Chapter 5: Kecha Joins Circle

2990 Words
Hindi lang pala si Vhenno ang nasasaktan, naisip niya. Lahat sila. Gabi na nang mag-desisyon ang barkada na mag-aral sa mansyon nina Chie at Jia. Nandun sina Vhenno, Kecha, Jong, at Thea isang normal na setup kung tutuusin, pero ngayong gabi, walang normal. "Okay, sino ang may notes sa Econ?" tanong ni Jong palipat-lipat ang tingin niya sa mga kasama niya. "Teka," sabi ni Jia bago siya tumayo. "Ako kukuha." Natural na sumunod si Vhenno hinawakan pa ang likod ng upuan niya maliit lang ang kilos pero sapat para mapansin. Tahimik lang si Chie nakatingin lang sa libro. "Chie," biglang tawag ni Kecha, "okay ka lang?" Tumango siya sa kaibigaj niya kahit gusto niya haltakin ang kamay ni Vhenno wala na sila sa loob ng university. "Yeah, continue lang kayo." Sa kusina, napahinto si Vhenno sinamahan niya si Jia doon may kinukuha sila para sa lahat. "Jia," mahina niyang sabi, "hanggang saan ba 'to?" Napahawak si Jia sa counter. "Hanggang sa hindi na ako inuusisa ng lahat." "At si Chie?" tanong niya. "Hanggang kailan siya mag-a-adjust para sa'yo?" Hindi sumagot si Jia. Pagbalik nila sa sala nakita nilang magkatabi sina Chie at Thea, nag-uusap ng mahina. "Hindi ka naman obligado," sabi ni Thea. "Kung masyado nang masakit, pwede kang umatras." Napangiti si Chie sa kanya. "Hindi ako marunong umatras sa kanya." Napatigil ang lahat nang biglang magsalita si Vhenno. "Can we stop pretending kahit ngayong gabi lang?" "Sorry," dugtong niya agad, "I mean... can we be honest kahit sandali?" Tumayo naman si Jia. "Pwede wala naman tayo sa school." "Okay," sagot ni Vhenno. Nagka-tinginan sina Chie at Jia nang matagal bago sila magtabi ng pwesto pagkatapos umalis ni Thea. At doon, unang naramdaman ng lahat na hindi na lang ito laro. Tahimik ang mansyon matapos umalis ang lahat. Naiwan sina Jia at Chie unang pagkakataon sa maghapon. "Pasensya na," unang sabi ni Jia nakatayo pa rin sa may pintuan. "Hindi ko ginustong maging ganito." Hindi agad sumagot si Chie inayos niya lang ang mga papel sa mesa parang may kontrol pa siyang hawak. "Alam mo," dahan-dahan niyang sabi, "mas mahirap pala kapag pinili mong masaktan ang taong mahal mo...kasi ikaw ang humiling." Lumapit si Jia. "Hindi kita iniiwan." "Tama," sagot ni Chie. "Pero pinili mong ilayo ang sarili mo." Napapikit si Jia. "Natakot lang ako." "Sa akin?" tanong ni Chie. "Sa sarili ko," sagot niya. Sa labas, naglakad si Vhenno pauwi nang mabagal. Hawak ang phone may mensaheng gustong i-send kay Thea pero binura rin. Hindi ako kontrabida, isip niya pero hindi rin ako inosente. Sa kabilang kalsada, natanaw siya ni Thea hindi sila nagkita pero pareho nilang naramdaman ang tensyon na meron sa kanila. Hindi naging madali ang unang linggo ng pagpapanggap. Sa campus, magkatabi sina Jia at Vhenno, pero ramdam ang kaunting distansya parang pareho nilang alam na may mali, pero pinipili pa ring ituloy. "Relax ka lang," bulong ni Vhenno habang naglalakad sila. "Parang masyado kang conscious." "Hindi ako sanay," sagot ni Jia. "Hindi kita boyfriend." Ngumiti naman si Vhenno ng pilit. "Alam ko, pero sa mata nila may namamagitan sa atin." Sa malayo, natanaw sila ni Chie hindi siya lumapit at hindi rin siya umiwas. Nakatingin lang siya ng tahimik parang tinuturuan ang sarili na masanay. Lumapit si Kecha sa kanya. "Okay ka lang?" Tumango si Chie. "Kung ito ang gusto niya...rerespetuhin ko." "Pero masakit," dugtong naman ni Kecha. "Mas masakit kung pipigilan ko siya," sagot niya. Kinagabihan, nagkita sina Jia at Chie sa rooftop walang may alam. "Hindi kita tinataboy," sabi ni Jia. "Ginagawa ko lang 'to para maintindihan ko ang sarili ko." "Alam ko," sagot ni Chie. "Pero sana kapag napagod ka... ako pa rin ang uuwian mo." Napaluha si Jia. "Hindi naman kita iniwan." Ngumiti si Chie pero may kirot sa puso niya. "Hindi pa, pero ramdam ko na." Mag-isa si Chie sa parking lot, nakasandal sa sasakyan. Matagal na siyang nandito hindi dahil may hinihintay, kundi dahil ayaw pa niyang umuwi. Sa malayo, nakita niya kung paano tumawa si Jia habang kausap si Vhenno. Hindi malakas. Hindi flirtatious pero sapat para masaktan siya sa natatanaw. "Ganito pala," bulong niya sa sarili. "Ganito pala kapag pinili mong maging understanding." Binuksan niya ang phone may draft message siya kay Jia tatlong beses na niyang binura. Okay lang ako. I understand. Take your time. Napailing naman siya. "Sino niloloko ko?" May dumating sa tabi niya si Chielle, ang kapatid niya. "Hindi ka pa rin umaalis?" tanong nito. "Hindi pa," sagot niya. "Hindi ko pa kaya." Umupo si Chielle sa hood ng kotse. "Alam mo, kuya...hindi ka duwag." Napangiti siya nang bahagya. "Pakiramdam ko kasi, oo." "Hindi," sagot ng kapatid niya. "Pinipili mo lang siyang mahalin kahit masakit." Napatingin siya ulit kay Jia ngayon paalis na kasama si Vhenno. "Ang hirap pala," sabi ni Chie, halos pabulong, "kapag mahal mo 'yong taong gusto munang hanapin ang sarili niya... pero ikaw ang iniiwan sa waiting room." "Pero nandito ka pa rin," sabi ni Chielle. "Oo," tugon niya. "Kasi mahal ko pa rin siya." Hindi na niya maalala kung kailan siya huling umiyak. Hindi naman nakasagot ang kapatid niya. Pero ngayong gabi, mag-isa si Chie sa sasakyan naka-park sa isang madilim na kanto patay ang makina, patay ang radyo at parang patay din ang lakas niya. Hinawakan niya ang manibela nang mahigpit. "Ang tanga mo," bulong niya sa sarili. "Ang tanga-tanga mo." Bumigat ang dibdib niya bigla hindi ito galit at hindi rin selos. Pagod. "Fiancee kita," halos pasigaw niyang sabi, kahit walang nakakarinig. "Ako 'yong nag-propose sa'yo at ako 'yong nangako pero bakit ako 'yong kailangang mag-adjust?" Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata. "Hindi ko naman hiningi 'to," sabi niya. "Hindi ko hiningi na mahalin mo ang ibang tao para lang maramdaman mong buhay ka." Pinahid niya ang mukha niya, nanginginig ang kamay. "Pero pumayag ako," amin niya. "Ako mismo." Naalala niya ang boses ni Jia. "Chie, gusto ko lang ma-experience, ikaw pa rin." Napatawa siya ng mapait hindi pa ba siya sapat? "Paano mo nasabing ako pa rin," bulong niya, "kung sa ibang lalaki ka tumatawa?" Tumulo ang luha niya nang hindi niya pinipigilan. "Hindi kita sinisisi," umiiyak niyang sabi. "Pero nasasaktan ako." Huminga siya nang malalim pilit pinapa-kalma ang sarili niya. "Kung ito ang paraan para piliin mo ako ulit," mahina niyang bulong. "Sige, sasaktan ko muna ang sarili ko." Tahimik ang bahay masyadong tahimik para kay Chie. Naupo siya sa dining table hindi pa nagagalaw ang kape. Dumating si Chielle bitbit ang mug niya, at isang tingin lang alam na niya. "Hindi ka okay," diretso niyang sabi. Napangiti si Chie ng pilit sa kapatid niya. "Hindi ba pwedeng pagod lang?" Umupo si Chielle sa tapat niya. "Kuya, lumaki tayo sa iisang bubong alam ko kung kailan ka nag-sisinungaling." Huminga nang malalim si Chie. "Hindi ko siya pinipigilan," sabi niya. "Choice niya 'to." "Tinanong kita kung okay ka," balik ni Chielle. "Hindi kung anong choice niya." Tumahimik bigla si Chie tinititigan niya ang kamay niya. "Masakit," amin niya. "Pero mas masakit kung hawakan ko siya nang ayaw na niya." Napailing si Chielle. "Hindi ka martyr," mahina niyang sabi. "Nasasaktan ka lang pero ayaw mong aminin." "Fiancee ko siya," halos pabulong ni Chie. "Paano ko lalabanan 'yong taong mahal ko?" Tumayo si Chielle, lumapit, at ipinatong ang kamay sa balikat ng kapatid. "Hindi mo kailangang lumaban," sabi niya. "Pero hindi rin tama na ikaw lang ang nasasaktan." Napatingin si Chie sa kapatid niya. "Paano kung hindi na niya ako piliin?" Hindi sumagot agad si Chielle. "Kung mangyari 'yon, hindi ibig sabihin wala kang halaga." mahinahon niyang sabi. Napayuko si Chie. "Pero parang ganon ang pakiramdam ko." Hindi pa umaalis si Chielle pero tumahimik sila pareho. Ang ingay lang ng orasan sa dingding ang naririnig nilang dalawa. "Kuya," mahinang sabi ni Chielle, "kailan ka huling humingi ng kapalit?" Napatingin si Chie sa kanya. "Hindi ko kailangan." "Hindi 'yon ang tanong," giit niya. "Kailan mo huling inisip ang sarili mo?" Matagal bago sumagot si Chie sa kapatid niya. "Noong hindi pa ako fiancée," sabi niya. "Noong wala pang kailangang protektahan." Tumango si Chielle. "Alam mo bang pwede kang masaktan kahit mahal mo siya?" "Alam ko," sagot niya agad. "Araw-araw ko 'yon nararamdaman." Sandaling katahimikan ulit sa pagitan nilang dalawa. "Kapag natapos na 'tong phase na 'to," tanong ni Chielle. "Sigurado ka bang babalik siya sa'yo?" Hindi agad sumagot si Chie. "Hindi," amin niya. "Pero umaasa ako." Tumayo siya at lumapit sa bintana. Kita ang ilaw ng lungsod mga taong may kanya-kanyang buhay. "Kung pipiliin niya ako," dugtong niya. "Gusto kong piliin niya ako nang buo hindi dahil wala na siyang ibang option." Napatitig si Chielle sa kapatid niya. "Kuya," sabi niya, "Huwag mong hayaang maging dahilan ang pagmamahal para mawala ka sa sarili mo." Napangiti si Chie sa kapatid niya at naisip ang sinabi nito. "Huli na yata," sabi niya. "Pero sinusubukan ko pa ring alalahanin kung sino ako bago siya." Umaga na pero gising pa rin si Chie nakatayo siya sa kusina hawak ang baso ng tubig naka-titig sa bintana na parang may hinihintay pero alam niyang wala. Pumasok si Chielle ng tahimik at naka-tsinelas. "Hindi ka pa natutulog," sabi niya bigla hindi tanong nakita niya ang kapatid. Umiling si Chie. "Hindi dumadating 'yong antok." Tumabi si Chielle sa kanya. "Dumadating 'yan," sabi niya. "Kapag hindi ka na lumalaban." Laging may hugot si Chielle sa tuwing nag-uusap silang dalawa kahit wala pa itong boyfriend. Napangiti si Chie nang bahagya. "Hindi ako lumalaban." "Exactly," sagot ni Chielle. Tahimik ulit silang dalawa napansin ni Chie na malalim din ang iniisip ng kapatid niya. "Kung may mangyari sa inyo ni ate Jia," dahan-dahang sabi ni Chielle. "Gusto kong malinaw na hindi mo kasalanan kung bakit mangyayari 'yon." Tumango si Chie pero hindi siya tumingin. "Alam mo kung anong mahirap?" sabi niya. "Hindi 'yong may iba siyang kasama." Napatingin si Chielle. "Kundi?" "'Yong kailangan kong magpanggap na sapat pa rin ako," sagot niya. "Kahit pakiramdam ko...unti-unti akong nawawala." Huminga si Chielle nang malalim. "Kuya, hindi ka nawawala." "Hindi," sagot ni Chie. "Pero pagod na akong hanapin ang sarili ko sa gitna ng desisyon ng iba." — Nakasandal si Jeree sa pader sa labas ng faculty room nakapamulsa tahimik pero halatang puno. Dumating si Chielle diretso ang lakad walang ngiti sa labi. "Alam mo ba kung anong problema ko sa inyong dalawa?" bungad ni Jeree. Nakasimangot naman ang mukha ni Jeree nang magtagpo ang mata nila ni Chielle. Tumingin si Chielle sa kanya. "Kung sigawan 'to, pass ako." "Hindi," sagot ni Jeree. "Kung katotohanan." Huminga nang malalim si Chielle. "Sige, simulan mo." "Pinapayagan mong masaktan ang kapatid ko," diretsong sabi ni Jeree. "At tinatanggap ng kapatid mo." Nanigas ang mukha ni Chielle. "Excuse me?" sabi ni Chielle. "Mas nasasaktan si kuya sa ginawa ng kapatid mo harap-harapan nakikipag-landian sa iba." Tumaas ang kilay ni Jeree sa sinabi ni Chielle. "Huwag mong gawing parang wala siyang sariling isip," sagot niya. "Choice ni kuya Chie 'to." "Choice ba talaga o sanay lang siyang iuna ang gusto ng iba kaysa sa sarili niya?" balik ni Jeree. Napatingin si Chielle sa sahig. "Hindi mo kilala ang kapatid ko gaya ng pagkakakilala ko," sabi niya. "Hindi siya mahina." "Hindi ko sinabing mahina si kuya Chie," sagot ni Jeree. "Sinabi kong tanga siya sa pagpayag sa gusto ng kapatid ko." Nagka-tinginan sila unang beses na walang dumepensa sa pag-uusap nila. "Si ate Jia," dagdag ni Jeree. "Akala niya freedom ang ginagawa niya hindi niya alam, may dalawang tao siyang nasasaktan." Tahimik si Chielle dahil may punto ang sinabi ni Jeree. "At ang mas masakit, mahal pa rin siya ng kapatid mo." patuloy niya. — Nasa likod sila ng library tahimik, malayo sa mata ng iba. "Hindi ko intensyong saktan ka," sabi ni Jia nang tignan niya si Chie mahina pero totoo ang sinasabi niya. "Alam ko," sagot ni Chie. "Pero nasasaktan pa rin ako." Napayuko si Jia. "Hindi ko alam kung paano ako magiging ako," amin niya. "Kung palagi akong may iniingatan." "Hindi kita ikinukulong," sabi ni Chie. "Hinahayaan kita." Tumawa si Jia na walang saya. "'Yon nga ang masakit." Tumingin siya kay Chie. "Hindi mo ba ako pipigilan?" Napangiti si Chie ng mapait kay Jia. "Kung pipigilan kita, magiging masaya ka ba?" Hindi naman nakasagot si Jia. "Kung oo, ginawa ko na sana." dagdag ni Chie. Lumapit si Jia sa kanya halos magkadikit na silang dalawa. "Hindi kita iiwan," pangako niya. Tumango si Chie. "Hindi mo kailangang umalis para masaktan ako." — Hindi agad umalis si Jeree. Hindi rin nagsalita si Chielle. Pareho silang nakatingin sa hallway kung saan dumaan kanina ang dalawang kapatid nila—magkalapit, pero parang may pagitan na hindi kayang tawirin. "Kung mag-hiwalay sila, hindi dahil may iba na." biglang sabi ni Jeree. Napatingin si Chielle. "Kundi?" "Dahil may masyadong maraming bitak sa relasyon nilang dalawa," sagot niya. Napasinghap si Chielle. "Hindi mo naiintindihan ang kapatid ko." "Hindi," sagot ni Jeree. "Pero naiintindihan ko ang kapatid ko." Tumahimik si Chielle saka umamin kay Jeree. "Alam mo bang minsan gusto kong sabihin kay ate Jia na tigilan na niya?" Napatingin si Jeree. "Bakit hindi mo ginagawa?" "Dahil mahal ng kuya ko," sagot niya. "At kapag mahal mo ang isang tao...minsan mas pinipili mong masaktan kaysa makasakit." ⸻ Tahimik ang classroom huli na silang dalawa. Umupo si Jia sa harap, si Chie sa likod parang sinadya ang distansya. "Pagod ka na ba?" tanong ni Jia ng hindi lumilingon. "Hindi," sagot ni Chie. "Sanay lang." Tumayo si Jia at lumapit. "Hindi ko ginusto 'to para saktan ka," sabi niya. "Ginusto ko 'to para makilala ang sarili ko." "Sa gitna ng ibang tao?" tanong ni Chie mahinahon pero may laman ang sinabi. "Oo," sagot niya. "Kasi natatakot akong kung ikaw lang ang mundo ko...kapag nawala ka, wala na rin ako." Tumango si Chie sa kanya pilit ang ngiti. "Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka pa pagod." "Alam ko, at minsan...sana hindi." sagot ni Jia. "Isipin mo rin, si Chie ba? Pagod na ba?" sabi ni Chie walang nagsalita sa kanilang dalawa. Nagkatapat ang mga mata nila hindi nag-away, pero parehong talo. Mag-isa si Chie sa bleachers ng gym. Hawak niya ang phone nakabukas ang pangalan ni Jia pero hindi niya tinatype ang mensahe. Kung sabihin ko bang "sapat na," isip niya, makikinig ba siya? Dumating si Chielle dahan-dahan ang lakad. "Hindi ka pa rin sumasabay kumain," sabi niya. Umiling si Chie. "Hindi pa ako gutom." "Hindi rin ako," sagot niya. "Pero kumakain pa rin ako." Napangiti si Chie ng konti sa sinabi ng kapatid niya. "Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Chielle. Napatingin si Chie sa court. "Araw-araw." "Bakit ka pa rin pumapayag?" Matagal bago siya sumagot. "Kasi kung hindi ako ang magbibigay, may ibang kukuha." sabi niya. Tahimik ulit si Chielle. "Mas masakit kapag pinilit ko siya," dagdag ni Chie. "Mas gusto kong kusa." ⸻ Naglalakad sina Jia at Vhenno sa campus magkatabi, parang natural ang kanilang kilos kahit hindi. "Sigurado ka ba rito?" tanong ni Vhenno. "Oo," sagot ni Jia. "Hindi ko kailangan ng drama." Napangiti si Vhenno. "Alam mo bang magiging masakit 'to?" "Hindi para sa'yo," sagot ni Jia. "Clear tayo." Tumango si Vhenno. "Boyfriend ka lang sa papel," dagdag ni Jia. "Walang lampas." "At kung may maramdaman ako?" tanong niya na may kalahating biro. Huminto si Jia, seryoso ang mata. "Huwag mong ituloy." Tumango si Vhenno. "Gets." Sa di kalayuan naman nakita sila ni Chie. Hindi siya tumalikod nanatili lang siyang nakatingin. Tahimik ang hallway pero sa loob ng isang bakanteng classroom—sumabog ang lahat. "Hanggang kailan mo siya gagamitin?" sigaw ni Chie, hindi na niya pinipigilan ang boses. Napatigil si Jia, nanginginig ang kamay sa hawak niyang bag. "Hindi ko siya ginagamit," sagot niya. "Pumayag siya." "Pumayag dahil gusto ka niya," balik ni Chie. "Hindi dahil tama 'to." Lumapit si Jia sa kanya na galit na galit. "Hindi mo ba gets? Gusto kong huminga!" "Sa pakikipag-relasyon mo sa ibang tao?" tanong ni Chie, mas mababa ang boses pero mas masakit. "Ako ang fiancé mo, Jia ako ang sumasalo sa lahat." Napaluha si Jia sa harap ni Chie. "Hindi kita hinihila para masaktan ka." "Pero araw-araw mo akong pinapatay," sigaw niya. "Pinapanuod kitang ngumiti sa iba—habang ako, nag-aabang lang kung kailan mo ako pipiliin." Humagulgol si Jia. "Ayoko kasing mamatay na ako lang sumusunod sa plano!" Tumahimik si Chie. "Tapos paano ako?" tanong niya, basag na ang boses. "Collateral damage lang ba?" Walang sagot si Jia. At doon mas masakit ang katahimikan. Tahimik ang faculty hallway, pero sa loob ni Chie parang may bumabagsak na bakal. Sumunod siya kay Jia hanggang sa likod ng science building. Hindi siya galit—pagod lang. At minsan, mas delikado ang pagod kaysa galit. "Jia," tawag niya, mababa ang boses. "Pwede ba tayong mag-usap nang walang tumitingin?" Huminto si Jia hindi siya humarap agad. "Ano pa ba ang pag-uusapan natin, Chie?" tanong niya. "Napag-usapan na 'to." Lumapit si Chie sa kanya. "Hindi, napag-desisyunan mo 'to hindi napag-usapan." Huminga nang malalim si Jia at saka humarap. "Pumayag ka." "Oo," sagot niya agad. "Kasi mahal kita, pero huwag mong ibahin—hindi ibig sabihin nun hindi ako nasasaktan." Natahimik si Jia. "Tuwing may hahawak sa'yo," patuloy ni Chie nanginginig ang panga. "Ako ang nagre-remind sa sarili ko na choice mo 'to, hindi aksidente." "Hindi ko hinihiling na magdusa ka," sagot ni Jia nangingilid ang luha. "Gusto ko lang malaman kung sino ako—bukod sa fiancée mo." "Eh, paano kung mawala ako bigla?" tanong ni Chie. "Acceptable loss ba 'yon?" Napahawak si Jia sa dibdib niya. "Huwag mo akong gawing kontrabida," sabi niya, umiiyak na. "Hindi ko ginusto 'to nang ganito." "Pero tinuloy mo pa rin," sagot ni Chie. "At ako ang naiwan ako para umintindi." Sandaling katahimikan. "Kung dumating ang araw na ayaw mo na," sabi ni Chie, halos pabulong. "Sabihin mo agad huwag mo akong patayin dahan-dahan." Hindi sumagot si Jia. At sa hindi pagsagot na 'yon, mas marami ang nasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD