19 BIGLA akong na excite ng tawagan ako ni Andrei para sabihin na sasabay sa akin si Alex papuntang Manila. Kung pwede na ngayon na agad, aba di ako magdadalawang isip na umalis agad. Kaya lang Tuesday ang appointment ko sa PSA. May kailangang ayusin sa mga papel nila Mommy at Daddy. Kulang na lang hatakin ko ang oras para sa pagdating ng araw na hinihintay ko. Huling kita ko pa sa kanya ay noong nagkasabay kaming mag jogging sa tabi ng dagat. Napaka simple lang ni Alex, pero may taglay syang kakaiba para mahalina dito. Oo, mas bata si Alex sa akin ng pitong taon. Wala namang problema sa edad. Mahalaga nagkakasundo at nagkaka intindihan. Sandali, wala pala kaming ganoon. Masaya na sya sa piling ng aking pinsan. "Kaya Hubert, kapag magkasama kayo wag ka ng magtanong lalo na ng tungkol sa

