KUALA LUMPUR, MALAYSIA... "Good morning, Maria!" Nagulat si Maria, dahil sa biglang pagsulpot ni Richard Ang sa kanyang likuran. Hindi niya napansin na dumating ang lalaki, dahil abala siya sa pag-aayos ng mga papeles na dadalhin nila ng kanyang Boss sa Board meeting nila kasama ang Chairman at mga Board Members sa Companya. "Oh, Sir Richard, what are you doing here?" nagtatakang tanong ni Maria, dahil sa biglang pagsulpot ni Richard. "The meeting starts in fifteen minutes, you should go to the conference room and wait for the Board to arrive." pahayag ni Maria. Paalis na rin siya, dahil kailangan pa niyang ihanda ang mga papeles at ilalagay pa niya isa-isa sa tapat ng bawat upuan ng mga Board members at Chairman. "I just came by to see you, Maria, and give you these flowers. I hope

