THALYN'S POV.... HINDI ako mapakali, dahil iniisip ko na baka pagbalik nina Eve at Sir Aaron ay kasama nila si Joseph Legaspi. Parang tinatambol ang dibdib ko, dahil sa lakas ng aking kaba. Naka tutok din pintuan ang paningin ko, para makita ko agad kung dumating sina Eve. "Dios ko, ano bang gagawin ko kapag muli kong makita si Joseph. Tulungan mo ako, panginoon ko." piping dasal ko. Hindi talaga ako mapalagay. Ang init na rin ang pakiramdam ko, dahil sa kakaisip kay Joseph. Ano bang gagawin ko 'pag nakita ko siya? Naguguluhan ako. Paano ko ba sasabihin sa kanila na anak ni Joseph Legaspi si Gerlyn? Nakakahiya! Baka isipin ng kaibigan ko na sinadya kong pumasok sa kuwarto ni Joseph Legaspi no'ng gabing iyon. Kahapon habang kausap ko sina Eve at Sir Aaron, ay halos ayaw kong tumingin

