Chapter 49 [Serenity’s POV] “Sa wakas, nakauwi rin tayo dito sa apartment na nirerentahan natin.” Masayang wika ni Revina habang nilalapag ang mga gamit nya sa upuan. Nakauwi na kami ngayon sa maynila pero hindi namin kasamang umuwi ang dalawa kong kapatid. Ang sabi nila’y duon muna daw sila para maalagaan si mama’t papa. Samantalang kami, medyo nag-gagahol na sa oras dahil baka mawalan na ng bisa ang white berry nina Casper at Avery. Kailangan na naming mahanap ang manliligaw ko dati. “Serenity, ano bang pangalan ng manliligaw mo dati?” tanong ni Casper. Bigla akong napangiti nung naalala ko yung manliligaw kong yun. Medyo luko luko kasi at kung ano ano ang naiisip at ginagawa. Yung tipong nagpapatawa para mapansin ko sya pero kahit kelan, hindi ko in-appreciate ang mg

