Dumating si Jia sa campus na parang hindi sinasadya ang gulo pero sa bawat hakbang niya may naaapakang damdamin.
Hindi alam ng karamihan na ang babaeng 'yon may fiancée na. Mas lalong hindi nila alam na ang lalaking 'yon si—Chie nakamasid lang mula sa malayo pinipiling manatiling anino sa buhay ng sariling kasintahan.
Sa unang araw pa lang napansin na siya ng barkada ni Vhenno.
"Bagong mukha?" tanong ni Vhenno, nakasandal sa upuan hawak ang ballpen na kanina pa hindi sumusulat.
Hindi sumagot si Jia agad nang marinig niya 'yon ngumiti lang siya—isang ngiting hindi nangangako.
Si Kecha ang unang lumapit natural ang pagiging palakaibigan. Kasunod si Jong tahimik pero mapagmasid para sa kanila si Jia simpleng kaibigan lang kilala nila ito mula nakatira sila sa China.
Pero para kay Vhenno may kung anong gumalaw sa loob ng katawan niya.
Hindi niya alam kung bakit mas matagal ang titig niya dito kaysa kay Thea. Hindi rin niya alam kung bakit tila may pader sa paligid ng dalaga isang distansyang hindi maabot.
Sa gilid ng campus pinapanood sila ni Chie.
Hindi siya nagselos noong una. Alam niya ang usapan nila ni Jia—experience, space, freedom.
Pero iba pala kapag nakikita mo nang personal.
Iba pala kapag may lalaking nakangiti sa babaeng minahal mo nang tahimik at sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang babaeng lumapit kay Chie si Thea ang girlfriend ni Vhenno nagka-kilala na sila unang beses nag-transfer sila sa university.
Magaan ang usapan nila na parang sobrang close sila kahit hindi.
Hindi niya alam na ang lalaking kausap niya fiancé ng babaeng unti-unting pumapasok sa buhay ni Vhenno.
At si Jia? Nararamdaman niya 'yon.
Ang biglang lamig ni Chie sa kanya hindi niya mapaliwanag.
Ang hindi maipaliwanag na sakit sa dibdib sa tuwing may kausap na iba si Chie. Hindi planado ni Jia na maging sentro ng atensyon pero sa bawat araw na lumilipas, mas lumalalim ang mundong siya mismo ang lumikha.
Sa loob ng classroom, tahimik siyang nakaupo. Nakikinig at nagsusulat sa professor nila.
Sa labas naman, ramdam niya ang mga matang sumusunod lalo na ang kay Vhenno.
Hindi siya manhid alam niyang may nararamdaman ang lalaki.
At sa isang parte ng puso niya, gusto niya 'yon.
"Okay ka lang?" tanong ni Vhenno minsang magkasabay silang lumabas ng room.
Tumango si Jia. "Yeah, adjusting lang."
Adjusting sa kasinungalingan at sa setup nilang dalawa ni Chie at sa pagiging fiancée na nagpapanggap na single.
Sa malayo, natanaw ni Chie ang eksenang 'yon. Hindi niya kailangan ng paliwanag. Kita niya ang paraan ng pag-titig ni Vhenno—pamilyar. Masyadong pamilyar para sa kanya.
Lumapit si Thea sa kanya bitbit ang dalawang bottled coffee.
"Here," sabi nito. "Mukha kang pagod."
Ngumiti si Chie. "Thanks."
Hindi alam ni Jia na sa tuwing lumalapit siya kay Vhenno mas napapalapit naman si Chie kay Thea at habang lumalalim ang connection nila
unti-unting lumalayo ang relasyon nasa komplikadong sitwasyon.
Isang gabi tinanong ni Jia si Kecha ng maiwan sila magkasama.
"Sa tingin mo...mali ba ang ginagawa ko?"
Tahimik si Kecha napa-titig siya sa kaibigan alam niya ang totoo.
"Minsan," sagot niya, "hindi mali ang gusto mo mali lang ang paraan."
Hindi sumagot si Jia dahil alam niyang kahit anong sabihin tuloy na ang gusto niyang mangyari.
Hindi na kayang manahimik ni Chie sa relasyon nilang dalawa ni Jia.
Hindi dahil galit siya kundi dahil pagod na siyang magpanggap.
Sa cafeteria, magkakasama ang barkada may tawanan, asaran normal sa paningin ng iba pero sa ilalim ng mesa, nanginginig ang kamay ni Jia habang hawak ang phone niya.
Nararamdaman niya ang titig ni Chie.
Hindi galit.
Hindi selos.
Mas masakit—disappointment.
"Jia," biglang tawag ni Chie ng kalmadong ang boses.
Masyadong kalma. "Pwede ba kitang makausap?"
Tumigil ang usapan nagka-tinginan sina Kecha at Jong.
Tumayo si Jia. "Sandali lang."
Naglakad silang dalawa palabas tahimik ang hallway. Bawat hakbang nilang dalawa parang countdown.
"Hanggang kailan?" tanong ni Chie ng diretso sa fiancee niya—kay Jia. "Hanggang kailan mo balak itago 'to?"
Napapikit si Jia. "Chie... hindi ganun kadali—"
"Hindi ba?" Unang beses tumaas ang boses niya. "Kasi sa akin, simple lang, hon engaged tayo pero may boyfriend ka."
Tumulo ang luha ni Jia. "Alam mo naman kung bakit ko 'to ginawa."
"Oo," sagot ni Chie. "Gusto mong makaranas at pumayag ako pero hindi ko inakalang ako ang mabilis susuko."
Tumahimik si Jia.
Sa di kalayuan nakita ni Thea ang eksena. Hindi niya narinig ang salita pero kita niya ang emosyon at doon niya naramdaman—may mali.
Habang sila'y nag-uusap biglang dumating si Vhenno.
"Uy, okay lang ba—"
"Stop," putol ni Chie humarap siya bigla kay Vhenno. "Alam mo bang fiancée ko 'yan?"
Nanlaki ang mata ni Vhenno.
"What?"
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong pagkatao ni Vhenno.
"Fiancée?" ulit niya, nakatingin kay Jia. "Ano 'to, joke?"
Hindi makasagot si Jia.
"Answer me!" sigaw ni Vhenno. "Niloloko mo ba ako?"
Tahimik sapat na ang katahimikang 'yon.
"Putang—" napa-atras siya. "Ginawa mo akong tanga."
Lumayo si Vhenno sa dalawa at palipat-lipat ang tingin niya.
Basag ang ego niya at basag ang tiwala.
At sa likod ng lahat si Thea ay unti-unting nauunawaan na hindi siya basta third wheel.
Isa rin siyang biktima ng kanilang relasyon.
Hindi umalis si Jia matapos ang komprontasyon.
Hindi rin siya hinabol ni Vhenno at si Chie, nanatiling nakatayo sa hallway parang hindi sigurado kung sino ang dapat niyang piliing protektahan—ang relasyon o ang sarili.
Kinabukasan, bumalik silang lahat sa klase.
Normal sa paningin ng iba pero sa pagitan ng mga titig may mga salitang hindi kanilang sabihin.
Umupo si Jia sa tabi ni Vhenno gaya ng nakasanayan.
Hindi sila nag-usap man lang ang lamig ng kanilang paligid parang nasa lugar sila ng nag-yeyelong lugar.
Sa kabilang row, nandoon si Chie at tahimik rin diretso ang tingin sa harap pero ramdam ni Jia mas ramdam niya kaysa dati ang distansya meron sa kanilang dalawa.
Sa lunch break, lumapit si Vhenno.
"Hindi pa ako galit sa'yo," mababa ang boses niya. "Pero hindi rin ako okay."
Tumango si Jia. "I know."
"May sasabihin ka pa ba?" tanong niya pilit pinipigilan ang emosyon na gustong lumabas ngayon sa kanya.
Gusto niyang magsinungaling.
Gusto niyang linisin ang sarili niya.
Pero pagod na siya.
"Hindi ko pa kayang sabihin lahat," sagot niya. "Pero hindi kita niloloko dahil gusto kitang saktan."
Napangiti si Vhenno ng mapait.
"Hindi 'yon ang nararamdaman ko."
Hindi sila nag-hiwalay pero may pader nang tumayo sa pagitan nila ngayon.
Sa kabilang banda nilapitan ni Thea si Chie sa library.
"Hindi mo ako kailangang iwasan," sabi niya.
"Hindi rin kita sisisihin."
Umiling si Chie. "Hindi ko alam kung paano maging normal ngayon."
"Then don't," sagot ni Thea. "Magulo rin ako."
At sa katahimikan ng pagitan nila may nabubuong koneksyon hindi romantic na katulad ng dalawa nilang mahal, kundi pagkakaunawa ng dalawang taong nadamay sa isang kasinungalingan.
Hindi pa sila sumusuko pero unti-unti na silang napapagod.
Tahimik ang coffee shop malapit sa campus nang maupo sina Jia at Chie sa magka-tapat na mesa. Walang hawak na libro, walang phone.
Desisyon nilang mag-usap hindi nila ito maitatago.
"Sabihin mo sa akin," basag ni Chie ang katahimikan mababa pero diretso ang boses, "kung hanggang saan lang ba ang kaya kong intindihin sa relasyon na meron tayo."
Huminga nang malalim si Jia pinipisil ang strap ng bag niya.
"Hindi ko sinasabing mali ka," sagot niya. "Pero sana maintindihan mo rin na hindi ko pa kilala ang sarili ko nang pumasok tayo sa engagement na 'yon."
"Then why did you say yes?" tanong ni Chie, hindi siya galit, kundi sugatan ang puso niya.
"Why did you let me believe na pareho tayong handa?"
Napayuko si Jia. "Because mahal kita at hanggang ngayon, mahal kita."
Napatawa si Chie pero walang saya.
"Hindi sapat ang mahal, Jia hindi kung may iba kang hinahanap."
Tahimik silang dalawa sa kabilang mesa, pumasok si Vhenno hindi planado, pero hindi rin maiiwasan dahil nasa iisang university sila nag-aaral.
"Okay lang ba kung umupo ako?" tanong niya halatang alanganin.
Walang sumagot.
Umupo pa rin siya.
"Hindi ko alam kung anong role ko dito," simula ni Vhenno, diretsong nakatingin kay Jia.
"Pero gusto kong malinaw hindi kita hinabol para maging kapalit."
Lumunok si Jia.
"Hindi rin kita ginamit," sagot niya. "Pero hindi ko rin sinabi ang buong katotohanan."
Tumango si Vhenno.
"That's the problem lahat tayo may kulang na sinabi."
Tumingin si Chie kay Vhenno.
"Hindi kita sinisisi," sabi niya. "Pero hindi rin kita mapapahalagahan ngayon."
"Fair," sagot ni Vhenno. "Pero hindi rin ako aalis."
Walang hiwalayan.
Walang desisyon.
Pero may tatlong pusong pagod nang magpanggap.
Gabi na nang maglakad si Jia pauwi kasama si Vhenno. Tahimik ang street, tanging ilaw ng poste ang sumasabay sa bawat hakbang nila. Kanina pa siya gustong magsalita, pero nauuna palagi ang kaba.
"Jia," basag ni Vhenno ang katahimikan hindi nakatingin sa kanya, "kanina pa ako may gustong itanong."
Huminto si Jia. "Kung galit ka—"
"Hindi," putol niya agad. "Pagod ako, 'yon ang sigurado."
Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy.
"Kung may fiancé ka na pala, bakit mo pa ako hinayaan na lumapit nang ganito?"
Napayuko si Jia.
"Hindi kita hinayaan para saktan," sagot niya nang mahina. "Hinayaan kita kasi...natakot akong harapin kung sino talaga ako."
Napailing si Vhenno.
"Hindi patas 'yon," sabi niya. "Pero hindi rin ako magpapanggap na wala akong nararamdaman."
Tumingin siya kay Jia nang direkta.
"Hindi ako aalis," dugtong niya. "Pero hindi rin ako magiging bulag."
Tumango si Jia kay Vhenno may bumubuong luha sa mata niya.
"Hindi rin kita hinihila palayo," sagot niya. "Pero sana...huwag mo akong iwan habang hindi ko pa alam kung paano aayusin 'to."
Sa kabilang dulo ng campus, mag-isang naglalakad si Chie. Tinawagan siya ng kapatid niyang si Chielle, pero hindi niya sinagot. Huminto siya sa bench, napaupo, at sa unang pagkakataon hinayaan niyang bumagsak ang balikat niya.
"Engaged," bulong niya sa sarili. "Pero parang ako 'yong third party."
Kinabukasan, nagkita sina Chie at Jia sa library. Walang emosyon sa kanila at walang yakap isang mesa lang na puno ng distansya.
"Hindi kita iiwan," sabi ni Jia agad, parang natatakot na maunahan.
"Hindi pa."
Tumingin si Chie sa kanya pagod ang mga mata niya.
"Hindi rin kita itinataboy," sagot niya. "Pero huwag mong asahang pareho pa rin ang lahat."
Lumunok si Jia. "Wala na ba tuluyan na bang nasira?"
Tahimik si Chie bago sumagot.
"Hindi ko alam," amin niya. "Pero hanggang hindi ka umaalis sa relasyon na meron tayo mananatili rin ako."
Hindi sila nag-hiwalay pero hindi na rin sila buo.
Gabi na sa campus, kalahati ng ilaw patay na, kalahati bukas pa parang relasyon nilang tatlo.
Magkakasama sila sa parking area sina Jia, Chie, at Vhenno walang gustong maunang umalis at walang gustong maunang bumitaw.
"Hindi ko kayo pinag-sabay para magkasakitan," sabi ni Jia basag ang boses pero pilit matatag.
"Pinagsabay ko kayo kasi natakot akong mamili."
Tumingin si Chie sa kanya nang diretso, walang galit pero punong-puno ng tanong.
"Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon pakinggan?" tanong niya. "Na hindi mo kami pinili pareho pero pareho kaming pinanatili?"
Sumingit si Vhenno, hindi na mapigilan.
"Hindi rin kita hihilahin palayo sa kanya," sabi niya kay Jia. "Pero huwag mo rin akong gawing pahinga lang kapag nalilito ka."
Napapikit si Jia.
"Hindi kayo pahinga," mariin niyang sagot.
"Pareho kayong mahalaga."
Tumawa si Chie nang maikli, mapait.
"See? 'Yan mismo ang problema sa'yo."
Tumahimik silang tatlo.
Sa huli, si Chie ang nagsalita.
"Hindi ako aalis," sabi niya. "Pero simula ngayon, hindi ko na ipagkakaila na nasasaktan ako."
Tumango si Vhenno.
"Hindi rin ako lalayo," dugtong niya. "Pero hindi na rin ako mananahimik."
Naiwang mag-isa si Jia sa gitna habang sila'y sabay na umalis sa magkaibang direksyon.
At doon nagtapos ang araw na tuluyang binago ang balanse ng lahat walang hiwalayan, walang pagpili, pero wala na ring pagbabalik sa dati.
Mag-isa si Jia sa classroom. Bukas ang bintana, pumapasok ang hangin, pero mabigat pa rin ang dibdib niya. Paulit-ulit niyang binabalikan ang mga salitang sinabi ni Chie sa parking lot.
"Hindi ko kayo pinili pareho...pareho kaming pinanatili."
Napaupo siya sa upuan ni Chie hindi niya namamalayan. Doon siya madalas umupo kapag sabay silang pumapasok.
Bumukas ang pinto.
"Akala ko may klase pa," sabi ni Chie, napahinto nang makita siya.
"Umalis na sila," sagot ni Jia. "Ikaw?"
"May hinahanap lang," sagot niya, pero hindi na umalis.
Tumahimik sila.
"Galit ka ba?" tanong ni Jia.
Hindi agad sumagot si Chie umupo siya sa harap, hindi sa tabi ng fiancee niya.
"Hindi ako galit," sagot niya. "Mas delikado 'yon."
"Kung hindi ka galit...ano?" giit ni Jia.
"Nasasaktan," diretsong sagot ni Chie. "At ang mas masakit alam kong ginusto kong masaktan para sa'yo."
Napaluha si Jia.
"Hindi kita ginagawang option," sabi niya. "Hindi kita tinitimbang laban sa kanya."
"Pero may tinatago ka," sagot ni Chie. "At araw-araw, ako ang tumitimbang."
Hindi naman nakasagot si Jia sa sinabi ni Chie sa kanya.
"I can wait," dugtong ni Chie, mas mababa ang boses. "Pero huwag mo akong gawing tahimik habang nag-hihintay."
Tumango si Jia at naluluha siya alam niyang may mali.
"Hindi na," pangako niya. "Hindi na ako tatahimik."
Basketball Court, Dusk
Mag-isa si Vhenno at paulit-ulit ang tira sa ring.
Palpak lahat.
Dumating si Jong, tahimik lang munang nanood.
"Hindi ka okay," sabi nito kalaunan.
Napangiti si Vhenno nang pilit lumingon siya ng marinig ang boses ni Jong.
"Obvious ba?"
"Sa tagal na kitang kilala?" sagot ni Jong. "Oo."
Umupo si Vhenno sa gilid hawak ang bola.
"Alam mo 'yong pakiramdam na hindi ka ipinagtabuyan pero hindi ka rin pinili?"
Tumango si Jong. "Oo."
"Ganun ako ngayon," sabi ni Vhenno. "At ang masama alam kong kasalanan ko ring pumasok."
"Lalayo ka ba?" tanong ni Jong.
Umiling si Vhenno.
"Hindi pa, hindi ko kaya pero natatakot akong kapag tumagal...wala nang matira sa akin."
Sa malayo, tanaw ni Vhenno si Jia na palabas ng building—kasama si Chie.
Hindi selos ang naramdaman niya.
Kundi takot.