Chapter 26 [Casper’s POV] “Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Nakatingin ako kay Avery kasama ang land lady ng bahay. “Umayos ka nga Casper. Sya ang bagong titira dito sa bahay. Sya ang uukupa nung isa pang kwarto.” Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Bakit naman pinapayagan nitong land lady na isang babae at lalaki ay titira sa isang bahay? “Umayos ka Casper, tandaan mo to hah. Bawal kang pumasok sa kwarto nitong si Avery. Lalaki ka at babae sya. Alam mo na hah, pwedeng may mabuo kaya wag kang magkakamali!” “Wala po sa’king problema yun.” “Mabuti naman kung ganon! Sino nga pala to?” Napatingin ako sa kaliwa ko at si Austin ang nandun. “Ah, kaibigan ko po yan. Hehe.. gumagawa lang po ng assignment.” “Ganun ba? Sige, basta pauwiin mo ng maaga hah?”

