Chapter 27 [Serenity’s POV] Haaay. Ang malas naman oh! Dito kami sa sala matutulog ni Mr.AA. Nawalan kasi sya ng kwarto dahil sa paglipat dito ni Avery. Tsk. Kawawa naman si Mr.AA, pati na din ako. Kababae kong tao sa sala ako matutulog. Naglatag si Mr.AA ng banig tsaka nahiga. Ako na lang ang matutulog dito sa sofa, gentleman naman yan pag inaantok na. “Mr.AA, ok ka lang ba?” Tumingin sya sa’kin ng nakasimangot. Tsk. Madali tong tatanda, pagsimangot lang kasi ang alam eh. “Sa tingin mo ok lang ako? Hindi bagay sa isang kagaya ko na pahigain dito sa sahig. Kasalan tong lahat ni Casper eh!” “Mr.AA, relax. Inhale, exhale!” Tumalikod lang sya sa’kin tsaka natulog. Actually, ang gusto kong itanong eh kung ok lang ba sa kanya na magsama sila ni Avery s

