Chapter 15 [Serenity’s POV] Tinamad na kong sirain ang date nila. Lumabas ako ng sinehan tsaka umalis na sa mall. Ewan ko, pero nalungkot ako bigla ng may babaeng sumandal kay Mr.AA. Hindi ko alam kung naiinggit ba ko o kung ano bang tawag dito sa nararamdaman ko. Basta nalulungkot lang ako. Nakarating ako sa park na pinuntahan namin dati ni Mr.AA. Nakakalungkot naman talaga pag mag-isa ka lang. Parang gusto kong maging tao ulit at mamuhay ng normal. Nakarating ako sa swing kaya umupo ako dito. Medyo inugoy ko ng konti para gumaan ang pakiramdam ko. Kawawa nga lang ang makakakita sa swing na toh, umuugoy kasi ng mag-isa. Pero sa ngayon, wala na muna kong pakialam dun. HAYST! Hindi naman ako ganito ee. Masayahin ako, pero bakit nalulungkot ako? Dahil ba talaga

