Hindi planado ang lahat pero malinaw ang intensyon ni Jia sa gusto niyang gawin. Sa loob ng coffee shop malapit sa campus, magkaharap silang tatlo: Jia, Chie, at Vhenno tahimik silang tatlo. Parang bawat segundo may gustong umamin pero walang gustong maunang magsalita.
Si Jia ang unang huminga nang malalim.
"Chie," mahinahon niyang simula pero nanginginig ang boses, "I need space, I need to live like... a normal girl."
Hindi sumagot agad si Chie nakatingin lang siya sa tasa ng kape niya parang doon niya gustong ilibing ang sakit.
"Normal?" mahinang ulit niya. "You mean...without me?"
Umiling kaagad si Jia sa kanya.
"No, not without you...just without people knowing."
Doon napatingin si Vhenno halatang naguguluhan.
"Wait—anong ibig mong sabihin, Jia?"
Tumayo si Jia, saka muling umupo.
"I'm asking you, Vhenno...kung pwede kang maging boyfriend ko sa paningin ng lahat."
Nanlaki ang mata ni Vhenno kay Jia inaamin niyang type niya ito kahit may Thea sa buhay pero—
"Ha? Jia, seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala si Vhenno sa sinabi nito sa kanya sa harap mismo ni Chie.
Sumingit si Chie nang tahimik pero diretso ng tingin kay Vhenno.
"I know what she's asking at...pumapayag ako."
Napatayo si Vhenno sa sinabi ni Chie sa kanya.
"Bro—are you insane? You're her—"
"Fiancée," tapos ni Chie. "Yes, and I trust her."
Napatingin si Jia kay Chie puno ng halo-halong emosyon.
"Hindi kita iniiwan," mariin niyang sabi. "This is just...freedom."
Tumango si Chie kahit masakit para sa kanya ang pag-payag sa gusto ni Jia.
"If pretending will make you stay...I'll pretend too."
Tahimik si Vhenno alam niyang may tinatahak silang linya na walang kasiguraduhan at lalong ayaw niyang may masaktan na tao.
"Okay," huli niyang sabi. "Pero malinaw—hindi kita aagawin, Jia kahit mahulog ako sa'yo hindi bato ang puso ko para hindi mahulog sa'yo."
At doon nagsimula ang kasinungalingang magbabago sa lahat.
Hindi natapos ang usapan sa coffee shop.
Paglabas nila, ramdam agad ang tensyon si Jia ang nauuna maglakad parang may hinahabol na hangin. Naiwan sa likod sina Chie at Vhenno, magkatabing naglalakad pero magkalayo ang iniisip.
"Bro," mahinang tawag ni Vhenno, "sigurado ka ba dito?"
Tumigil si Chie hindi siya agad humarap.
"Hindi," sagot niya ng diretso. "Pero sigurado akong siya ang pipiliin ko...kahit masakit."
Napakamot si Vhenno sa batok.
"You're letting her date me while you're—"
"Her fianceé," tapos ni Chie. "I know, pero mas ayokong itali siya sa desisyong hindi pa niya kayang panindigan."
Sa di kalayuan narinig ni Jia ang huling sinabi huminto siya at bumalik.
"Hindi ko kayo ginagamit," mariin niyang sabi. "I just need to breathe."
Lumapit si Chie. "Then breathe, I'll stay right here."
Tahimik si Jia saglit bago nagsalita ulit mas mababa ang boses.
"Sa school...you'll be just my friend."
Tumango si Chie kahit parang may humiwalay sa dibdib niya.
"Okay."
Napatingin si Jia kay Vhenno.
"And you—kailangan mo lang ipakita na ikaw ang boyfriend ko walang lampas doon."
Ngumiti si Vhenno ng pilit iniisip niya si Thea ayaw niya mag-two timer sa isang relasyon kahit playboy siya.
"Pretend lang, pero Jia... alam mo namang minsan ang pretends nagiging totoo."
Hindi siya sumagot.
Sa gabing 'yon, magkatabi sina Jia at Chie walang yakap, at walang halik sa kanilang dalawa. Dalawang taong engaged...pero may distansyang parang estranghero.
At doon nagsimulang masaktan si Chie hindi dahil sa selos kundi dahil pumayag siya.
Lumipas ang ilang araw, at mabilis kumalat ang balita.
Magkahawak-kamay sina Jia at Vhenno habang naglalakad sa campus. Hindi natural hindi pilit pero hindi rin totoo. Isang eksenang paulit-ulit nilang inuulit hanggang masanay ang mata ng iba.
Sa di kalayuan, nakatayo si Chie kasama sina Jong at Kecha.
"Ang galing mo," bulong ni Jong. "Kaya mo 'yan?"
Hindi sumagot si Chie agad. Nakangiti siya pero 'yong klase ng ngiti na pangharap lang sa mundo.
"Kung masaya siya," sagot niya, "kailangan ko ring matutong ngumiti."
Napatingin si Kecha sa kanya.
"Hindi mo kailangang maging bayani lagi, Chie."
"Hindi ako bayani," sagot niya. "Ako 'yong fiancé na pumayag."
Samantala, sa bench malapit sa library naupo sina Jia at Vhenno.
"Salamat," sabi ni Jia.
"Sa pagtulong."
Tumango si Vhenno sa kanya hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman dahil alam ng lahat si Thea ang girlfriend tapos makikita na si Jia ang kasama niya.
"Hindi ka naman humihingi ng sobra pero Jia...may limit din ako."
Napatingin siya bigla kay Vhenno.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kapag nasasaktan na si Chie," diretso niyang sagot,
"at kapag nagsisimula na akong malito at maguluhan sa damdamin ko may masasaktan tayong dalawang tao."
Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng kirot hindi selos, kundi konsensya naisip niya sina Chie at Thea na girlfriend talaga ni Vhenno.
"Hindi ko ginusto 'to," bulong niya.
"I just wanted to know who I am...outside him."
Sa gabing 'yon, muling nagkaharap sina Jia at Chie sa mansyon nang walang imikan.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Jia.
Tumango si Chie sa kanya.
"Hangga't kailangan mo 'to, okay lang ako."
Pero sa isip niya, "Hanggang kailan bago ako mapagod?"
Mas naging madalas ang paglabas nina Jia at Vhenn hindi dahil gusto nila, kundi dahil 'yon ang inaasahan ng lahat. Lunch sa labas, sabay umuwi, sabay pumasok.
Mga galaw na unti-unting nagiging routine nila sa loob ng university.
Sa isang coffee shop malapit sa campus nakaupo sila sa tapat ng isa't isa.
"Hindi ba sila nagtatanong?" tanong ni Vhenno habang hinahalo ang kape.
"Sanay na sila," sagot ni Jia. "Akala nila matagal na tayo."
Napatawa si Vhenno, pero walang saya.
"Funny how lies become normal kapag paulit-ulit."
Tumahimik si Jia. "May regret ka ba?"
Napatingin siya diretso sa kaharap ang tingin niya kay Jia sobrang kalmado nito parang wala sila nasasaktan na tao.
"Hindi ko alam," sagot niya. "Pero minsan pakiramdam ko, ako ang kontrabida sa kwento n'yo."
Sa kabilang banda ng campus nakita sila ni Thea magkalapit, magkausap. May kumurot sa dibdib niya hindi dahil kay Vhenno kundi dahil kay Chie.
Sa hallway, nadatnan niya si Chie mag-isa.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Tumango naman si Chie. "Sanay na akong maghintay."
Umiling kaagad si Thea. "Hindi ka dapat masanay sa sakit."
Napangiti si Chie nang bahagya.
"Mas masakit ang pigilan ang taong mahal mo."
Kinagabihan, nagkaroon ng mahabang pag-uusap sina Jia at Chie sa balkonahe.
"Napapagod ka na ba?" tanong ni Jia.
Hindi agad sumagot si Chie.
"Hindi sa'yo," sagot niya. "Sa sarili ko siguro."
Lumapit si Jia sa kanya nang lambing sa mukha.
"Konti na lang...matapos lang 'to."
Tumingin si Chie sa kanya.
"Jia, hindi ko alam kung ano ang matatapos 'yong setup, o 'yong nararamdaman natin."
Hindi sila nag-away pero may lamat nang hindi na maitatanggi.
Mas dumami ang mga mata na nakatingin kina Vhenno at Jia sa kanilang university. Sa bawat lakad nina Jia at Vhenno, may mga bulungan at mga ngiting mapanghusga, ang titig na nagtatanong kung kailan pa sila naging ganoon kalapit. Hindi alam ng karamihan na bawat hakbang nila may ka-akibat na bigat.
Sa may hallway sinalubong sila ni Chielle ang kapatid ni Chie na nag-aaral rin sa university na naka-hiwalay naman nang tirahan.
"So kayo na talaga?" pabirong tanong nito.
Napatingin si Jia kay Vhenno saka ngumiti.
"Ganun na nga."
Tahimik si Chielle sandali bago tumingin kay Vhenno.
"Alagaan mo siya."
Tumango ang lalaki pero nang umalis si Chielle bumuntong-hininga siya.
"Hindi ko alam kung hanggang saan ang acting," sabi niya.
"Lalo na kapag pamilya na ang kaharap."
Humigpit ang hawak ni Jia sa bag niya.
"Sorry...kung nadadamay ka."
"Choice ko 'to," sagot ni Vhenno. "Pero choice rin ni Chie."
Sa gilid ng parking lot, mag-isa si Chie pinapanood silang magkasama at dumating si Jeree.
"Hindi ka ba magseselos?" tanong nito.
Ngumiti si Chie hindi niya ito maitatago sa kapatid ni Jia malakas ang pakiramdam nito.
"Nagseselos ako pero mas takot akong mawala siya."
"Ang hirap mong intindihin," sabi ni Jeree.
"Mas mahirap magmahal," sagot ni Chie.
Kinagabihan, muling nag-usap sina Jia at Chie.
"May nagsabi bang masyado na tayong...komplikado?" tanong ni Jia.
"Hindi," sagot ni Chie. "Pero ramdam ko."
Lumapit naman siya.
"Kapag handa ka nang tumigil, nandito lang ako."
Hindi umiyak si Jia mas masakit ang pakiramdam na may sumasalo kahit ikaw ang gumagawa ng dahilan para masaktan siya. Habang tumatagal mas nagiging totoo ang kasinungalingan.
Hindi na kailangan ipaalala ni Jia kay Vhenno kung ano ang gagawin. Kapag may makakasalubong, kusa na silang magkatabi. Kapag may magtatanong, pareho na silang may nakahandang sagot.
Pero sa pagitan ng katahimikan, doon nagiging mabigat ang iniisip nilang problema.
Isang hapon, may group meeting sa school. Magkakatabi sina Jia at Vhenno habang nasa kabilang dulo si Chie.
"Okay lang ba talaga 'to?" bulong ni Vhenno habang nagsusulat.
"Hindi ko rin alam," sagot ni Jia.
"Pero kailangan."
Napatingin si Vhenno sa direksyon ni Chie.
"Sigurado ka bang hindi mo siya nawawala sa proseso?"
Hindi sumagot si Jia agad dahil doon niya unang naramdaman ang takot.
Pagkatapos ng klase, nadatnan ni Jia si Chie sa rooftop.
"Bakit hindi ka na sumasabay kumain?" tanong niya.
"Para hindi kayo mailang," sagot ni Chie.
"Mas madali 'yon."
"Hindi ko gusto 'to," sabi ni Jia, nanginginig ang boses.
"Hindi ko ginustong masaktan ka."
Lumapit si Chie pero may pagitan pa rin ng distansya.
"Hindi lahat ng sakit iniiwasan may ibang sakit na tinatanggap."
Sa malayo, nakita sila ni Thea tahimik lang siyang nagmasid.
Ganito pala ang magmahal si Chie, naisip niya.
Tahimik. Walang reklamo.
Sa gabing 'yon, mag-isa si Jia sa kwarto nakatingin sa salamin.
Freedom ba 'to, tanong niya sa sarili,
o takot lang akong pumili?
Mas naging visible ang "relasyon" nina Jia at Vhenno hindi dahil gusto nila, kundi dahil kailangan.
Sa hallway may mga bulong na naririnig nila at hindi na lang pinapansin.
"Bagay pala sila."
"Ang tahimik ni Vhenno no'n, pero ngayon—"
Narinig lahat 'yon ni Chie hindi siya nag-react. Hindi rin siya umalis nasanay na lang siyang naririnig ang mga bulungan ng mga schoolmates nila sa dalawang pinag-uusapan.
Isang tanghali, nagkasabay silang tatlo sa canteen.
"Upuan ko na 'to," sabi ni Jia kay Vhenno sabay hila sa manggas nito.
Sandaling tumigil ang kamay ni Vhenno.
"Jia," mahina niyang sabi, "kaya mo bang gawin 'to araw-araw?"
Napatingin si Jia sa kanya pilit na matapang.
"Kailangan ko." Tahimik na naupo si Chie sa tapat nila.
"Don't mind me," sabi niya na may pilit na ngiti.
"Kumakain lang ako."
Hindi makalunok si Jia.
Pagkatapos, hinabol niya si Chie sa labas pagkatapos nila kumain.
"Hindi mo kailangang maging ganito kalayo," sabi niya.
"Hindi rin kita pwedeng lapitan," sagot ni Chie.
"Hindi, habang may ginagampanan kang papel."
"Hindi ka ba nagseselos?" tanong ni Jia halos pabulong na lang.
Napangiti si Chie hindi siya masaya, kundi pagod.
"Araw-araw pero pinili ko 'to at ikaw ang pumili ng sitwasyon na 'to."
Sa gilid nakita ni Thea ang eksenang 'yon. Hindi siya sumingit pero doon niya mas lalong nakita kung gaano kasalimuot ang sitwasyon.