Chelsea's POV
Nahilo ako pagpasok namin sa isang portal. Ang lakas 'rin ng kabog sa aking dibdib. They all seem so weird.
Mga alien ba ang mga ito?
Hindi pwede. They have pretty faces. Tapos alien?
Nag simula na kaming maglakad sa isang gubat na tahimik. Tanging huni lang ng mga ibon ang naririnig ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang naiilang saamin o pati sila
Anong gubat ba ito?
Saang parte sa mundo ba naka-locate itong gubat na ito?
Nakabuntot lang ako sa kanila dahil kung hindi edi kung saan-saan ako makakapunta nito? Delikado pa naman pag nasa gubat ka lalo na pag gabi. At mukha naman silang mabait kaya sumunod nalang ako sa kanila.
Though, can I really trust strangers?
O uto-uto lang talaga ako?
Nasa unahan yung seryosong lalaki at yung babaeng may lila sa buhok. At nasa likuran ko naman yung babaeng may hawak kanina sa kamay ko at yung Hangin. The last boy is in the last row.
Sino ba sila? Gusto ko ng bumalik sa bahay pero mas gusto kong makita ang tunay kong mga magulang.
But do they really knkw my real parents?
"S-sigurado ba kayong alam niyo kung sino ang tunay kong magulang?'' nauutal na tanong ko sa kanila.
"Nope.", Sabi nung lalaking nasa pinakahulihan.
Namilog naman ang mga mata ko. So, hindi nga nila alam? Ibig sabihin joke joke joke lang yun lahat?
"Yep..." sabi ulit ng lalaking nasa hulihan. Teka mind reader ata to eh. "Yep ulit..." mind reader? Tsk. Hindi naman talaga nageexist ang magic.
"Hoy! Ibalik niyo na nga ako! You all are frauds. Ibalik niyo na ako!", sabi ko sa kanila pero dedma lang sila.
"Ipapakulong ko kayo dahil sa pagbibiro niyo!" banta ko. Pero tahimik lang sila.
"Ikulong mo na ako sa puso mo, miss.", panghaharot ni Jason at humalakhak.
Napataas naman ako ng kilay dahil dito. "Nakakatuwa 'yon?"
Bigla naman itong tumigil sa kakatawa at tumahimik na lamang. Tinignan ko ang iba at halatang walang pakialam.
Binge ba sila o nagbibinge-bingehan?
"Ako nalang ang maghahanap ng daan pabalik sa pinanggalingan ko!" sabi ko sabay tumalikod at nilakad yung kaninang dinaanan namin.
Naririnig ko ang pagtawag nila sakin pero hindi ko nalang ito pinansin at patuloy parin sa paglalakad.
NAKAKAINIS. SINO BA SILA AT ANO BA ANG KARAPATAN NILA PARA DALHIN AKO DITO SA ISANG GUBAT?!
Maya-maya ay tumama ang ulo ko sa isang bagay na sumulpot na parang kabute sa unahan ko.
"Aray ko naman!"
Tinignan ko 'to at nakita ko ang malalim na titig nito saakin. Bigla akong natahimik.
Pero, Teka! Pano siya nakadating dito sa unahan ko ng ganun kabilis?!
Shit. Napayuko ako. Hindi ko alam pero natatakot ako dito sa lalaking ito.
Kung makatingin sakin, napakalamig.
"E-Excuse me mister. Aalis na po ako kaya tumabi ka dyan ." nauutal kong sabi.
"Don't think to ruin my day." sabi niya. Magsasalita sana ako nang ibuhat niya ako. Kaya napasubsob ako sa likod niya.
"Hoy! Ibaba mo nga ako!" sigaw ko dito. Pero hindi ako nito pinansin at nagsimula na siyang maglakad. Nakabuntot sa kaniya yung mga kasamahan niya.
"Ibaba mo na nga ak-"
"Don't shut your f*cking mouth, and I swear i'll cut your throat." malamig niyang sabi.
I mouthed what he says. At sumimangot sa likod niya. Hindi na umimik pa. Syempre natakot ako sa sinabi niya.
"May reason miss biyutipol kung bakit ka namin kasama.", nakangiting sabi ni Hangin.
Nasa likod lang kasi namin sila kaya nakikita ko sila. And this jerk put me also on his shoulders like my weight doesn't matter at all.
Tinaasan ko ito ng kilay at binigyang 'what-do-you-mean' look.
"Ang cute niya! Gusto ko siyang kurotin!" Sambit ni hangin ulit.
"Oh Jason, want me to stitch your lips using my strings? " the girl with violet eyes threatens.
Tumahimik naman si hangin este Jason.
"Bakit niyo ako dinala dito?" biglaang tanong ko sakanila.
Ngumiti yung babaeng kumaladkad saakin kanina, "Dahil bawal sa mundo ng mga tao ang mga Elementalists."
Kunot noo ko itong tinignan. "Mundo ng mga tao? Eh di niyo ba tinatawag ang mga sarili niyong tao?"
"Err...sort of." sabay kibit balikat nung lalaking creepy makangiti.
"So Alien kayo?" tanong ko sakanila na ikinalaki ng mga mata nila.
"Nooooo, hindi kami alien. Elementalists kami." sabi nung babaeng green ang mata.
"Elementalists? Ano yun?" tanong ko ulit.
"Shut your mouth." matigas na sambit ng lalaking bumuhat saakin. Hindi ko naman mapigilan hindi mapatikom ng bibig.
●●●
Mahigit isang Oras na kami naglalakad. At napakatahimik nila.
I'm already bored, and also hungry.
I need food!
Hinila ko yung cloak ng may bitbit saakin. "Psstt..." mahina kong pagtawag sakanya.
Dinedma lang ako nito. "Psstt.." Pag uulit ko.
"...."
"Psst hey..."
"What?!" Iritang bulong niya saakin.
"Gutom na ako..." bulong ko sakanya.
"So? Who the hell cares?"
Aish sungit.
Sumimangot nalang ako habang nagiisip ng masasarap na mga pagkain. Aish! gutom na talaga ako.
"Please. Pakainin mo ako..." bulong ko sakanya dahil gutom na talaga ako.
"If you don't keep your mouth shut, then I will be the one to eat you..." banta nito.
"Ha? Ikaw ang kakain sakin? Nangangain ka ng tao?" gulat na bulong ko sakanya.
Gosh, SO THEY REALLY ARE ALIENS?
"No. Tsk. Its the other way of devouring you." bulong nito.
"Eh ano ang other meaning ng kakainin mo ako?" takang tanong ko dito.
"Tsk. What an innoccent mind you have." ani nalang nito.
Eh hindi ko naman talaga alam ang meaning ng pinagsasasabi niya.
Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin ng kakainin niya ako?
Eh diba mga elyen lang ang nangangain ng tao? Eh hindi naman siya elyen sabi niya. Pati itong mga kasama niya.
THESE STRANGERS MIGHT REALLY BE SOMETHING.
"May mga paa ako kaya kaya kong maglakad...", pagpapaalala ko ngunit hindi ako pinansin.
Maya-maya pa ay ibinaba na niya ako.
Pinagpagan ko ang skirt ko at tumingin sa harapan ko.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko ng matanaw ang bagay na nag pa aliw sa aking paningin.
Gintong Gate. Napapalibutan ng nagsisitaasan na mga pader.
Para akong nananaginip ng dahil sa aking natatanaw. First time ko makakitang ganito.
"You should learn how to keep your mouth shut, kid." sambit ng lalaking bumuhat saakin.
Kid?
Porket matangkad siya kaysa saakin.
Nawala sa kaniya ang atensyon ko nang bumukas ang gate kaya pumasok na kami.
"Nandito na ang Dexra Evenfall!" isang guard ang sumigaw na ikinagulat ko. Ang lakas ng boses eh parang na-miss mga kasama ko.
Para siyang nakakitang halimaw na natatarantang sabihing,'May Halimaw!'
Although, about that Dexra Evenfall? Sino ang tinutukoy niya? Mga kasama ko ba?
Agad naming nakuha namin ang atensyon ng mga estudyanteng nasa loob. Ang gagara talaga ng mga uniporme nila. And they all look like descendants of Gods and Godesses. Based on their features, they all look fancy.
"I'm hoping you'll be one of us!", hinawakan nung babaeng kumaladkad saakin ang aking kamay.