PAGBALIK ni Joseph sa loob ng opisina ay nakita niyang umiilaw ang kanyang phone. Mabilis siyang lumapit sa table at kinuha ito, para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Number sa kanyang bahay ang caller, kaya agad niya itong sinagot. "Hello," sagot niya, saka siya umupo sa swivel chair at binuksan ang drawer, saka ipinasok sa loob ang hawak niyang libro. Si Joshua ang tumawag sa kanya, kaya kinausap niya ang anak at binilin ito na magpakabait at makinig lagi sa yaya. Hindi naman sila matagal nag usap, kaya muli niyang ibinaba ang phone. Ilang sandali pa ay pumasok na si Maria sa loob, para dalhin ang kanyang kape. Inilapag ito ni Maria sa kanyang harapan at sinamahan na rin niya ito ng cookies, para may kainin ang masungit na amo. "Boss, magpapaalam na ako. Kunin ko rin sana

