Chapter 16 [Serenity’s POV] “Huh! Nag maang maangan ka pa talaga. Anong problema mo at nakasunod ka sa amin ni Lily kahapon?” biglang nagform ang kanyang evil smile. Napanganga ako sa narinig. B-bakit alam nya? “H-hoy! Mr.AA! Hindi ko kayo kahapon sinundan ni Lily! Hindi ko alam na pumunta kayo sa bench! Hindi ko alam kung kumain ba kayo sa food court at mas lalong hindi ko alam na galing kayo sa sinehan.” “Tignan mo, ikaw na mismo ang nagsabi na sinundan mo kami kahapon” Napatakip naman ako ng bibig. Ano ba tong mga lumalabas sa bibig ko? “H-hindi ko kayo sinundan kahapon, ok?” “Pwede ba! Multo ka na kaya wag ka ng in denial dyan!” “Eh hindi naman talaga ee!” Lumapit sya sa’kin at pinitik ang noo ko. “Kahit multo ka na, namumula ka pa rin

