Chapter 46 [Casper’s POV] Ano bang klaseng trip ang naisip nitong mga kasama ko? Outing sa ilog? Tsk. Para namang masyadong delikado dun. Pano kung may mga buwaya dun? Hindi man lang sila nag-isip ng mas maayos na lugar. Pano kung madisgrasya dun si Avery? I mean, kaming lahat? Edi sisihan? “May dala ka bang pamalit Avery?” Biglang tumigil ang mga babae sa paglalakad at sabay sabay na tumingin sa’kin. Teka, anong problema nila? Alam kong gwapo ako pero hindi naman pwedeng pagsabay-sabayin ko sila. Good boy ako no. Sa iisang babae lang tong puso ko. “Wala. Bakit? Di ako magsi-swimming. Asa ka!” Anong asa? Para tinanong ko lang naman kung may dala syang pamalit. Iniisip siguro netong gusto ko syang makitang naka-bikini. Tss, akala naman nya. Pero sige na nga, gusto k

