Chapter 31 [Serenity’s POV] Akala mo kung sinong matino, yun naman pala, kalalaking tao ang landi landi din. Huh! Gusto nya pala yung inaakit talaga sya ng babae at niyayaya agad magpasarap ng katawan. “HOY MULTO! Anong minumukmok mo dyan? Kanina ka pa dyang badtrip eh.” “Anong pakialam mo?! Bwisit ka!” “Wala akong pakialam pero nakakabwisit kasi yang badtrip mong mukha!” Tumayo ako sa may sofa at naglakad papunta sa kwarto ni Casper. Kailangan ko ng good vibes at dahil sya ang good boy, kailangang sa kanya ko malapit. Sa kanya na lang din ako tatabing matulog, at least walang malisya. Kung nabubuhay man ako ngayon at kailangan kong mamili kay Mr.AA at Casper kung kanino ko tatabi, syempre kay Casper na ko. Mas safe syang katabi, hindi katulad ni Mr.AA na nas

