HALA! Papalapit na ang lips ni Dustin sa lips ko. Hindi pwede. Anong gagawin ko?!
“Ay dyaskeng mga batang ire at dine pa naglalampungan sa lansangan!” Bigla kaming naglayo ni Dustin ng biglang may magsalitang matanda.
Pagtingin ko ay nakita kong papalapit sa amin si Matandang Hukluban in tindera ng balot outfit. Phew! Thanks to Matandang Hukluban at hindi natuloy ang aming kiss! “Ano ba at dito pa kayo naghahalikan, hane?” Naggagalit-galitan pa talaga siya.
Namula si Dustin. “S-sorry po lola.”
“Maano ngang umuwi na kayo! Mga balasubas na bata!”
Umalis na kami. Kung maka-balasubas naman si Matandang Hukluban oh. Pero may part ng puso ko na nanghihinayang at hindi natuloy ang halikan namain na iyon. Matitikman ko na sana ang matamis at mapulang lips ni Dustin.
“Dustin?” tawag ko sa kanya habang naglalakad na kami.
“Bakit?”
“Tayo na ba? I mean, boyfriend na ba kita?” Hindi naman sa atat ako pero kailangan kong magmadali. Three years na lamang. Kailangan ko ng maging masaya ng bonggang-bongga!
“Oo naman. Bakit, ayaw mo pa ba?”
“Siyempre gusto ko! Gustong-Gusto!” Mabilis kong sagot.
LABOR DAY! At dahil Labor Day today ay wala akong pasok sa shop. Pakanta-kanta pa ako habang nagluluto ng ginisang munggo. Inilagay ko na ang chitcharon at hinalo iyon. Tinikman ko. Masarap na!
“Patikim naman!” biglang entrada ni Chiqui.
“OK. Kumuha ka ng bagong kutsara sa lagayan at pagkagamit mo hugasan mo agad at ibabad sa asido ang ginamit mo, ha?”
“OK!” sagot niya. Tinikman na ni Chiqui ang niluluto ko. “Sarap ha!” Bulalas niya.
“Siyempre...” at pa-tweetums pa na ngumiti ako.
Tinignan ako ni Chiqui ng makahulugan. “Hey, I know that look ha...”
“And I know that smell!” sabi ko.
Sinundot niya ako sa tagiliran.”Inlove ka ano!”
Hinawi ko ang hair ko sabay harap sa kanya. “Obvious vah?”
“Ang arte much!!! Kanino?”
“Kay...Dustin. Kami na!” Hindi makapaniwala si Chiqui alam ko. “Pag anyong Barbie lang ako...” malungkot na dugtong ko.
“Eh paano pag nalaman niya?”
“Sa ngayon, hindi ko muna iniisip iyan. Ang importante naman ay masaya ako, diba? Iyon naman ang purpose ng MAGIC RED LIPSTICK, diba? Ang maging masaya ako...”
“Sabagay may point ka. Basta be careful na lang girl!” aniya.
MATAPOS kumain ay nakatanggap ako ng isang phone call galing kay Marcus. “Hello Marcus! Anong sasabihin mo? Pakibilisan at natatae na ako.”
“May ipapagawa ako.”
“Aba! Akala ko ba wala na akong obligasyon sa iyo? Nagkabalikan na kayo ni Georgina. So ano pang gusto mo sa akin? Ang puri ko?!” histerikal na ako.
“Huwag sobrahan ang paggamit ng katol Barbara. Sa pagkakatanda ko, hindi naman ikaw ang gumawa ng paraan para maging kami ulit ni Georgina, right? Kusa kaming nagkabalikan.” Natameme ako. “So whether you like it or not, tatapusin mo ang usapan nating two and a half month na contract natin, OK?”
Dinilaan ko siya kahit wala siya sa harapan ko. “Sige na nga. Ano bang ipaguutos mo?”
“Galit?!”
“Hindi ah! Sabihin mo na kasi ang iuutos mo.” sabi ko sabay belat ulit.
NASA harapan na naman ako ng bahay ni Georgina. Pinapadeliver sa akin ni Marcus ang chocolates and flowers na ibibigay niya dito. Hindi daw siya makaalis sa shop dahil kahit walang pasok ay busy naman ito sa inventory. Nakakaasar talaga ang mag-jowang ito. Ginawa na nga akong messenger dati ngayon naman delivery girl?!
Nakailang pindot na ako sa doorbell bago lumabas si Georgina. Lumabas siya at isinara ang gate. “What are you doing here?!” Halata ang inis sa kanyang boses.
“Ayoko nga sanang pumunta dito kaya lang inutusan na naman ako ni Marcus eh. Eto oh, chocolates at flowers. Para daw sa iyo!” sabay abot ko.
Itinapon niya sa malapit na basurahan ang mga iyon. “I don't need this! All I want you to do is to get a lost. Now!”
Hindi ko nagustuhan ang ginawang pagtapon ni Georgina sa mga bigay ni Marcus. Hindi ba nito naappreciate ang effort ng fiancee nito? Napakawalang-kwenta naman pala ng Georgina na ito. At hindi ba nito alam kung gaanong pagod ang ginugol ko makapunta lang sa bahay niya at maibigay sa kanya ang pinabibigay ni Marcus!
“Hoy babaeng malaki ang bunganga! Bakit ang sama ng ugali mo?!” sigaw ko.
“Wala kang pakialam. Get lost!” pagtataboy niya.
Nakakahalata na ako ha! Bakit parang minamadali ng bruhang ito ang pag-alis ko? Parang may itinatago siya...
“Ayoko nga---“ Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may lumabas na matandang amerikano yata mula sa loob.
Niyakap ng matanda si Georgina. “Georgina honey, who is that?” ani noong old amerikano.
Nakita ko ang pamumutla ni Georgina. “Ah...Honey. This is a beggar!”
“Beggar?! I'm not a beggar?!” protesta ko in english.
“Honey..Just get inside. I'll follow, okey?” at nakakarimarim na naglaplapan ang dalawa sa mismong harapan ko. Yuck! Kadiri talaga ang Georgina na ito!
May sugar daddy pala ang hitad! Humanda siya. Isusumbong ko siya kay Marcus!