“GOOD morning Barbie at Dustin. Lagi kayong magkasabay na pumapasok ha? Hmm...Kayo na ba?” urirat sa amin ng katrabaho namin na si Tasha. Waitress siya. Wala pa noong customer kaya nakakapag-chikahan pa kami.
Nagkatinginan kami ni Dustin. “Hindi ah!” Magkasabay naming sagot. At nakita kong namula ang mukha ni Dustin just like me.
“Hay naku! Sabay pa kayo. MTB na MTB eh!” at umalis na si Tasha para pumunta sa kusina.
Pagdating ni Sir Marcus at kasama pa nito ang maarteng si Georgina. Napasimangot ako. Naalala ko na naman ang pagmamaldita ng bruhang babaeng iyon. “Good morning Sir Marcus at Ma'am Georgina!” bati ni Dustin.
Ako? Deadma lang.
“Hindi mo ba kami babatiin?” tanong ni Georgina sabay taas ng kilay.
Nakuuu! Mapa-anyong Barbara o Barbie ay talagang tinatarayan ako ng babaitang ito! Hmp! Sarap talpakin ng pagmumukha. Nakakairita talaga.
Umismid ako. “Good morning Sir Marcus!”
“How about me? Hindi mo ba ako igegreet?” tanong pa ng hitad.
“Si Sir Marcus lang ang amo ko!” sabay walkout na ako. Akala naman ng Georgina na ito ay magpapatalo ako sa kanya? Never!
HABANG pinupunasan ko ang estante ng mga cakes ay nilapitan ako ni Tasha.
“Hoy Barbie, pinapatawag ka ni Sir Marcus sa office niya. Naku, mukhang lagot ka.” Nanlalaki ang mga mata na sitsit niya sa akin.
Itinigil ko ang aking ginagawa. Mukhang alam ko na kung bakit niya ako pinapatawag at iyon ay dahil doon sa nagawa ko kanina kay Georgina. Alam ko naman na mali ako pero hindi ko lang talaga na-control ang pagkainis ko.
“Sige, sunod na ako.” tipid kong sagot.
Naglakad na ako papunta sa office ni Sir Marcus. Kumaway sa akin si Dustin. Parang sinasabi ni na kaya ko ito. Ngumiti ako sa kanya.
BLAGH!
Arekupooo! Humampas pa ang mukha ko sa pintuan ng office ni Sir Marcus kakatingin kay Dustin. Pumasok na ako. Nakita ko ang seryosong mukha ni Sir Marcus.
“Pinapatawag niyo daw po ako.” bungad ko.
“Have a sit first...” Hindi ko alam pero nakakatakot ang boses niya today. Mukhang super serious niya kasi.
Umupo na ako. Hinintay ko siyang magsalita na una. “Alam ko na ang sikreto mo...” aniya na nagpabigla talaga sa akin.
“Ano?!” bigla akong nanlamig. Papaano niya nalaman na ako si Barbara. Pinasundan ba niya ako isang detective?!
Tumikhim siya. “Lahat ng bago naming empleyado ay pinapaimbestigahan ko. And I just discovered na peke lahat ng infos na prinesent mo sa amin. Sino ka ba talaga Miss Barbie Lemeundez?”
“S-sir...” Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko ng mga oras na iyon. "Sir ano kasi..."
“What?! Ayoko na ng kasinungalingan dito Miss Barbie! Sino ka ba talaga? Isa ka bang terorista o NPA?”
“Terorista talaga?! Marcus...” Hay! Paano ba ito?!
“Ano?!”
“Opo. Tama nga po kayo na peke lahat ng requirements ko. Mahirap lang po kasi ako at wala akong pera na pang-asikaso ng mga requirements ko. Isa pa, hindi ako nakatapos ng aking pag-aaral. Grade five lang po ako kaya anong trabahao ang makukuha ko? Mamalimos?! Dukha lamang ang aking abang pamilya,” nagpilit akong lumuha. Luha labas! “Abroad si Papa, hostess naman si Mama...Labingtatlo kaming magkakapatid. Sana po Sir Marcus, wag niyo akong sesantehen. Please...” sabay puppy eyes.
Nag-isip siya. Tumayo at naglakad-lakad.
“Sa totoo lang, nakakaawa ka nga Barbie. Masipag ka naman at mapagkakatiwalaan. Don't worry, hindi kita tatanggalin. Ang ayaw ko lang ay iyong nagsisinungaling sa akin. OK. Go back to your work now.” aniya.
“H-hindi niyo po ako tatanggalin?” hindi ko makapaniwalang sambit.
“Oo.”
Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko si Sir Marcus at pinaghahalikan ko ang pisngi niya. Biglang pagbukas ng pinto. “Sir---“ si Dustin! Nakita ko na natigilan si Dustin sa eksenang kanyang nadatnan. Agad niyang isinara ang pintuan at nagkatinginan kaming dalawa ni Sir Marcus.
Patay!
“DUSTIN sandali lang. Natatae ka ba? Bakit ang bilis mong maglakad?” sigaw ko sa kanya. Pauwi na kami noon. Alam ko naman kung bakit siya nagkakaganoon eh at iyon ay dahil sa nakita nito kanina sa office ni Sir Marcus. “Dustin ano ba? Ang sungit mo? May regla ka ba today?” sabay hila ko sa braso niya.
Pumiksi siya kaya nabitawan ko ang braso niya. “Pagod lang ako.” malamig na sagot niya.
“Hala! Hindi ka naman ganyan dati kahit na pagod ka ah.”
Hindi na naman siya nagsalita. Nagpatuloy siya sa paglalakad. “Dustin. Dustin!” sabay pisil ko sa pisngi niya.
“Ano ba?!” iritadong sabi niya.
Tumigil ako sa paglalakad. At umatungal ako ng iyak. Tumigil sa paglalakad si Dustin. May pag-aalala sa mukha na binalikan niya ako. “Bakit? Bakit ka umiiyak?” aniya sabay pahid sa luha ko.
“Eh ikaw kasi eh... Ang sungit mo! Huhuhuhu....Waaahhhhh!!!!”
“Tama na! Tama na Barbie please. Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak eh.”
“Talaga? Bakit naman?” tanong ko.
“Hindi ko alam!” sabay naglakad ulit siya na magkasalubong ang mga kilay.
Hinabol ko siya. “Hoy Dustin! Magtapat ka nga sa akin! MAHAL MO BA AKO?!”
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. Patakbo akong lumapit sa kanya. “Mahal mo ba ako?” ulit ko.
“May Sir Marcus ka na naman eh!”
“So selos ka?”
“Oo-- Ah hindi siyempre!” bawi niya.
“Asus!” sabay sundot ko sa tagiliran niya na ikinaigtad niya. “Iyong nakita mo kanina, kaya hinalikan ko si Sir Marcus kasi natuwa lang ako kanina sa kanya. Natuklasan niya kasi na peke lahat ng requirements na ipinasa ko pero hindi niya pa rin ako tinanggal. Kaya wala iyon noh! May Georgina na kaya siya.”
Humarap sa akin si Dustin. “Eh bakit ka nagpapaliwanag sa akin?” medyo may pekeng inis sa mukha niya.
“KASI MAHAL KITA! Ikaw mahal mo ba ako?” diretsong sabi ko.
“Huh?” bigla siyang namula.
“Huwag ka ng matorpe Dustin! Mahal mo ba ako?”
Nahihiyang tumango si Dustin. “O-oo Barbie. Mahal din kita!”
Gusto kong himatayin sa sobrang kilig ng mga oras na iyon. Gravity na talaga!!!
Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib ng biglang titigan ako ni Dustin. Hinawakan niya ang baba ko at iniaangat iyon. Dahan-dahan na lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Oh my golly wow! Hahalikan niya ba ako?
Oo! Hahalikan niya nga ako!
Hindi pwede! Mabubura ang MAGIC RED LIPSTICK!