Chapter 7: Rivalry Begins Softly

2335 Words
Hindi inaasahan ni Jia na sa isang ordinaryong hapon mararamdaman niya ang biglang pag-init ng hangin sa pagitan nila isang tensyon na walang salita pero malinaw sa mga mata. Nakatayo si Thea sa kabilang gilid ng hallway kausap si Vhenno at sa isang iglap nagtagpo ang tingin nila ni Jia walang ngiti, walang pag-iwas parang parehong nagkakalkula ng hindi pa sinisimulang laban. Tahimik lang si Jia pero humigpit ang kapit niya sa bag ramdam ang kakaibang kiliti ng selos at pagtataka. "Matagal mo na ba siyang kilala?" tanong niya kay Vhenno kunwaring casual pero may diin ang bawat pantig. "Hindi, pero parang...matagal na." sagot ni Vhenno saglit na tumingin kay Thea bago bumalik ang mata kay Jia. Sa malayo pinapanood ni Chie ang eksenang 'yon ang mga tingin at ang pagitan ng katahimikan doon siya unang kinabahan. Hindi dahil may ginagawa silang mali kundi dahil alam niyang kapag ang tensyon nagsimula nang ganito katahimik mas masakit ang magiging ingay kapag tuluyan na itong sumabog. Mas tumagal ang katahimikan kaysa sa inaasahan ni Jia at doon niya lalong naramdaman na hindi ordinaryo ang titig ni Thea hindi ito bastos hindi rin lantad pero may laman na parang sinusukat siya mula ulo hanggang paa. Hindi umiwas si Jia. Sa halip, bahagya niyang itinuwid ang likod niya isang tahimik na pahiwatig na hindi siya basta-basta uurungan. "Friend mo ba siya?" tanong ni Jia kay Chie nang makalapit ito mababa ang boses pero may bigat parang ayaw marinig ng ibang tao pero gustong siguraduhin na maramdaman. Napahinto si Chie bago sumagot. "Kaibigan... kakilala," sabi niya pero kahit siya mismo alam niyang kulang ang salitang 'yon. Sa gilid narinig ni Thea ang bahagyang pagtaas ng boses ni Jia at ngumiti siya hindi dahil masaya kundi dahil tama ang hinala niya—may something na hindi sinasabi. Lumapit si Vhenno kay Jia parang gustong tabunan ang tensyon pero lalo lang itong nag-iba. "Relax ka lang," bulong ni Vhenno pero hindi na 'yon ang naririnig ni Jia ang naririnig niya ang sariling t***k ng puso niya at ang malinaw na pakiramdam na may paparating na problema hindi pa ngayon, pero papalapit na. Mas lalong naging malinaw kay Jia na hindi simpleng presensya lang si Thea dahil sa bawat pagkakataong kumikilos ito parang kusang sinusundan ng atensyon ng paligid lalo na ni Vhenno. Hindi niya mapigilan ang sarili niyang magsalita kahit alam niyang baka ito na ang simula ng mas malaking gulo. "Hindi ba parang...masyado kang komportable?" diretsong tanong ni Jia kay Vhenno may pilit na kalma pero nanginginig ang dulo ng boses niya. Nagulat si Vhenno at napangiti nang alanganin. "Ano'ng ibig mong sabihin?" sagot niya pero iwas ang tingin halatang may naiintindihan. Sa tabi nila tahimik lang si Chie pero ramdam niya ang bigat ng hangin parang anumang maling salita puwedeng sumabog. Lumapit si Thea hindi para makialam kundi para iparamdam na naroon siya. "Okay lang ba kayo?" tanong ni Thea banayad ang tono pero may kislap sa mata na hindi nakaligtas kay Jia. "Okay kami," sagot ni Jia ng diretso ang tingin hindi umatras at sa sandaling 'yon alam ni Chie na nagsisimula na ang isang tensyon na hindi na kayang ibalik sa dati. Hindi na napigilan ni Jia ang pag-usbong ng inis sa dibdib niya habang pinagmamasdan kung paanong tila natural nang napapagitna si Thea sa grupo parang matagal na itong bahagi ng mundo na dati'y malinaw na kanya. Lumapit siya kay Chie mas malapit kaysa dati at doon niya binitiwan ang tanong na matagal nang nakatengga sa dulo ng dila niya. "Hindi ka ba naiilang?" tanong niya mababa ang boses pero may diin, "Parang masyado na siyang...komportable." Napabuntong-hininga si Chie pilit na pinananatiling kalmado ang mukha. "Wala naman siyang ginagawa," sagot niya pero sa loob niya alam niyang hindi 'yon sapat na paliwanag. Narinig 'yon ni Chielle mula sa gilid at napailing ramdam ang paparating na problema. Sa kabilang banda, ngumiti lang si Thea hindi ngiting panalo kundi ngiting may alam at sinadyang manatili sa loob ng eksenang alam niyang ikinaiinis ni Jia. "Kung may problema," sabi ni Thea tila inosenteng tumingin. "Pwede namang pag-usapan." Ngumiti si Jia pabalik pero malamig. "Oo," sagot niya, diretso ang tingin, "Darating din tayo diyan." At sa sandaling 'yon, alam ni Chie na ang pagiging tahimik ng tensyon unti-unti nang nawawala at papalitan na ito ng mga salitang mas mahirap ng bawiin. Mas lalo pang naging mabigat ang pakiramdam ni Jia nang mapansin niyang hindi na lang basta tinginan ang nangyayari may mga sandaling nagkakasabay ang tawa nina Thea at Vhenno at sa bawat ganung eksena parang may unti-unting nabubura sa loob niya. Lumapit siya kay Chie hindi para magreklamo kundi para siguraduhin ang isang bagay na biglang naging malabo. "Chie, nandito ka pa ba?" tawag niya mabagal pero mariin. Napalingon si Chie nagulat sa tanong. "Anong ibig mong sabihin?" Huminga nang malalim si Jia bago sumagot. "Parang ang daming nangyayari na hindi ko na naiintindihan." Hindi agad nakasagot si Chie sa halip tumingin siya kay Thea, kay Vhenno, at saka bumalik kay Jia. "Walang nagbabago," sabi niya pero kahit siya mismo narinig ang kakulangan sa tono niya. "Ganun ba talaga?" tanong ni Jia hindi siya galit pero mas masakit dahil puno ng duda ang feelings niya. Sa gilid napansin ni Thea ang eksenang 'yon at bahagyang umatras hindi para umiwas, kundi para iparamdam na kahit wala siya sa gitna ramdam pa rin ang presensya niya at doon unang naisip ni Jia na ang problemw na ito hindi bubuga, pero mag-iiwan ng peklat. Hindi na kinaya ni Jia ang pananahimik lalo na nang mapansin niyang mas madalas nang mapalingon si Vhenno kay Thea kaysa sa kanya at sa bawat sandaling 'yon parang may unti-unting kinukuhang space sa pagitan nila ni Chie. Lumapit siya kay Vhenno hindi para magselos nang lantaran kundi para subukang ipaalala ang lugar niya sa buhay nito. "Okay ka lang ba?" tanong niya pilit kinakalmado ang boses kahit ramdam ang panginginig. Napatingin si Vhenno sa kanya bahagyang nagulat. "Oo naman, bakit?" "Parang...ang layo mo lately," dagdag ni Jia mas mabagal na ngayon mas maingat na parang bawat salita sinusukat niya kung masasaktan ba siya o hindi. Bago pa makasagot si Vhenno sumingit ang presensya ni Thea sa gilid tahimik pero malinaw ang ngiti. "Busy lang siguro siya," sabi nito parang walang intensyon pero ramdam ni Jia ang diin. Sa malayo, pinagmamasdan ni Chie ang eksena ang babaeng mahal niya, ang lalaking ginagawang panangga at ang babaeng hindi niya inaasahang magiging dahilan ng kaba sa dibdib niya. Ganito pala ang pakiramdam ng pumayag pero hindi handa—naisip niya, habang unti-unting nauunawaan na ang simpleng pagtatakip nagsisimula nang maging tunay na gulo. Habang naglalakad silang apat sa hallway si Jia ang pinakaunang nakaramdam na parang may hangin na humahaplos sa balat pero malamig hindi dahil sa aircon, kundi dahil sa presensyang unti-unting pumapagitna sa kanya at sa mga taong akala niya ay kontrolado niya. Napansin niyang si Vhenno mas nagiging maingat sa bawat kilos parang hindi na siya makatingin nang diretso at doon mas lalong sumikip ang dibdib niya. "Vhenno," tawag niya, huminto sa gitna ng hallway, "May problema ba?" Napatingin si Vhenno kay Chie bago bumalik ang tingin kay Jia. "Wala, bakit parang kasalanan ko na may iniisip ka?" Hindi napigilan ni Jia ang pagtaas ng kilay. "Hindi kita inaakusahan, nagtatanong lang ako." Sa likod nila, tahimik si Thea pero hindi inosente ang mga mata pinagmamasdan niya si Jia na parang nag-aaral ng galaw ng tono at nang kahinaan. "Minsan," bigla niyang singit kunwaring magaan. "Hindi problema ang dahilan kung bakit may nagbabago minsan... tao." Napahigpit ang hawak ni Chie sa bag niya at sa unang pagkakataon mula nang pumayag siya sa set-up na ito, gusto niyang lapitan si Jia at sabihing hindi na ito ligtas pero nanatili siyang nakatayo piniling maging saksi sa unti-unting simula ng isang rivalry na hindi pa lantad pero ramdam na ramdam ng lahat. Habang papalayo si Jia ramdam niya ang mga matang nakasunod sa kanya hindi lang kay Vhenno, kundi kay Thea rin at 'yon ang mas lalong nagpapainit ng dugo niya kahit pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminto siya sa may hagdan saka biglang humarap kay Thea hindi para makipag-away kundi para subukang panindigan ang katahimikang matagal na niyang bitbit. "Close kayo ni Vhenno," diretsong sabi ni Jia mababa ang boses pero may kakaiba. Ngumiti si Thea hindi palaban at hindi rin umatras. "Magkaibigan...masama ba 'yon?" "Depende," sagot ni Jia bahagyang huminga nang malalim, "Kung alam mo kung hanggang saan ka lang dapat." Sa likuran nila, narinig ni Chie ang bawat salita at sa halip na sumingit nanatili siyang tahimik isang katahimikang puno ng takot na baka kapag nagsalita siya tuluyan nang mabasag ang balanse. "Jia," tawag niya sa wakas, "huwag dito." Napalingon si Jia sa kanya at doon niya nakita ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Chie hindi galit, hindi pagtatanggol, kundi pagkalito at sa sandaling 'yon, mas masakit pa 'yon kaysa sa anumang sagot na maaari nitong ibigay. Habang nakatayo si Jia sa harap ni Thea ramdam niya ang init ng tensyon sa pagitan nila parang hangin na sadyang malamig at mabigat. "Alam mo ba, Thea hindi ko gusto ang palaging nakatingin sa'yo si Vhenno?" bulong ni Jia nanginginig man ang boses, pero malinaw ang inis niya. Ngumiti si Thea pero may bahid ng kalokohan sa mata. "Gusto mo ba akong takutin?" tanong niya may halong hamon. "Hindi," sagot ni Jia tumayo ng mas diretso at mas malapad ang stance. "Gusto ko lang na malaman mo kung hanggang saan ka lang." Sa tabi si Chie hindi nakaalis ng tingin. Alam niyang may peligro sa eksenang ito hindi lang para kay Jia, kundi para sa lahat ng nasa paligid. "Jia... wag mong pilitin ang sarili mo hindi ito makakatulong," sabi niya na mahina pero pilit para huminahon. "Hindi ito tungkol sa akin, Chie," sagot ni Jia hawak pa rin ang bagsak ng kanyang damdamin. "Tungkol sa kanya at sa atin at sa kung paano niya iniistorbo ang tamang daloy ng lahat." Si Thea kahit hindi nagsalita ramdam ni Jia ang tensyon sa pagitan nila. At sa sandaling 'yon, napagtanto niya na hindi lang simpleng selos ito—isang tahimik, masakit na simula ng isang mas komplikadong relasyon. Hindi agad umalis si Jia matapos ang palitan nila ni Thea. Sa halip, tumayo siya roon na parang sinusukat ang bawat kilos nito bawat hinga, bawat tingin na parang may gustong ipahiwatig pero pinipiling itago. "Alam mo," biglang sabi ni Jia mas mababa ang boses pero mas mabigat ang laman, "Hindi ako insecure na tao, pero ayokong ginagawang tanga." Bahagyang tumawa si Thea hindi pasigaw, hindi rin mapanghamon, pero sapat para maramdaman ni Jia ang tusok. "Hindi kita ginagawang tanga," sagot niya dahan-dahan. "Ginagawa mo 'yon sa sarili mo kapag ayaw mong aminin na may problema." Napasinghap si Chie sa gilid hindi na nakatiis. "Thea, tama na," sabi niya nanginginig ang boses. "Hindi mo alam ang buong kwento." "Hindi ko kailangan," sagot ni Thea sabay lingon kay Chie, "Kasi kita ko kung paano kayo tumingin sa isa't isa at kung paano siya tumingin kay Vhenno." Tahimik na napakuyom ang kamao ni Jia at sa unang pagkakataon naramdaman niyang ang problema na ito hindi na tungkol sa selos lang, kundi sa takot na baka unti-unti nang nawawala ang kontrol niya sa sarili niyang mundo. Hindi agad nakaalis si Chie matapos ang sinabi ni Thea nanatili siyang nakatayo roon na parang may bumibigat sa dibdib niya sa bawat segundo ng katahimikan. Lumapit siya kay Jia bahagyang hinawakan ang braso nito hindi para pigilan kundi para iparamdam na naroon pa siya. "Jia, please," mahinang sabi ni Chie, halos pabulong, "Huwag nating palakihin 'to." Pero hindi na nakatingin si Jia kay Chie naka-titig siya kay Thea at sa mga mata niya may halong pagtatanggol at takot na ayaw niyang aminin. "Hindi ko pinalalaki," sagot ni Jia mahaba ang tono ng boses. "Nililinaw ko lang kung saan ka lulugar." Napabuntong-hininga si Thea saka bahagyang tumango. "Fair enough," sabi niya pero may kung anong lamig sa tono. "Pero sana klaro rin sa'yo na hindi lahat ng bagay nadadaan sa pagmamarka ng teritoryo." Parang may kumirot sa loob ni Chie sa salitang iyon, dahil alam niyang kahit hindi direktang sinasabi, siya ang tinatamaan. "Hindi ito laro," bigla niyang singit mas buo na ang boses. "May masasaktan dito at ayokong isa roon ang kahit sino sa atin." Saglit na nagkatinginan sina Jia at Thea walang panalo, walang talo pero sa pagitan nila ramdam ang simula ng isang tahimik na digmaan at si Chie kahit hindi nagsasalita malinaw na nasa gitna ng linya ng putukan. Hindi agad nagsalita si Jia matapos ang palitan nila ni Thea. Sa halip, dahan-dahan niyang inangat ang baba niya parang pinipilit ipaalala sa sarili na hindi siya dapat manghina sa harap ng isang babaeng ayaw niyang kilalanin bilang banta. "Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo nang diretso," malamig na wika ni Jia kahit nanginginig nang bahagya ang mga daliri niyang nakatikom sa gilid ng bag niya. Sumagot si Thea nang hindi nagmamadali, halos kalmado, at doon mas lalo naramdaman ang tensyon. "Wala akong gustong agawin," sabi niya diretso ang tingin, "Pero ayoko ring magkunwari na wala akong nakikitang mali." Napatingin si Chie sa pagitan nila ramdam na ramdam ang bigat ng sitwasyon. "Tama na," singit niya mas mababa ang boses pero may pakiusap. "Hindi ito dapat dito pinag-uusapan." "Hindi mo kailangang mamagitan palagi," biglang balik ni Jia saka siya tumingin kay Chie sa unang pagkakataon at sa mga mata niya may halong tampo at takot na ayaw niyang aminin. "Minsan kailangan kong marinig kung ano talaga ang iniisip ng mga tao sa paligid natin." Huminga nang malalim si Chie parang doon lang niya napagtantong unti-unti nang nadudurog ang kontrol niya. "Jia," mahinang sabi niya, "Hindi lahat ng katotohanan handa ka pang marinig." Tahimik na natawa si Thea hindi dahil masaya siya kundi dahil may kirot. "Exactly," bulong niya, bago tuluyang tumalikod at sa likod ng katahimikan nagsisimula nang gumalaw ang isang selos na hindi na kayang pigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD