Chapter 14

767 Words
TINAPIK-tapik ako sa pisngi ni Dustin. Pagmulat ko ay ang mukha niya ang sumalubong sa akin. "D-dustin..." sabi ko na parang high na high sa drugs. “OK lang po ba kayo Aling Barbara?” inalalayan niya akong makaupo ng maayos. Napaka-gentleman naman talaga niya. “Bakit po kayo nanghimatay?” Wakanabitch talaga oh! Anong idadahilan ko sa kanya? “Ah eh. Alam mo kasi Dustin, hindi ko alam kung maniniwala ka pero may sakit ako.” “May lagnat kayo?” inosenteng tanong sa akin ni Boyong. Ginulo ni Dustin ang buhok ng bata niyang kapatid. “Boyong, diba ang sabi ko huwag kang makikisali sa usapan ng matatanda?” “Opo kuya! Churi po!” sabay ngiti ng cute na si Boyong. Nagpatuloy ako sa pagkukwento kay Dustin. SInabi ko sa kanya ang tunay kong kalagayan- na kulang-kulang tatlong taon na lamang ang itatagal ko sa mundong ito dahil sa sakit kong colon cancer. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Dustin. Maging ako ay malungkot din. Takot, kasi hindi ko alam ang magiging resulta kapag sinabi ko na kay Dustin na ako at si Barbie ay iisa. “Sana po ay maging masaya kayo Aling Barbara kahit na konting panahon ka na lamang namin na makakasama. Isa pa, huwag po kayong mawawalan ng pag-asa kasi habang may buhay may pag-asa.” Pagpapalakas ng loob niya sa akin. Napangiti ako. “Salamat...Salamat.” Hay...Bakit ba ako naluluha. Tumingin ako sa dagat at muling nagsalita. "Sa totoo lang Dustin, sinasabi ko sa lahat na tanggap ko na na mawawala na ako dito sa mundo pero deep inside, hindi ko pa tanggap eh! Marami pa akong pangarap at gustong gawin," pinahid ko ng palad ko ang luhang namalisbis sa aking pisngi. “Gusto ko pang magkaanak ng tatlo. Gusto ko pang ikasal sa lalaking mahal ako at mahal ko.” “Malay niyo naman po mangyari ang pangarap niyong iyan.” “Sa loob ng tatlong taon? Malabo...Malabo talaga.” sabi ko na may kasamang pag-iling. “HOY Georgina!” sigaw ko ng makita ko si Georgina na nasa isang botique sa mall. Kasama ko noon si Chiqui at nagwiwindows shopping lang kami isang hapon. “Sino bang sinisigawan mo girl?” takang-tanong ni Chiqui. “Ang mahaderang sinungaling na si Georgina! Humanda siya! Pipilipitin ko ang dila ng babaeng iyan ng madala!” gigil na sabi ko sabay pasok sa botique kung saan namimili si Georgina. Lumingon si Georgina at nakita ko ang pagsimangot ng maarteng babaeng iyon. Napakasosyal nito sa suot nitong dress at heels. May bag pa na halatang mamahalin. “Oh, bakit nandito ka old haggard lady? You can't afford anything here...” “Anong you can't afford?! Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mong pagsisinungaling kay Marcus! Ang kapal ng mukha mo!” “Ah, iyon ba? Its just, naaasar na ako sa pag-eksena mo. Akala mo rin ba, hindi ko alam na may gusto ka kay Marcus kaya para kang leech na nakadikit lagi sa kanya. But i'm sorry, kami na ulit ni Marcus and we're getting married months from now!” Pinakit pa ni Georgina sa amin ang suot nitong engagement ring. Natawa ako. “Pwe! Kulapol kaya dati ng jerbaks koa ng singsing na iyan! Mandiri ka babae!” Itinirik ni Georgina ang kanyang mga mata. “Oh! The hell I care. Excuse me squatters people!” At tinabig pa niya kami. Abat--- Napakamaldita talaga ng Georgina'ng ito. Akala mo ha. “Hoy Georgina!” Lumingon naman siya. Hinila ko si Chiqui at iniharap kay Georgina. “Chiqui NGANGA!” Pagkasabi ko noon ay automatic na ngumanga na si Chiqui at nalanghap na nga ni Georgina ang mala-imburnal at burak na bunganga ni Chiqui. Maluha-luha tuloy ang bruha! “Oh, gross! Get away from me!” sabay talikod niya. Ang hindi niya alam ay nilagyan ko ng isang purse na binebenta ng botique na iyon ang loob ng bag ni Georgina. Kaya naman ng papalabas na siya ng botique ay biglang tumunog ang alarm. Agad na nilapitan ng security guard si Georgina. “Ma'am check lang po namin ang loob ng bag niyo?” “What? Baka sira lang ang alarm niyo! I am not a shoplifter! I am Georgina Ashton- a rich heiress!” litanya pa nito. “Pa-check na lang po ma'am ng bag.” Binuksan naman ni Georgina ang bag. “Here! Check it forever if you want!” Epic ang mukha ni Georgina ng may makitang purse na may tag pa sa kanyang bag. Humahagikhik na umexit na kaming dalawa ni Chiqui.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD