MAAGANG nagtungo sa TV Network Company si Bianca, para sa unang araw ng kanyang taping. Pagbaba pa lang niya sa Van ay sinalubong na siya kaagad ng mga Reporters. Nagpaunlak din siya ng panayam sa mga ito para muling mabuhay ang career niya dito sa Pilipinas. Lalo na ngayon, dahil sunod-sunod ang kanyang mga project ay kailangan niyang mag ingay. Dalawang pelikula ang magkasunod niyang gagawin, at mga commercial sa TV. Marami din siyang mga guesting sa mga noontime shows, kaya kailangan ngayon pa lang ay magsimula na siyang gumawa ng hakbang para muli siyang pagusapan ng media. Matapos niyang masagot lahat ang mga katanungan ng mga Reporters ay agad din siyang nagpaalam sa mga ito, upang pumunta sa set. Naglakad siya papasok sa isang mahabang hallway, papunta sa taping ng isa nilang epis

