Chapter 47 [Revina’s POV] Kainis. Nakakainis talaga! Bakit magkatabi sa tricycle si John at Hershey? Babaero talaga yang si John eh. Pero hindi, hindi dapat ganito ang reaksyon ko. Kailangan kong ipakita sa mga kasama ko na wala lang sa’kin kung magkatabi sila. Ano nga ba namang pake ko? Mas madami namang lalaki ang mas gwapo at mayaman kesa dyan kay John. Kung pupulot lang din naman ako ng basura, yung ginto na at mapapakinabangan. Eh si John? Kahit ipagbili ko ang lamang loob nyan, eh walang bibili. Wala kasi syang kwenta. Ang hilig sa babaeng magaganda. Maganda din naman ako ah? Tss. Pero exotic yung ganda ko, hindi lang para sa pang-ordinaryong gwapo. Hindi ako yung bumabagay kay John dahil ako dapat ang binabagayan. Lahat bagay sa’kin maliban sa mga pangit at kabil

