MANILA, PHILLIPINES... PAGLAPAG pa lang ng eroplano ay parang gusto ko nang lumipad patungo sa hospital. But it's already late! Baka hindi ako papasukin sa Hospital. Agahan ko na lang bukas, para hindi rin ma-puyat si Gerlyn. Pagkakuha ko sa mga bagahe ko ay agad na akong nagtungo sa arrival hall, para hanapin ang mga tauhan ni Kuya na susundo sa akin. Hindi naman ako nahirapan na makita sila, dahil nasa pinaka harap sila nakatayo. Agad nilang kinuha ang tinutulak kong push cart, at sila na ang nagtulak ng mga ito patungo sa sasakyan. "Welcome back, Sir!" nakangiting pagbati sa akin ng driver ng kotse. "Thank you!" sagot ko, saka ako naglakad patungo sa kotse na dina-drive nito. Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ng driver, saka mabilis na umikot sa driver's seat. Ang mga bagahe ko n

