6
PAGPASOK ko sa kwarto agad naglinis ako ng katawan at nagpalit na ng pangtulog na damit.
Kinuha ko ang phone ko sa aking bag. Titingnan ko ang GC kasi doon daw nila ipopost ang aming mga pictures.
Bitbit ko ang phone saka umupo ako ng kama.
May mga messages sa messenger. Si Hogan, si Christine at mga kaklase ko.
From Hogan: "Nasa bahay na ba kayo? Ako nakauwi na rin. Naihatid ko na rin si Christine."
From Christine: "Best nakauwi na ako, safe naman akong naihatid ni Hogan Kayo nakauwi na ba?"
Sa GC naman panay pa rin ang kantyawan. Dahil sa mystery guy na nag request nung song.
Kahit ako iniisip ko kung sino ba iyon. Sana kahit initials nagbigay man lang.
Kung si Hogan yon, ano ba dapat kong maramdaman. May mga sinasabi sya na medyo nagpapahaging.
To Hogan: "Oo nandito na kami ni Tito kanina pa. I'm about to sleep na. Na excite lang ako sa mga pictures kaya hinawakan ko ang phone ko. Mabuti at nakauwi na rin kayo ng ligtas "
To Cristine: "Oo best kanina pa kami nakauwi. Mabuti at safe din kayo nakauwi. Nag message nga si Hogan na naihatid ka na nya."
From Hogan: "Did I disturb you? Matutulog ka na?" tanong nya sa akin
From Christine: "Sige best good night na. Napagod ako pero kinikilig pa rin ako para syo. Mas nakakakilig siguro kung may nag request din ng song para sa akin. Hahahaha. Baka di ka matulog best ha!" saad nya sa mensahe nya.
Hindi ko na sinagot si Christine para makapagpahinga na nga ito
To Hogan: "Hindi naman kasi kausap ko pa si Christine, pero nagsabi na rin syang matutulog na sya. Magpapahinga na rin ako. Salamat pala sa pagsundo sa akin kanina."
From Hogan: "Okay good night. Pahinga ka na. Sweet dreams Alexis. May sasabihin sana ako pero sige inaantok ka na eh, saka ko na lang sasabihin syo. Good night uli." paalam nya.
Di ko na rin sinagot para pareho na kaming makapagpahinga. Maghahating gabi na rin at medyo hinihila na ako ng antok
Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Tama si Christine, baka di ako makatulog hindi dahil sa kinikilig. Una bakit ako kikiligin di ko nga alam kung sino nag request nung song na yon
Kung in love sya talaga bakit di sya nagpakilala? Bakit itinatago pa nya ang identity nya?
Twenty years old na ako noong February. Di na ako bata at wala naman nag babawal sa akin na maligawan ako. Basta ang sabi nila Lola at Daddy wag akong magpapaligaw sa labas, dapat sa bahay.
Conservative ang kinalakihan kong pamilya lalo na at nandyan pa si Lola. Para sa akin hindi naman masama ang sinasabi nila.
Ayaw nila akong mabastos at gawan ng di masama. Iniingatan lang nila na wag akong masaktan, lalo na at nag-iisa lang akong apo at anak ng Daddy ko.
Wala pa kahit isa na nagtangkang umakyat ng ligaw. Puro palipad hangin lang kaya para sa akin di yon totoo.
Tama naman di ba? Kung malinis ang intensyon nila pupunta at pupunta sila dito sa bahay.
Para makilala din sila ng pamilya ko
Sabi ko nga kung magboboyfriend ako gusto ko yon na hanggang huli.
Pero paano mangyayari kung ang gusto ko ay di ako gusto.
Paano kung iba talaga ang itinadhana sa akin? Yung di ayon sa nagugustuhan ko.
Wala pa akong alam sa pag-ibig. Ang alam ko pa lang ay ang humanga. At kung ang paghanga ba na nararamdaman ko ay tulad ba ng nararamdaman ng umiibig.
Ang hirap parang ang komplikado agad wala pa nga.
Sa mga kaibigan ko ang may karanasan pa lang sa pag-ibig ay si Florence at Liza.
Ilang beses na nga namin nakita si Liza na umiiyak sa tuwing nag-aaway sila ng boyfriend nya.
Ilang beses na nyang nahuli na may kasamang ibang babae. Minsan sa campus pa namin .
Sa una galit ang kaibigan namin pero after ilang araw lang magkabati na ulit sila.
Sinasabihan na nga ni Weng na hiwalayan na at marami pa namang iba dyan. Yung di daw sya papaiyakin at sasaktan ang damdamin nya.
Sadya nga siguro na nakakabulag ang pag-ibig dahil sa kabila ng lahat, bumabalik at bumabalik si Liza sa boyfriend nya.
Di ako makapagbigay ng opinion nakikinig lang ako sa kanila dahil wala pa nga akong karanasan.
Sa isang banda tama ang mga sinasabi ni Weng, na kapag may pag-ibig di magagawang saktan ang damdamin ng minamahal mo. Kung dumating na pagsubok dapat parehas nyo haharapin.
At kung mawala ang sinasabing pag-ibig pag-usapan ito ng maayos. Para walang regrets sa huli.
Di ko pa rin maisip kung sino ang nag request ng kanta. Tunay ba ang nararamdaman ng taong yon sa akin kaya ganon ang napili nyang kanta
Anong oras na gising na gising pa ako. Yung antok na sinasabi ko kanina biglang naglaho.
Paano nga kung si Hogan yon? Anong gagawin ko?
Hoy Alexis! Kung anu- ano na iniisip mo dyan? pagkausap ko sa sarili ko.
Playboy daw si Hogan sabi nila noong High School kami. Actually si Rebecca pa lang ang tumagal nitong girlfriend.
Matagal na yung almost two years sabi nila sa case ni Hogan.
Di namin alam kung ilan pa ang sumunod after ni Rebecca.
Di naman kami ganon ka close noong high school. May ibang grupo silang mga boys at may mga partner sila. Yung iba ang girlfriend nila ay taga ibang section.
Kaya di kami nag-kakausap. Hi and hello lang pag nakasalubong.
Kami ni Christine lang laging magkasama. Classroom, library at canteen lang ang alam namin sa loob ng school. After ng klase uuwi na kami.
Boring nga daw sabi ng iba pero okay lang. Kasi di rin naman pwede na after school ay gagala. Naghihintay sila Lola sa akin. Ganoon din ang Mommy ng best friend ko
Isipin ko pa lang na si Hogan ang nag request ng kantang yon, nahihiya na ako kay Rebecca.
Syempre kaklase namin sya. Baka sabihin inagaw ko si Hogan.
Alexis, Alexis! Wag kang praning. Wala pang sinasabi syo yung tao at mas lalong walang sinasabi si Hogan na liligawan ka nya
Mag aalas dos na ng umaga, kailangan makatulog na ako. Baka mangitim ang paligid ng aking mata.
Si Tito nandon nga pala narinig kaya nya yung tungkol sa pagrequest at pag dedicate sa akin noong kanta?
Wala naman syang sinabi kanina habang pauwi kami. Baka di rin nga narinig kasi busy sya sa katabi nya.
Baka pag nakita nya na nangingitim ang paligid baka tuksuhin pa ako. Malakas pa naman mang asar yon.
Hay naku, makatulog na nga. Kung saan saan na nakarating ang iniisip ko....