Naalimpungutan ako bandang alas dose na nang gabi. Pumunta ako ng kusina at uminom ng tubig. Pagbalik ko sa kama ay pinilit kong matulog pero sadyang gising na gising lang ang diwa ko. Bakit kasi nagising ka pa, Chelsea. Nawala na tuloy masarap na tulog natin. Napabuntong-hininga ako at umupo sa kama. "At dahil walang balak matulog kaluluwa ko, lalabas nalang tayo self." Tumayo ako ng higaan at nagsuot ng jacket. Tanging pantulog ang suot ko sa ilalim ng jacket at nakatsinelas lang 'rin. Wala naman atang tao na ngayon para mag-ayos ako ng sarili ko diba? Lumabas na ako ng dorm at nagsimula ng maglakad-lakad. Tanging mga yapak ng tsinelas at ang hangin lamang ang naririnig ko. Madilim pa 'rin at ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing gabay ko. Habang naglalakad ay biglang sumagi sa is

