PAREHAS na kaming lungange ni Sir Marcus sa alak. Gin bulag ang aming tinira. Hindi na kami nakapag-inom sa bar kasi wala na kaming nakita. Sa harapan na lamang ng isang maliit na sari-sari store kami pumwesto na mag-inom.
“Tagay mo na iyan Sir Marcus!” sabay bigay ko sa kanya ng shot glass.
“Ha? Tagay ko na ba ito? Katatapos ko lang ah. Dinadaya mo yata ako ah!” Hindi ko na masyadong maintindihan ang sinasabi niya dahil sa kalasingan niya.
Tinapik ko siya sa balikat. “Hindi kita dinadaya. Ikaw na talaga Sir Marcus!” Nagkakanda-duing-duling na ako.
Umiling na lamang si Sir Marcus. Kinuha ang shot glass at inilagay iyon sa tapat niya. Kinuha ang pitsel ang nagsalin ng tubig sa baso bilang chaser. Tumungga muna ito ng chaser at pagkatapos ay ang gin na nasa shot glass. “Ahhhh!!!” pakli nito na may pait sa mukha. Agad na dumakma ng mani sa platito si Sir Marcus.
“Ate sampung pisong Sugo pa nga diyan!” sigaw ko kasi halos ilang piraso na lang iyong mani.
“Wala na. Naubos niyo na!”
“Beernuts na lang o kaya mani niyo na lang!” biro ko.
“Anooo?”
“Joke lang ate!”
Inabot na niya iyong binili kong Beernuts at inilagay ko na iyon sa platito. Kinausap ko na ulit si Sir Marcus. “Sir, gusto ko pagkatapos ng inuman nating ito, umuwi ka na ha? Huwag nang kung saan-saan pupunta, okay?”
“Pupuntahan ko si Georgina...” Nakayuko na siya. Lasing na talaga.
Hay...Kawawa naman talaga si Sir Marcus. Hindi ko nga alam kay Georgina kung bakit naghanap pa ito ng bukod kay Sir Marcus. Tsk! May mga babae talagang mahirap makuntento. Kung ako kay Georgina, hindi ko papakawalan ang lalaking ito eh! Gwapo, mayaman at may magandang trabaho. May pagkasuplado at masungit nga lang minsan pero keri na 'yun.
“Hoy Barbara! Bakit nakatingin ka lang sa akin? Tumagay ka na!” aniya. Namumungay na ang kanyang mga mata.
Agad kong kinuha ang shot glass at tinungga ang laman noon. Walang chaser.
Nalasing tuloy ako ng wala sa oras! Ayaw ko naman talagang maglasing. Wala naman akong problema...In fact, super happy ako sa relationship namin ni Dustin bilang si Barbie nga lang ako. Naaawa lang talaga ako kay Sir Marcus dahil baka kung anong gawin nito eh. Kargo konsensiya ko pa iyan pag tumalon iyan sa tulay o nagpasagasa sa rumaragasang truck.
Ang love nga naman. Ang daming nagagawa sa tao.
May mga bagay ka talaga na magagawa mo kahit ayaw mo. Ang matalino nagagawang bobo. Ang nomal nagiging abnormal...Pati bato, napapalambot!
Medyo nabigla ako ng tumayo si Sir Marcus. Pagewang-gewang na tumayo ako. Humawak ako sa sandalan ng bangko upang hindi ako mabuwal. “Sir, saan po punta niyo?” tanong ko.
“Ji-jingle!” At naglakad siya papunta doon sa may pader. Sumunod ako sa kanya. Pumwesto na siya sa pag-ihi. Nagulat pa siya ng makita niyang nasa tabi niya ako. “Oh! Anong ginagawa mo dito?!” aniya pero patuloy pa rin siya sa pag-ihi.
“Iihi rin!” Inililis ko na ang suot kong palda. Sabay upo at jumingle. Wala na rin akong pakialam kasi nga lasing na lasing na kami.
“Barbara...” tawag niya. Nanginig siya. Tapos na siyang umihi.
“Ooopps! Mamaya ka tumingin at tatapusin ko lang pag-ihi ko.” mabilis kong sabi. Nang matapos na ako ay nag-ayos na ako sabay tayo. “OK na. Balik na tayo sa inuman!”
Magkaakbay kami na bumalik sa inuman na akala mo ay magkumpare lang. “Ano bang sasabihin mo Sir?”
“Sa tingin mo, bakit ako ginago ni Georgina?”
“Eh sir...Nakulangan daw siya sa ibinibigay niyo. Materialistic na tao naman kasi jinowa niyo kaya asahan niyo na pag di iyan nakuntento sa inyo...Naku! Maghahanap at maghahanap iyan ng pandagdag!” Natigilan ako ng makita kong nanahimik si Sir Marcus. Ooopsiie! Nasasaktan yata siya sa pinagsasabi ko kay Georgina. “Ah...Eh...Siyempre joke lang po iyon!” sabay peace sign ko sa kanya.
Baka masuntok pa ako. Mahirap na.
“No. Its OK Barbara...Atleast sinasabi mo lang ang totoo.” Tumayo si Sir Marcus at lumapit sa akin. “Dahil diyan Barbara, salamat! Wala na ang kontrata natin. Malaya ka na at hindi na kita slave!”
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. “Talaga sir? Baka naman lasing lang kayo kaya niyo nasasabi iyan?” paniniguro ko.
“Hindi. Bukas naaalala ko pa rin ito!”
Tumayo ako at niyakap si Sir Marcus. “Salamat sir! Hayaan niyo at may darating pa na maraming babae sa buhay niyo!” Sa sobrang tuwa at galak ko ay hindi napigilan na halikan siya sa kanyang pisngi.
Nang tumigil kami at maghiwalay sa pagkakayakap ay bigla akong namutla ng makita ko na nasa harapan namin si Dustin. Nakanganga lang siya at tila hindi makapaniwala sa nakikita. Nabitawan pa nito ang isang supot na sa tingin ko ay pagkain ang laman.
“D-dustin...” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ako si Barbie ng mga sandaling iyon at kailangan ko sa kanyang magpaliwanag.
“A-aling Barbara...A-ano pong ibig sabihin nito?” Ha? Bakit nagtatanong siya ng ganun.
Bigla akong inakbayan ni Sir Marcus. Lasing na lasing pa rin siya samantalang ako ay tila nahulasan ng makita si Dustin. Hinalikan pa ako ni Marcus sa pisngi. Lasing talaga. Tumalikod na si Dustin. Mabilis ang kanyang mga hakbang.
DUSTIN's POV
PAPAUWI na sana ako sa bahay ng makita ko na magkayakap at naghahalikan sina Aling Barbara at Sir Marcus. Hindi ko alam kung bakit sila naroon basta nakita ko na lang sila. Para akong tinamaan ng kidlat pagkakita sa kanilang ginagawa. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.
“Dustin sandali!” habol ni Aling Barbara sa akin pero mas binilisan ko pa ang paglalakad. Kunwari ay hindi ko siya naririnig. “Dustin ano ba?!” Huli na kasi nahawakan na niya ako sa braso.
“B-bakit po Aling Barbara?” sabi ko na lang.
“Dustin its not what you think...Dustin please makinig ka muna sa akin.. Dustin wala yun...Wala talaga yun...Kailan ba ako nagsinungaling sayo?”
Parang alam ko ang linyang iyon ah!
“Aling Barbara, wala naman po kayong dapat ipaliwanag. OK lang po iyon kasi parehas naman kayong nasa tamang edad na ni SIr Marcus, diba?” hindi bukal sa puso ko ang sagot na iyon.
Matiim na tumingin sa mga mata ko si Aling Barbara. “Kung wala lang sa iyo iyon Dustin bakit kitang-kita ko na nasaktan ka sa nakita mo?”
Natahimik ako sa sinabi niya. Ganoon na ba ako ka-transparent? Suminghot ako. Kumawala ang isang pigil na hikbi kasabay ang paglaglag ng luha sa aking mga mata. Tumingin ako sa malayo at nagsalita. “Hindi ko alam. Hindi ko alam pero magiging honest po ako sa inyo...Oo, nasaktan ako sa nakita ko at hindi ko alam kung bakit!” Humahagulhol na ako. Kahit ang emosyong ito ay hindi ko alam kung saan ako nanggagaling. “May girlfriend na po ako pero bakit noong makita ko kayo na magkayakap ni Sir Marcus, bakit ang pakiramdam ko ay siya ikaw?”
Bigla akong niyakap ni Aling Barbara. “Tahan na Dustin...Tahan na.” sabay haplos niya sa likod ko.
“Aling Barbara...Bakit nasasaktan ako? Bakit ko ito nararamdaman?” Umiiyak ako na parang nagsusumbong sa kanyang nanay kasi inagawan ng candy.
“Tahan na Dustin...Maiintindihan mo din ang lahat sa tamang panahon...” Makahulugang sagot ni Aling Barbara.