Chapter 17

1049 Words
“HUMANDA ka Georgina! Isusumbong kita kay Marcus. Grabe ka pala! Nakuha mo pang kumuha ng sugar daddy. Kaya pala ang laki-laki ng bahay mo kasi may matanda kang financer! Pwe!” sabi ko kay Georgina. Nanlaki ang mga mata ko ng hablutin akong bigla ni Georgina sa aking braso. “Aray! Bitiwan mo nga ako!” Piksi ko. “No! Hindi ka magsusumbong kay Marcus. Hindi niya pwedeng malaman ito!” Binelatan ko siya. “Sorry ka na lang kasi may pagkatsismosa kasi ako...Kaya isusumbong pa rin kita!” “Ah ganun ha?!” Bigla niya akong sinuntok. Hindi na ako nakapagpigil. Ginantihan ko siya ng isang sapak at flying kick. Bumalandra siya sa basurahan. “b***h!!!” sigaw niya sa akin. Tumayo siya at sinugod ako ng sabunot. Grabe! Ang lakas pala ng Georgina na ito. Parang lumaklak ng isang galon na Cobra. Nananakit na ang anit ko at napangiwi na ako sa sakit. Hinapuhap ko ang kanyang buhok at sinabunutan na rin siya. Hmp! Akala mo ha! “Ano?! Masakit diba?!” sabi ko. Parehas kaming na-out of balance ulit ni Georgina kaya natumba kami. Mula sa di-kalayuan ay may nakita kaming kotse or parang mobil yata iyon ng pulis na paparating. Agad kaming tumayong dalawa at inayos ang aming mga sarili. Nag-akbayan kaming dalawa na akala mo ay mga best of friends at parang walang nangyayaring away. Nang dumaan sa harapan namin ang kotse ng pulis ay magkaakbay pa naming kinawayan ang sasakyan with fake smiles on our face. Mahirap na kung mahuli kaming nag-aaway no! Baka parehas kaming makulong nito. Pagkalampas na pagkalampas noong pulis ay agad akong sinampal ni Georgina. Sinampal ko din siya. Mas malakas! Itinulak niya ako at nagtatakbo siyang papasok sa loob ng bahay. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si Marcus. Kailangan niyang malaman ang lahat. NAPATAYO ako sa pagkakaupo sa damuhan ng bumaba na si Marcus mula sa kanyang magarang sasakyan. Nakasuot pa ito ng shades. “Ano na naman ba ito Barbara?” aniya. Hinarap ko siya. “Gusto kong ikaw mismo ang makakita ng maniwala ka!" hinawakan ko siya sa kanyang braso at hinila ko siya papasok sa bahay ni Georgina. "Halika, pumasok tayo sa loob ng makita mo.” Itinirik ni Marcus ang mga mata nito. Sa hitsura niya ay parang napipilitan pa siya na pumasok kami. Sumampa na ako sa gate. “Oh, anong ginagawa mo?” “Umaakyat malamang! Pag nalaman ni Georgina mo nandito ka eh, makakapagtago pa iyon.” “Diretsahin mo na nga ako Barbara. Ano ba talaga ang gusto mong makita ko sa loob—“ “I'll miss you honey!” Natigilan kami kapwa ng lumabas sa pinto si Georgina kasama ang matandang amerikano. Agad na nagtagosa makapal na halaman si Marcus. Mukhamg nagkaroon na ito ng hinala. Nakita ni Georgina na nakasampa ako sa gate kaya sinita niya ako. “Hey! What are you doing there you old haggard lady! Gusto mo bang tumawag pa ako ng pulis at ireklamo ka ng tresspassing?” Bumaba na ako. “Kung old ako, anong tawag mo sa kasama mo? Hukluban?!” “What are you two talking about?” tanong ni amerikano. “Don't mind him honey!” sabay tingin sa akin ni Georgina. “Hey you! Umalis ka na nga!” Pasimple kong sinulyapan si Marcus sa pinagtataguan niya. Kinindatan ko siya sabay tingin kay Georgina. "Sige aalis ako pero humanda ka dahil isusumbong kita kay Marcus. Lagot ka doon!" Nag-crossed arms lang siya at mataray na ngumiti. “I am not afraid! Isang lambing ko lang sa kanya ang katapat niyan and besides kaya kong baligtarin ang lahat! Ako pa rin ang papaniwalaan niya at hindi ikaw!” “Ang sama-sama mo Georgina. Paano mo ito nagagawa kay Marcus? Napakabuti niyang boyfriend sa iyo!” “Yeah right! Its just...Kulang ang ibinibigay na pera sa akin ni Marcus so i have to find an another rich man para ma-afford ko ang glamour life ko...” Proud na proud pa ang bruha. Pokpokish naman pala! “Isusumbong talaga kita! Hala ka!” “Then go! Tignan ko lang kung paniwalaan ka niya.” pagmamalaki pa niya sa akin. “Oo! Isusumbong talaga kita!” “Kung gusto mo tawagan ko pa siya---“ “Hindi na kailangan Georgina cause I'm here!” Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata at pamumutla ni Georgina ng biglang lumabas si Marcus sa pinagtataguan nitong halamanan. “M-marcus...K-kanina ka pa diyan?” O ano ka ngayon? Hmft! Tapos na ang maliligayang araw mo Georgina! Bwahahaha! “Yes. And I heard everything. From now on, you are not my girlfriend anymore!” at tumalikod na siya. “Marcus wait!” Nagtatakbong papalapit si Georgina kay Marcus. Tumigil siya saglit sa harapan ko at tinignan ako ng masama. “Its all your fault!” “Hoy Georgina! This is not my fault, it's yours! 'Chura nito!” sabay irap ko. Hinawakan ni Georgina si Marcus sa braso habang pinapanood ko lang sila. “Marcus, please...Let me explain!” “Ano pang ipapaliwanag mo Georgina? Nakita at nadinig ko na mismo sa iyo ang lahat! We're done” At sumakay na si Marcus sa kotse at pinasibad iyon paalis. Ang walanghiya! Iniwan ako. “Marcusss!!!” habol na sigaw ni Georgina. Maya-maya ay biglang bumalik ang kotse ni Marcus. Bumaba ang tinted na salamin nito. “Come in!” Wakanabitch! Tanga nga talaga si Marcus! Napatawad agad nito si Georgina?! “Sabi na nga ba and you can't resist me Marcus!” tuwang-tuwa na sabi ni Georgina. “OK. Papasok na ako sa kotse mo!” “Not you. Barbara, sakay na!” Ahh...Ako pala. Napapahiya na natigilan si Georgina. “Excuse meh!” hawi ko kay Georgina. Tinaasan ko siya ng kilay sabay belat. Bleeeeh! Pagkasakay ko ay pinasibad na niya agad ang kotse. Kita ko ang galit sa kanyang mukha. Nag sign of a cross ako sabay suot ng seatbelt. “Don't worry Barbara, hindi ko ibabangga ang kotseng ito,” nakahinga ako ng maluwag. “May alam ka bang malapit na bar dito” pagkuwan ay tanong niya. “Oo, bakit?” “I want to get drunk!” “Pati ako?” “If you want to...” sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD