Chapter 28 [Serenity’s POV] Humarap ako sa kanya at sumagot. “Bakit pa, eh hindi naman ako kailangan dun?” “Alam mo, ang arte mo din noh? Ikaw na nga yang pinapasama, ikaw pa ang may ayaw. Kung ayaw mo, edi wag.” Talaga! Akala mo kung sino ka, eh ubod ka naman ng sungit. Ang talas pa ng dila, akala mo palagi syang tama. Lumabas sya ng pinto at binalik ko ang tingin ko sa TV. Tsk! Ayan, lumilipad na naman ang Team Rocket. Palipadin ko din kaya si Mr.AA, minsan lang? Pwede? “Hindi ka talaga sasama?” Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Mr.AA sa loob pero hindi ko na lang pinahalata. “Di ba nasabi ko na, hindi ako sasama dahil hindi naman ako kailangan dun. Ang kulit mo rin noh?” “Tss, bahala ka nga.” “Talaga! HAH!” Umirap ako ng pagkataas taas sa kan

