Chapter 2: Hidden Engagement Revealed

1354 Words
Late afternoon, Ang campus puno ng ingay hindi ingay ng estudyante, kundi ingay ng mga sikreto at nasa gitna nito ang isang engagement na hindi dapat malaman ng iba. Tahimik na naglalakad si Chie sa garden path sa likod ng university gym. Sanay siyang mag-isa, pero hindi ngayon. Kasunod niya si Jia, ang babaeng ilang taon nang may hawak sa puso niya. Pero walang ibang dapat makaalam. Sa ilalim ng malaking puno ng acacia, tumigil si Jia at humarap sa kanya halatang kinakabahan. "Chie...hanggang kailan natin itatago 'to?" Napatingin ang binata sa paligid, siniguro munang walang tao maliban sa tatlong tao lamang na dapat nakakaalam—Jong, Kecha, at Jeree. "Until we're ready, Jia," sagot ni Chie, mababa ang boses. "Ayokong ma-pressure ka at ayokong isipin ng pamilya mo na minadali kita." Pero hindi 'yon ang totoong dahilan kung bakit hindi mapakali si Jia. Hindi tungkol sa pressure. Hindi tungkol sa timing. Kundi tungkol sa kagustuhan niyang maranasan ang isang bagay na hindi dapat—ang makasama ang ibang lalaki kahit engaged na siya. "Chie..." she whispered, pero hindi niya maituloy. Hinawakan ng binata ang mukha niya nang marahan, at puno ng tiwala na hindi niya deserve. "Tell me what's bothering you." Pero bago pa siya makapagsalita nakita nila si Jeree na papalapit. "HOY," malamig na sigaw ni Jeree. "Sabihin n'yo sa akin kailan n'yo balak sabihin sa pamilya?" Napa-atras si Jia habang si Chie nanatiling kalmado. "Jeree, please," pakiusap ni Jia. "No." Umiling si Jeree. "Hindi ako tutol sa engagement dahil hindi kita mahal, ate, I'm worried because..." tumingin siya kay Chie. "Hindi ko alam kung kaya mong protektahan ang kapatid ko." Tahimik si Chie, pero ramdam ni Jia ang tensyon. Before Chie could respond, narinig nila ang malalakas na yabag mula sa dulo ng garden. Sina Jong at Kecha arrived—ang tanging taong pinagkaka-tiwalaan nila. "Tahimik lang ah," bulong ni Kecha. "Baka may nakakita sa inyo." "Wala," sagot ni Chie. "Sigurado ako." Pero hindi siya sigurado lang sa isang bagay— Kung kaya niyang protektahan ang engagement nila...lalo na kung si Jia mismo ang hindi sigurado. Nang malingat siya nakita niya ang isang lalaki sa malayo—nakatingin sa kanila, hindi makapaniwala. Vhenno Hernan. At alam ni Chie. He saw everything. Nag-tagpo ang mga mata nila, at sa unang pagkakataon may sumiklab sa dibdib ni Chie na hindi niya inaamin—selos. "Chie..." bulong ni Jia. Pero hindi kumibo ang binata. Ang sikreto nila? Hindi na gano'n ka-lihim. University Garden – Back Path Ang araw unti-unting lumulubog nagbibigay ng malambot na kulay sa bawat dahon ng acacia tree na nagsisilbing silungan nina Chie at Jia. Tahimik ang paligid malayo sa ingay ng klase at students. Dito lagi tumatakas ang dalawa na para bang ang mundo nila eksklusibong para lang sa kanila. Pero ang mundong 'yon itinago nila sa mata ng kahit sino. Habang naglalakad sila pababa ng garden path, napansin ni Chie na paulit-ulit na sumusulyap si Jia sa paligid. Kapag ganito si Jia, may iniiwasan...o may gusto sanang sabihin pero natatakot. "Hey," bulong ni Chie, mahinahong hinawakan ang kamay niya sa gilid. "You're shaking again, what's wrong?" Hindi kaagad sumagot si Jia tumingin muna siya sa mga dahong nalalaglag mula sa puno, parang doon niya gustong itago ang guilt na bumibigat sa dibdib niya. "Chie...hanggang kailan natin itatago ang engagement?" tanong niya halos pabulong. "Hindi ka ba napapagod?" Napangiti naman si Chie, pero malungkot ang mata. "You know I'll wait for you as long as I need to," sagot niya. "Ayokong pilitin ka." Pero alam ni Chie iba ang nilalaman ng tanong ni Jia. Hindi ito tungkol sa announcement. Hindi ito tungkol sa takot sa pamilya. Hindi ito tungkol sa timing. It was about her desire. Her curiosity to experience another man. A desire she tried so hard to hide from him. Lumapit si Jia sabay yakap nang mahigpit. "Chie...I'm scared." "Of what?" "Of hurting you." Hindi alam ni Chie kung bakit biglang sumikip ang dibdib niya. Pero bago pa niya mapiga ang sagot mula kay Jia may humakbang mula sa likod nila. Jeree—her brother. "Told you," malamig nitong sabi. "May tinatago kayo." Napa-atras si Jia parang batang nahuling nagkasala. "Jer—" "No." Nilapitan sila ni Jeree mabigat ang hakbang. "Akala ko harmless lang 'yang pagiging close n'yo, I didn't expect this." Tumingin si Jeree kay Chie. "Are you serious about my sister?" Hindi tumiklop ang tingin ni Chie. "Yes." "And you think this is the right time?" "Maybe not," sagot ni Chie, "But the feeling is." Nag-ikot ng mata si Jeree parang naiirita pero hindi makapag-walk out, dahil alam niyang tama ang sincerity ni Chie. Still, he wasn't convinced. "But if you hurt her..." banta niyang sabay tingin kay Jia, "...I'll take her away from you." Before the confrontation grew worse may dumating. A pair walking slowly across the path. Jong Yu and Kecha mag-kahawak ang kamay at tahimik lang. Si Kecha unang nakakita sa tatlo. "Oh my God," bulong niya kay Jong, "Nag-uusap na naman sila baka may nakakita sa inyo!" Lumapit agad si Jong, halatang kinakabahan. "Chie, bro, may nakita ba—?" Pero hindi na natuloy ang tanong niya. Because all four of them noticed someone else. Sa dulo ng pathway, nakatayo nakatingin... halos hindi makapaniwala. Vhenno at Thea. Nakatingin diretso kay Jia at Chie parang sinapok ng katotohanan. Nakatayo siya roon hawak kamay ni Thea, pero ang mata nakapako sa isang babae. Jia. At sa paraan ng pagtingin niya sa kanila, malinaw. He saw it. He understood it. He wanted her. At noon pa lang, ramdam na ni Chie ang panganib. Literal na sumikdo ang panga niya hindi dahil sa takot kundi sa selos na hindi niya alam meron pala siya. "Chie..." bulong ni Jia, at kinakabahan. Pero hindi siya tumugon hindi dahil galit siya kay Jia kundi dahil ngayon niya naramdaman ang takot na baka hindi sapat ang pagmamahal niya para pigilan ang paglayo nito at doon nagsimula ang pag-guho. Hindi pa man lumalabas ang balita, pero unti-unti nang nasisira ang lihim na engagement nila— not because someone revealed it... ...Kundi dahil may ibang lalaking nagsimulang tumingin kay Jia na parang kayang tumbasan ang lahat ng ibinibigay ni Chie. At 'yon ang kinatatakutan niya. Hindi kaagad umalis si Vhenno at 'yon ang mas lalong nagpalala sa kaba ni Jia. Tahimik siyang nakatayo sa di-kalayuan parang may sinusukat—hindi ang sitwasyon, kundi ang babae sa harap niya. Hindi niya kailangang magsalita ramdam 'yon ni Jia sa bigat ng tingin nito. "Let's go," mahinang sabi ni Chie, hinawakan ang pulso ni Jia. Hindi niya gustong tumagal pa sila roon. Pero hindi agad gumalaw si Jia. Para siyang natigilan hindi dahil gusto niyang manatili, kundi dahil may kung anong takot at kakaibang curiosity na sabay na umusbong sa dibdib niya. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya, pero hindi rin niya ito kayang itaboy. Napansin 'yon ni Kecha. "Jia," bulong niya, lumapit. "Uy, okay ka lang?" Tumango si Jia, pilit. "Oo...oo naman." Pero alam ni Kecha—hindi. Si Jeree, mula sa likuran mariing tinignan si Chie. "Kung ayaw mo pang masaktan kapatid ko," malamig niyang sabi, "Siguraduhin mong wala kang binubuksan na pintong hindi mo kayang isara." Hindi sumagot si Chie. Hindi dahil wala siyang sagot kundi dahil ngayon lang niya napagtanto na hindi lang siya ang may kontrol sa relasyong ito. Habang papalayo sila hindi maiwasang lumingon si Jia at nakita niya si Vhenno—nakatingin pa rin. Hindi mapangahas. Hindi bastos. Pero mapanganib at doon nagsimulang mabuo ang isang tanong sa isip niya. Paano kung iba ang pakiramdam kapag hindi ako fiancee? Nang gabing iyon, mag-isa si Jia sa kwarto. Nakatingin sa engagement ring na matagal na niyang itinatago sa maliit na kahon. Mahal niya si Chie. Sigurado siya roon. Pero bakit parang may kulang? At sa kabilang banda ng campus, nakaupo si Chie sa sasakyan niya nang tahimik. Hawak ang manibela, pero ang isip ay nasa isang bagay lang—Ang paraan ng pagtingin ni Jia sa ibang lalaki. At sa unang pagkakataon, natakot siya. Hindi sa mawala si Jia. Kundi sa katotohanang baka si Jia mismo ang lalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD