Chapter Three

1328 Words
Naghahanap si Jia ng lalaking pwede niya "mahalin". May kumuha sa atensyon niya si Vhenno malakas ang dating nito at naririnig niya sa mga kaklase nila at habulin ito ng girls. "May nahanap ka na?" lapit sa kanya ni Kecha galing ito sa counter nasa loob sila ng canteen. "Maybe..." sambit niya nasa counter pa rin si Chie wala ang kapatid niya magkaiba ang class student nila. Hindi naman nakasagot ang kaibigan niya sa kanya. "Kamusta ang inaanak ko sa Korea?" tanong naman niya sa kaibigan bigla 'tong tumahimik. "He's fine," sambit nito sa kanya. "3 years? Sa tatlong taon hindi mo nagawang sabihin sa kanya ang tungkol sa anak n'yo, hindi mo sinabi sa kanya na maghiwalay na kayong dalawa syempre aasa ang tao, ano ang tingin mo sa kanya hangin?" wika niya sa kaibigan niya. Tumingin ito sa kanya bago umiwas ng tingin. "Takot pa rin ako na hindi niya tanggapin ang anak ko," sambit nito nagulat ito nang tapikin niya ang kamay nito. Umiiling naman siya sa kaibigan niya. Aniya, "Hinahanap ka niya sa amin hanggang ngayon nandito siya sa Pilipinas, Kecha nagbaba-sakali siguro na makita ka niya dito..." "Nakapag-enroll na siya dito?" tanong nito sa kanya. "Basta ang sabi niya sa amin, nandito na siya bago pa tayo nag-enroll means, nakita ka niya o nasa paligid lang siya?" nasambit niya. Nilingon niya ang taong balak niyang akitin nakita niya may kumausap dito na babae nakasuot ng salamin. Hindi naman ito nagsalita naiintindihan niya kung hindi nito magawang sabihin sa taong pinag-uusapan namin ang tungkol sa anak nila. "Jia," tawag ni Chie na humarang sa harapan niya. Nilapag ni Chie sa mesa ang dalang tray na may laman na pagkain. Magkaiba ang course na tine-take nila pero magkaka-pareho ang class schedule nilang tatlo. "Siya ang bibiktimahin mo?" tukoy ni Kecha sa lalaking minamasdan niya. "Anong word mong bibiktimahin ko parang papatayin ko, no...maling term ang binigay mo," sambit niya tinignan ni Chie ang tinutukoy ng dalawang babae na kasama niya. Binalik ni Chie ang tingin niya kay Jia at sa lalaking tinitignan nito ngayon. Baling ni Chie at nagsalita siya, "Si Vhenno ang gusto mong akitin, Jia?" "Why, not? May chismis ba na may girlfriend siya?" sambit niya sa dalawang kasama niya. Ang narinig nila sa mga bulungan sa mga edtudyante, may nilalandi itong babae pero hindi nila kilala pero ang lumapit na babae sa kanya ang nababalitang ex-girlfriend daw nito na isang nerdy girl. "Bahala ka sa gagawin mo, Jia binabalaan kita may masasaktan kang damdamin." wika ni Kecha sa kaibigan kinain ang pagkain nakahain sa harapan nila. Nagkatinginan naman sina Jia at Chie walang imik si Chie at kumain na rin siya habang si Jia natulala pa rin nabalik lang ang atensyon niya ng may tumapik sa kanya. "May klase pa tayo kumain ka na rin," wika ni Chie sa kanya bago tinuloy ang pagkain. Naglalakad na sila sa hallway para bumalik sa kanilang klase ng dumaan sa tabi nila si Vhenno at ang babaeng kasama nito na kaklase rin pala nila sa classroom. "Sa plaza na lang tayo magkita, Thea," narinig nilang sambit ni Vhenno may inabot ito sa babae at tumango ito bago sumabay sa paglalakad nauuna sila sa tatlong magkaibigan. Nagkatinginan naman silang tatlo sa narinig at parang may kumislap sa isip ni Jia. "Sa palagay ko, may namamagitan pa sa kanilang dalawa pero dahil duwag ang nangangalang Thea lumaban sa relasyon nila sinukuan niya si Vhenno—" putol niya ng may dumaan sa tabi nilang tatlo. "Anong gusto mong gawin?" parehas nasambit nina Chie at Kecha sa kanya. May ngisi sa labi niya nakitang nag-iisip ang dalawang kasama niya, "Ako ang magiging dahilan at manunumbalik ang pagmamahalan nila mukhang mahal ni Vhenno ang babae nakikita ko ang tingin niya kanina ng maglayo sila kanina," "What the? Paano kung mahalin ka niya at mahalin mo siya?" Tumingin si Kecha sa kaibigan na si Chie nasa labas sila ng classroom hindi pa dumadating ang guro nila. "Maybe...crush but not love like Chie—tutulungan natin sila magkaroon ng re-connect ang pagmamahalan nila sa tulong natin hindi mapepeke ang tingin at galaw ng dalawang tao may pag-ibig pa rin sa isa't-isa lalo na sa lalaki," wika niya sa kanya. "Isasalang mo ang sarili mo para makatulong mapapasama naman ang tingin sa'yo ng mga kaklase n'yo at may masasaktan, Jia, hindi manhid si Chie, ang nangangalang Thea at Vhenno sa bandang huli magkakaroon kayong apat ng lamat." sabat ni Kecha sa kaibigan niya. "We know, magiging fairy godmother ako ng dalawa...saka, mapapatunayan ko pa na hindi ko lolokohin si Chie 'yon kasi ang iniisip n'yong tatlo hindi magbabago ang love ko kay Chie gusto ko lang ng new experience ng ibang guy..." aniya. wika ni Kecha sa kaibigan niya, "Si Daniel Lacsamana ang first love mo at si Zichen Liang bago si Chie ang naging boyfriend mo..." Sinamaan lang niya nang tingin ang kaibigan. Umalis na si Kecha pumasok naman sila ni Chie sa loob ng classroom. "Pag-usapan natin sa bahay ang gagawin mo may masasaktan ka at tama si Kecha wala akong magagawa sa gusto mong gawin pero, isipin mo ang mga taong masasagasaan mo." bulong ni Chie umupo na sila sa kanilang pwesto. Tinignan nilang dalawa si Vhenno at ang babaeng naiilang sa tingin ng mga kaklase nila sa kanya. Naghihintay naman sina Chie at Jia sa kanilang kaibigan habang si Jeree maaga ang huling klase nito kaya alam nila nasa bahay na ito o gumagala ng mag-isa. "Hello, Jia!" tawag ng mga nakakakilala sa kanya hindi siya nagbibigay ng smiling face sa kanila. "Ang sungit mo talaga pero ang hindi nila alam kung sino ka talaga, makipagkaibigan ka kaya sa ibang kaklase natin?" bulong ni Chie sa kanya. Nang umuwi si Jia at si Chie sa kanilang bahay, hindi nila napag-usapan agad ang tungkol sa plano nila sa dalawang kaklase nila—ang hinahanap na bagong experience ni Jia sa ibang lalaki gagawin niya kay Vhenno. Tumingin naman si Chie sa fiancee niya habang nagsusuklay ito ng buhok nito sa harap ng salamin. "Pwede ko rin bang gawin kay Athea ang gagawin mo kay Vhenno?" parinig niya sa fiancee niya. "Hindi," wika nito sa kanya dahilan parang nasagi ng fiancee niya ang ego ng p*********i niya. Medyo tumaas ang tono ng boses niya, "Ikaw, pwede at ako hindi?" "Iba ako at iba ka." wika nito sa kanya. "At ano ang pagkakaiba?" pagtataka niya sa sinambit nito sa kanya. Pinaliwag naman sa kanya ang pagkakaiba natawa siya sa sinabi ng fiancee niya. "Pwede ka magpagalaw at pwede ka mabuntis kung may mangyayari sa inyong dalawa—parehas lang kung may mangyayari sa amin ni Althea, ano ang pagkakaiba doon? Paano kung mahalin mo si Vhenno hindi 'yon imposibleng mangyari sa inyo." naiiling na lang siya para sa fiancee niya na si Jia. "Paano kung mahalin mo si Althea? Paano ako?" tanong nito sa kanya. "At, paano ako kung mahalin mo si Vhenno? Paano ang plano nating kasal?" tanong niya. Parehas sila natigilan hindi naman posible ang nasa isip nilang dalawa. Tumalikod na lang siya bigla sa fiancee niya at naiinis siya sa sitwasyon na meron sila ngayon. "Kung gusto mo magkaroon ng magandang relasyon, ate huwag mo gawin ang binabalak mo," sambit ni Jeree sa kapatid niya nang masalubong niya ito sa daan. Lumabas ng kwarto si Jia at nabaling ang tingin niya sa kapatid na tuluyang lumayo sa kanya. Napapa-isip pa rin siya sa balak niya, para patunayan sa sarili na kahit may karelasyon siya kaya niyang hindi ibigay sa iba ang puso niya. Bumalik siya sa kwarto naabutan niyang nakahiga sa kama si Chie, tumabi na siya dito at niyakap niya ito ng mahigpit. Walang galaw mula dito pero, alam niyang gising pa ito. "Gagawin ko ito not for them—for us, Chie sorry kung masasaktan ko ang ego mo kung sakali basta tandaan mo, mahal na mahal kita." wika ni Jia hinalikan niya ang tenga nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD