako sa heaven. Echoz lang! “Aling Barbara!” Paglingon ko sa likuran ko ay napamaang ako. Isang anghel nga ang nakikita ko! Si Dustin at kasama niya si Boyong. “Aling Barbara!” tawag sa akin ng cute na cute na si Boyong. “Boyong!” sabay pisil ko sa pisngi niya. Tinignan ko si Dustin. “Anong ginagawa niyo dito? SInundan niyo ba ako here?” Bahagyang tumawa si Dustin. "Hindi po Aling Barabara. Bale pinapasyal ko lang po si Boyong. May bago na kasi akong trabaho at pag weekends ay wala akong pasok kaya nagkakaroon na ako ng time para makapag-bond kami ng kapatid ko." Talagang pinapahanga ako ni Dustin. Napakabait niyang kapatid, kaibigan at...Boyfriend? Ayiiieee..Kakakilig talaga. “Mabuti naman pala kung ganoon. Tara, upo tayo doon.” Turo ko sa may seawall. Umupo kaming tatlo doon habang si Boyong ay busy'ng-busy sa pagkain ng hawak nitong hotdog na nasa stick. "Kayo po Aling Barbara, anong ginagawa niyo dito?" “Wala. Napadaan lang ako. Tapos naisipan kong magmuni-muni. Biglaan nga ang pagtambay ko dito at hindi ko pinaghandaan.” Pagkasabi ko noon ay inilabas ko ang isang basket na nasa gilid ko. “Ano po iyan?” “Ah...Mga pagkain...” isa-isa kong inilabas ang laman ng basket. “Juice, sandwich, chips at pancit lang naman ang mga ito.” Natawa si Dustin. “Talaga nga po palang napadaan lang kayo dito, ano? Alam niyo po, may naaalala ako sa inyo na tao.” Lumakas ang kabog ng puso ko. “Ha? S-sino naman?” Nahihiya siyang ngumiti. “Hmmm...Pwede po bang magsabi sa inyo ng sikreto.” “Oo naman! You can trust me Dustin.” Tumingin si Dustin sa malayo saka siya nagsalita. “May nagugustuhan po kasi akong babae,’ bigla akong natigilan sa sinabi niya. Parang alam ko na ang mga susunod niyang sasabihin. “Bagong kakilala ko pa lang siya pero nahulog na po kasi ako agad sa kanya. Mabait siya, maganda at masayang kasama na tulad niyo.” “Ano? Maganda rin ako tulad niya?” “Uhm...Basta ang alam ko po, mabait kayo.” Napangiwi ako. Echosera rin pala si Dustin. Hmp. Nagpatuloy siya sa pagkukwento. “Saka isa pa, napakakomportable at gaan ng feeling kapag kasama ko siya. Basta, sure na po ako Aling Barbara. Inlove na po ako sa babaeng ito. Kaya lang, wala akong masyadong alam tungkol sa pagkatao niya.” Diyos ko pooo!!!! Parang gusto kong tumili ng mga oras na ito!!!! “S-sino ba ang babaeng tinutukoy mo?” “BARBIE po ang pangalan niya.” Pagkasabi noon ni Dustin ay pinanawan ako ng ulirat habang may supalpal na sandwich at pancit sa aking bibig...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD