Chapter Three
Outing
“Bakit ka umabsent nitong nakaraang buwan?” striktong tanong ng kanyang boss.
“Nagkasakit ako boss.” Mahinahong sabi ni Fredric. Nasa loob sila ngayon ng opisina ni Mr. Gaston at silang dalawa lamang ang nandirito. Biglang kumilos papalapit ang kanyang boss patungo sa kanya at hinawak-hawakan siya sa kanyang katawan. Nagulat siya rito dahil pati ang kanyang itinatagong pag-aari ay hindi nakalamapas sa mga palad ni Mr. Gaston.
“Bakit hindi mo ako halikan ngayon? Noong lasing ka ikaw ang panay halik sa akin.” Bulong ng kanyang boss.
“Lasing lang ako noon, at wala akong maalala.” Sagot naman ni Fredric. Tumayo siya sa kanyang kinauupan at nang aalis na siya ay bigla siyang hinila ng kanyang boss at isinandal siya sa pader. Nagkatitigan silang dalawa at gulat lang ang naging reaksyon ni Fredric.
“KNOCK KNOCK” may kumakatok sa pinto kaya hindi na natuloy ang balak ni Mr. Gaston sa kanya. Nabigo muli si Mr. Gaston pero hindi siya tumigil.
Isang gabi, nagkayayaan muli ang buong team na magwalwal sa isang bar. Katulad pa rin ng dati, bantay sarado pa rin sa mga mata ni Mr. Gaston si Fredric. Sa kasagsagan ng inuman, may nagyaya kay Fredric na makipagsayaw. Pumayag si Fredric at nagsayaw sila ng babae sa gitna. Hindi naman ito nagustuhan ni Mr. Gaston at lumapit siya rito at hinila niya si Fredric patungo sa front seat ng kanyang kotse.
“P*ta! Ano bang problema mo?” tanong ni Fredric na medyo tipsy na rin.
Dito sinampal siya ng malakas ng kayang boss. “Walang taong ibang lalapit sa’yo at hahawak! Kundi ako lang! Tandaan mo! Akin ka lang!”
“T*ngina mo! Hindi kita jowa! Hindi mo ako pag-aari! Wala kang karapatang pagbawalan ako at saktan!” sigaw ni Fredric sa kanyang boss. Gusto nang bumaba ni Fredric sa kotse, kaso pinipigilan siya ni Mr. Gaston.
Pilit pa ring bumababa si Fredric sa sasakyan ni Mr. Gaston pero wala siyang nagawa dahil sa lakas nito. Hinalik-halikan siya ng kanyang boss sa leeg nito at pilit siyang lumalaban. Nang mapansin ng kanyang boss na umiiyak na si Fredric, dito na siya natauhan. Natakot siya at inayos niya si Fredric at sinabing, “Pasensya na, ihahatid na lang kita.”
Kinabukasan, sa trabaho ni Fredric. Nag e-mail siya sa kanyang boss.
“Boss, kung pwede tigilan mo na ang ginagawa mo sakin. Dahil hindi ko na gusto at kung pwede sana hanggang magkaibigan na lang tayo. Kaibigan lang ang kaya kong ibigay.”
Isang buwan din natahimik si Fredric sa kanyang buhay-trabaho. Ang buong akala nito ay okay na ang lahat at tumigil na ang kanyang boss sa panggugulo sa kanya. Pero ang hindi niya alam, isang buwang pinaghandaan ng kanyang boss ang plano.
Dumating ang araw na mag-a-outing ang buong company nila. Nag-suggest si Fredric sa kanyang boss na kung pwede ay sa baguio na lamang sila mag-outing dahil puro beach na lang daw ang pinupuntahan ng kanyang boss. Nagpumilit siya sa kanyang boss dahil malamig raw doon at hindi pa siya nakakatapat sa lugar na iyon. Noong una ay hindi pumayag ang boss ngunit kalaunan ay napapayag din niya ito.
Dahil dito, nagkaroon ng ideya si Mr. Gaston kung papano niya muling makukuha si Fredric. After one week, nag-text si Mr. Gaston kay Fredric about sa outing na pupuntahan nila.
“Humand na for 3 days stay natin sa Baguio.”
Natanggap naman ito ni Fredric at sa sobrang excited ay naghanda na siya ng mga dadalhing damit kinabukasan.
“Boss, ano sasakyan ng team?” text ni Fredric sa kanyang boss.
Sinabi ng kanyang boss na siya lang walang masasakyan sa team kaya pumayag na lang siya na sumabay sa kanyang boss dahil sa excitement nito. Nauna silang magpunta sa Baguio dahil sa kasabikan ni Fredric. Kumuha din sila ng transient na matutuluyan at matutulugan nila sa loob ng 3 araw.
“Bakit dalawa palang tayo? Nasan na yung iba?” pagtataka naman ni Fredric pero hindi siya nag-isip ng kung ano.
“Nasa biyahe pa ang mga ‘yun. Nahuli ng alis. Pero binigay ko na yung address kung saan tayo matutulog. Tara, gala muna tayo habang wala pa sila.” Anyaya ni Mr. Gaston at napapayag nito si Fredric na umalis nang silang dalawa lang. Not knowing na may kakaiba nang naiisip si Mr. Gaston para kay Fredric.
Nag bike silang dalawa, sumakay ng bangka at pagkatapos ay kumain sa isang mamahaling restaurant. Galante naman ang boss ni Fredric kaya walang problema kung saan nila gustong pumunta. Sa sobrang saya ni Fredric sa pag-iikot sa buong Baguio, hindi na niya napansin ang oras na lumilipas habang magkasama silang dalawa. Ang alam lang niya ay nag-eenjoy siya dahil ito ang unang beses na makapunta siya sa Baguio.
“Ang ganda talaga dito sa Burnham park, boss. Salamat pero bakit wala pa yung iba?”
“Ah, baka na-trapik lang. Alam mo naman sa Maynila. Laging traffic.”
Nag-decide sila na bumalik sa transient na tinutuluyan nila. Nagpaalam si Fredric na maliligo muna siya sandali. Dinala niya ang kanyang cellphone para i-text ang kanyang mga ka-agent dahil madilim na ang paligid pero wala pa rin sila. Nagtataka na rin si Fred kung bakit sobrang tagal naman ata ng mga katrabaho niya.
“Nasan na ba kayo? Ang tagal niyo!” sinend niya sa isa niyang katrabaho.
Maya-maya ay nag-reply ang isa niyang katrabaho sa text message. “Nasa bahay, nagpapahinga. Bakit? Asan ka ba, Fred?”
“Nasa Baguio.”
“Nasa Baguio? Aba naman, nagso-solo ka. Sinong kasama mo diyan?”
Hindi na nag-reply si Fredric at tinapos niya ang pagligo. Nagtapis lang ng tuwalya si Fredric dahil nasa bag pa niya ang kanyang mga isusuot. Paglabas niya ng banyo ay agad na bumungad sa kanya si Mr. Gaston na naka-boxer lamang at naka-sando. Nakangisi pa ito sa kanya habang pinagmasdan niya ang malaking umbok sa harapan ng kanyang boss.
“Asan na sila? Gabi na ah bakit wala pa?”
“Parating na rin yun mamaya.”
Nagsuot siya ng boxer at sando. Kapansin-pansin din ang mga ginagawang malalagkit na pagtitig ni Mr. Gaston sa kanya. Dahil doon ay nakatunog siya.
“May darating ba talaga o wala? Ako wag mo ako paglololokohin kausap ko ang isa sa kanila, hindi nila alam na ang tungkol sa plano mo dito sa Baguio.”
Hindi sumagot si Mr. Gaston at natahimik, napayuko.
“P*tang in* ka boss! Sinungaling ka!” pagmumura niya sa harapan ng kanyang boss.