Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi mailang at matense dahil nakaakbay pa 'rin ito saakin at ang tahimik pa. Tanging tunog lang ng tsinelas at sapatos namin ang maririnig. Tumikhim ako para basagin ang katahimikan. "Bakit ka pala naglalasing doon?", tanong ko dito. "Hmmm...", napatingin ako dito at umaakto ito na para bang nagiisip kaya napasimangot ako. Just like Carlo. Oh yeah they're cousins. "Ano nga?", tanong ko. Kating-kati na 'rin akong malaman. "Nothing important. It's a personal problem so you don't have to mind it.", sambit nito. Napatitig naman ako dito. Kagaya ng kanina, hindi ko malaman-laman kung anong mga emosyon ang tinatago nito. "I just wanted you to know that drinking it all up wouldn't solve those rough circumstances of yours.", I retorted. "I

