Chapter- 2

2208 Words
Nagmamadali nang bumaba si Vince patungo ng basement dahil late na siya sa kaniyang Dinner date. Nasa huling palapag na siya ng bumukas ang elevator ay nabangga siya sa isang babae. Naglalaglagan ang mga dala nitong gamit ngunit wala na siyang oras kaya hindi na niya ito nilingon pa. Kung bakit naman na-timing pa na nasira ang private elevator kaya napilitang makisabay siya sa kanilang mga staff.  Panay naman ang mahinang pagmumura ni Andrea dahil malapit na ang oras ng kaniyang klase.  May exam pa naman siya ngayon at hindi man lang nagawang mag sorry ng lalaking iyon. Hindi din niya nakita ang mukha nito dahil sa bilis maglakad at inisa-isa pang pulutin ang mga libro niya sa sahig.  As usual ang karag karag na kotse ang kaniyang sasakyan. At nagpapasalamat na lang siya dahil nakisimpatya din ito sa kaniya. Sapagkat hindi man lang tumirik sila sa daan.  "Bff bakit ngayon ka lang?  Napanis na ako sa kakahintay sayo dito!" "Sorry, kasi nag overtime ako alam mo naman na malapit na ang final at kailangan ko ng ma-fullpaid ang tuition fee ko." "Sige sabi mo eh,  nga pala nakita mo ba ang my loves ko?" "Hindi eh,  wala kasi akong time kaninang lumabas.  Hayaan mo next time ay sasabihan agad kita pag nakita ko ang lalabs mo." "Basta bantayan mo siya para sa akin bff ha? Sabihin mo agad sa akin pag may babaeng umaaligid sa my loves ko." "Paano kung mayroon na, anong gagawin mo?" "I kill her!" Napatitig siya sa mukha ng kaibigan,  gusto niyang masiguro na nagbibiro lang ito. Ngunit sa itsura nito ay hindi at nakaramdam siya ng kilabot. Kaya nga ba talaga nitong pumatay kung may aagaw dito sa lalaking lihim na minamahal? "Halika na nga at late na tayo sa klase!" Mabilis na siyang tumakbo dahil ang terror pa naman nilang professor ang unang subject nila.  "Andrea Perez and Sheryl Crow! You're late again?" "Sorry po Ma'am," nakatungo siya habang hinihintay ang sasabihin ng kanilang professor.  "Set down Ms. Perez and you Ms. Sheryl, get out! Hindi ko kailangan ang estudyante na kagaya mo!" "Ma'am buwag naman po ninyong palabasin ang kaibigan ko. Ako po ang may kasalanan kung bakit siya na-late." agad na naalarma siya ng marinig ang sinabi ng kanilang profesor. "Shut up!  Ms. Perez! Akala mo ba hindi ko alam na ikaw lagi ang humihingi ng sorry para sa kaibigan mong walang modo?" Wala siyang nagawa kundi maupo na lang,  awang -awa siya sa kaibigan. Ngunit ng maalala na exam nga pala nila ngayon ay bigla siyang tumayo at lumabas.  Palinga-linga siya para hanapin si Sheryl, subalit bigla itong nawala kaya bumalik na lang siya sa sariling upuan. Guilty siya sa nangyari kay Sheryl, bakit naman kasi hinihintay pa siya nito.  "Ms. Perez! Magi-exam ka ba o tutunganga!" "P-pasensya na po Ma'am,  pero sana po bigyan n'yo ng chance si Sheryl. Napakahalaga po ng exam na ito sa kaibigan ko at baka saktan na naman siya ng parents niya kung hindi siya makaka-graduate." Malakas na buntong hininga nito at napapayag din niya ang professor. Nagmamadaling tumakbo patungo sa may playground.  Doon niya nakita na nagtungo ang kaibigan, ngunit biglang nawala. Umikot pa siya sa may bandang likuran at naglalakad patungo sa may gilid ng stage. Nagpasya na bumalik na lang siya dahil wala talaga ang kaibigan nang makarinig ng mga kaluskos. Dahan-dahang lumapit siya sa pinanggagalingan ng mga ingay at natigagal siya sa naabutan.  "Harder Alex, ohh f*ck! You're such a big baby!" "Basta ‘yung usapan natin b*tch! At gagawin ko ang lahat ng gusto mo." "Yes! I know,  hindi ko nakakalimutan kaya bilisan mo na 'ahh! Deeper and faster baby!" Nagmamadali na siyang tumalikod at hindi niya mapaniwalaan na ang kaibigan niya ay ganoon. Ang akala niya ay mahinhin ito at mataas ang respeto sa sarili. Ngunit sa natuklasan niya ay nag iba ang kaniyang tingin dito. Ang buong akala niya ay mahal talaga nito ang anak ng Chairman nila. "Oh nasaan ang kaibigan mo?" "Sorry Ma'am hindi ko na siya inabutan baka po nakauwi na ng bahay nila." Sinikap na mag focus at kalimutan ang mga nasaksihan niya.  Halos siya na lang ang naiwan sa loob ng classroom,  minsan pang pinasadahan niya ng tingin ang examination papers niya bago dinala sa naghihintay na professor.  Sakay na siya ng karag karag niyang kotse nang marinig na nag ring ang kaniyang mobile phone. Tumabi muna ang kotse niya at sinagot ang unknown caller.  "Ms. Andrea Perez?" "Yes, speaking?" "Secretary ito ng Chairman,  magtungo ka sa address na nasa email mo.  May mahalagang sasabihin sayo si big boss, paki bilisan lang." "Sige po,  salamat." Halos kalahating oras ang lumipas bago niya narating ang lugar. Hinarang siya sa guardhouse at kinuhaan ng id's. Hindi naman nagtagal at pinapasok na siya sa loob. Ngayon lang siya nakapasok sa ganitong lugar at lahat ng sasakyang nakasalubong niya ay mga luxury car. Siguro nagtataka o maaaring natatawa ang mga iyon sa kaniyang sasakyan. Ang kulang na lang ay posporo sa kaniyang pinakamamahal na kotse. Kung hindi nga lang kilala niya ang talyer na taga ayos niya sa tuwing titirik ay baka talagang sa junk shop na ang tuloy nito. Ilang beses pang binasa ang address kung tama ba ang kaniyang hinintuan.  May dalawang gwardya sa magkabilang gilid ng mataas na gate. Napansin rin niya ang kakaibang tingin sa kaniya ng dalawa. Duda yata ang mga ito sa itsura niya lalo na sa bulok niyang kotse. Lumapit pa ang isa sa kaniya at agad naman niyang binuksan ang bintana.  "Ma'am mawalang galang na ho,  bawal mag park dito." "Hindi naman po ako magpa-park diyan po talaga ang tungo ko sa loob." "May id ho kayo?” "Ah yeah, here." Tamang-tama ang nahugot niya ay ang company id niya at ibinigay dito. Medyo naglakad  pa ng malayo ito sa kaniya habang nag-radyo. Ilang minuto din siyang pinaghintay nang biglang bumukas ang malaking gate.  "Ma'am pasok na ho kayo." "Thanks." Parang gusto niyang mag u-turn pagka kita sa napakagandang lugar at sa di kalayuan ay nakatayo ang higanteng bahay. Ngunit utos ng Chairman kaya siya naririto at nagpatuloy na sa pagmamaneho. May dalawang guard ulit siyang naabutan na nakatayo sa gilid ng malaking pintuan. Inihinto niya ang kotse sa gilid at nagmamadaling bumaba.  Dudukutin na sana niya ang kaniyang id ngunit binuksan na ng mga ito ang pinto.  Halos maluha siya sa ganda ng loob,  pakiramdam niya ay nasa ibang dimension siya.  Sa fairy tale lang niya nakikita ang mga ganito.  "Ms. Andrea, follow me."  Hindi niya ito kilala ngunit tahimik siyang sumunod dito. Inihatid siya nito sa malaking living room at iniwan din agad.  Palinga-linga siya sa paligid dahil wala man lang tao doon. Nang madako ang mga mata sa naglalakihang paintings sa magkabilang side. Na engganyo siyang puntahan iyon para tingnan isa-isa at nakakamangha ang mga larawan para sa mga greek god at goddess ang lahat ng iyon.  "Eherm," isang napakagandang babae ang nasa likuran niya at lalo pa yata itong gumanda dahil sa malapad na ngiti nito sa kaniya.  "Iha come with me,"  tahimik siyang sumunod dito at kahit sa paglalakad ay napaka elegante nito. May kalayuan din ang kanilang nilakad bago sila pumasok sa isang malaking pintuan. Parang tumigil ang pag ikot ng mundo sa kaniya ng sabay-sabay na lumingon ang mga mukha ng mga taong naroroon.  Ang napakahabang dining table ay halos kumpleto ang mga taong nakaupo doon. Gusto niyang umatras dahil pakiramdam niya ay nasa ibang mundo na talaga siya. Baka hindi na siya makalabas sa lugar na iyon at paano na ang kaniyang kapatid. Isang boses lalaki ang nag pabalik ng kaniyang realidad,  binalingan niya ang Chairman na katabi na ito ng magandang babaeng sumundo sa kaniya.  "Iha, join us sigurado hindi ka pa nagdi-dinner 'kumusta ang exam mo?" "A-ayos naman po Chairman." Grabe ang kaniyang kaba lalo na nang mag tama sila ng mata ng lalaking ito na nasa malapit sa dulo ng lamesa. Hindi siya maaaring magkamali ito ang kaniyang tinulungan noon. Ngunit bakit tila galit ito, ang matatalim nitong tingin ay lalong nagpakaba sa kaniya.  "Sit here iha, let's eat." Halos hindi niya magawang hawakan ang kutsara at tinidor.  Baka mag talsikan ang pagkain dahil sa panginginig ng kaniyang mga kamay.  "Are you okay iha? May dinaramdam ka ba?" "W-wala naman po Chairman, medyo pagod lang po." "Kumain kang mabuti iha at ng makainom ka kaagad ng gamot." "May boyfriend ka na ate ganda?" Napabaling siya sa kabilang side at hindi agad nakasagot. Isang napaka gandang dalaga ang nagtanong sa kaniya.  "Ahm, nag aaral pa kasi ako..." "So 'meaning wala kang jowa?" "Victoria! Kailan ka pa natuto ng salitang kalye?" "Ang sungit mo Kuya, kaya hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend! Salitang kalye ba ang jowa? Palibhasa wala kang alam sa pag ibig dahil napaka old fashion mo!" "Maria! Enough! Nasa harap tayo ng pagkain!" "Yes po sorry, sorry ate ganda." Nginitian na lang niya ito dahil wala naman siyang alam na isagot dito. Ngunit nakagat niya ang sariling labi ng makitang masama ang tingin sa kaniya ng binata.  "Nasaan pala si Vency? Ilang weeks ko na yatang hindi nakikita ang lalaking yon?" "Tatawagan ko na lang  siya Dad at pauuwiin this weekend." "Thanks 'Nhads." Napaisip si Andrea kung bakit ibang name ang tawag dito ng Chairman. Mali ba siya ng iniisip? Hindi ba ito ang lalaking kaniyang tinulungan? Pero ang mukha nito ay hindi niya makakalimutan,  sigurado siyang ito ang lalaking 'yon.  Natapos ang dinner at hindi niya napansin na iilan na lang sila na naroon at nagulat pa siya ng may ilagay na gamot sa kaniyang harapan.  "Drink it iha, and Maria samahan mo si Andrea, sa guest room." "Yes po Dad,  halika na ate ganda at ihahatid na kita." "Ahm, C-chairman ang sabi po ng secretary n'yo ay kakausapin daw ninyo ako?" "Yes iha, but not now,  kailangan mong magpahinga muna." Hinila na siya ng dalaga kaya nagpatianod na lang siya dito.  "Here ate ganda, dito ka muna para maka pahinga ka." "Ahm,  Ma'am huwag mo akong tawagin ng ganyan dahil sa iyo lang bagay ang codename na yan." "Hey! Don't call me Ma'am hindi pa ako matanda 'gaya ni Mommy." "S-sorry," "Ganito na lang,  tawagin mo ako sa Mavic at tatawagin kita ng ate Andrea." "S-sige Mavic," bahagya niya itong nginitian.  "Ate Andrea maiwan muna kita,  sleep well at babalikan kita after one hour, okay?" "Sige salamat Mavic." "You're welcome, Ate Andrea." Nang sumara ang pintuan ay naglakad siya patungo sa may balkonahe. Hinawi niya ang makapal na kurtina at tumambad sa paningin ang napakagandang tanawin. Punong puno ng naggagandahang mga bulaklak at mga imported na orchids ang paligid. Hindi pa nakuntento ay lumabas pa siya ng veranda at sumandal sa wall at pumikit para namnamin ang sarap ng pakiramdam. Halos sampung minuto siya sa ganoong ayos nang biglang napadilat. At pag lingon niya ay mukha ng seryosong lalaki ang nakatingin sa kaniya. Nakasandal ito sa barandilya habang may hawak na baso. Mabilis siyang tumalikod at pumasok sa loob, ibig sabihin ay kwarto ng lalaking iyon ang katabi ng guest room? Napaisip siya kung bakit tila galit talaga ito sa kaniya. O baka naman talagang ganon itong tumingin at 'gaya ng sabi ng kapatid nito ay masungit lang talaga ito.  Ginalaw ang sariling ulo at pinilit alisin sa isipan ang tungkol sa lalaking masungit. Naglakad siya palapit sa nakasarang pinto at binuksan iyon. Napa-wow siya sa ganda ng loob, banyo pa lang iyon ngunit napaka laki ng loob at napaka elegante. Naingganyo siyang maligo para makahiga na siya sa malaking kama. Kahit ngayon lang ay maging isang mayaman na sosyal na dalaga siya. Gustong matawa sa mga pumapasok sa isipan, mabilis ang kilos na tumapat sa shower at ginamit niya ang napakabangong shower gel. Tumagal siya ng halos kalahating oras doon bago naisipang lumabas.  "Ay palaka! Bastos! Bakit ka narito?" Hindi malaman kung saan tatakbo at aling parte ng katawan ang tatakpan. Ngayon siya nagsisi kung bakit naisipan maligo ay wala naman siyang ibang damit. At hindi din niya alam kung saan nakalagay ang mga towel or bathrobe. Sa kawalang maisip ay tumakbo pabalik sa loob ng banyo.  Gustong matawa ni Vince sa naging reaksyon ng babae. May naglalaro sa kaniyang isipan at tingnan lang niya kung di pa ito magpasya na umalis.  "Hey! Come out! Pag bilang ko ng tatlo at pag hindi ka lumabas diyan ay papasukin kita!" "one!" "Two!" "Three...!" "Talagang gusto mong pasokin kita?" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang balot na balot na babae. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa tali ng robe na suot.  "Alam mo hindi muna kailangan takpan pa iyan dahil nakita ko nang lahat. Saka hindi naman maganda ang katawan mo kaya kahit ibalandra mo ay..." "Bastos!" Mangiyak ngiyak na hinagilap ang hinubad na damit at bumalik sa loob ng banyo.  Mabilis na nagbihis at tumakbo na palabas ng pinto.  "Ate Andrea?" Ngunit hindi na niya ito nilingon pa, pakiramdam niya ay isa siyang mababang uri ng babae. Nang makalabas ng mansion ay agad na sumakay sa kaniyang karag karag na kotse.  Dasal niya na sana ay umandar agad at nakahinga siya ng tuluyan ng umusad ang sasakyan. Saka lang niya naramdaman ang pagpatak ng luha dahil sa panlalabo ng paningin.  ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD