THALYN'S POV... KANINA pa ako nakapikit, pero hindi naman ako makatulog. Parang sasab0g na rin ang dibdib ko, dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Kung bakit naman kasi ang tagal umalis ni Joseph. Plano na ba niyang tumira dito? Dios ko! Pauwiin mo na po siya, baka magkasakit na ako sa puso nito dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko. Parang kinukuryente din ang katawan ko sa tuwing magmumulat ako ng mata at mahuhuli kong nakatitig si Joseph sa akin. "Oh, my god! Ang guwapo niya, at maskulado ang katawan. Parang ang sarap makulong sa kanyang mga bisig." sigaw ng aking isipan. Kinikilig ako sa aking mga iniisip. Ano ba ito? Bakit biglang-bigla na lang akong naging maharot? "Ano ka ba self, huwag kang ganyan. May asawang tao ang kinakikiligan mo. Kahit may anak ka sa kanya, mal

