CHAPTER 2: KISS ME

1285 Words
"Nawala ka lang kanina parang aso ka nang nakatulala dyan" Napabalikwas ako nang upo ng magsalita si Leianna. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunchtime na and guess what hindi ako nakapasok buong umaga dahil pinalinis ba naman ako ng buong cr sa college building. Naiinis ako, sobrang inis dahil sobrang yabang niya, akala mo naman kung sinong gwapo eh ang pangit naman. "Dunutin mo pa, sige pa" sarkastikong sambit niya habang nakatingin sa hawak ko kaya napatingin ako dito at nakita kong nalulukot na pala ang sodang hawak ko na nasa karton. "Ano bang problema mo ha" sambit niya habang ngumunguya ng chichirya. "Kasi kanina habang hinahabol kita ay may nabangga akong guro at nagkalat yung mga papel na nasa folders na hawak niya tapos bigla niya kong pinatawag ng office niya at sinabihang bilang parusa daw ay lilinisin ko ang buong cr ng college." mahabang lintanya ko. "Sino bang Professor?" "Prof. Zekie-" naputol ang sasabihin ko nang biglang umingay ang buong cafeteria at nakatingin silang lahat sa pinto kaya napatingin din kami ni leianna doon. Tatlong lalake ang pumasok at masasabi ko ang gwapo nila dahil sa tangkad nilang taglay at ang balat nila na parang hindi nasisikatan ng araw dahil sa tingkad na pagka puti nito. Biglang mas umingay ito ng may pumasok na isa pang lalake, walang iba kundi si Sir Zekeiyl. "Nandyan na sila" "Ang gwa-gwapo nila" "Anakan mo nako hunter" Napatakip na lang ako ng tenga dahil sa ingay ng mga tiliian dito. "Akala mo naman kung sinong mga sikat yan, eh ang papangit naman nila lalo na sa isa diyan" mahina kong bulong. Siniko ako ni Leianna at may tinuturo ito gamit ang kanyang mga mata kaya napatingin ako dito. "Ay tikbalang" Napabalikwas ako ng upo dahil sa gulat. Sino ba naman di magugulat eh ang pinag titilian ng kababaehan ay nandito saming harapan. "Do we like a tikbalang? Over our hot yummy body? Really?" Conyong saad ng lalakeng nakasuot ng white t-shirt na parang kagagaling lang nang hospital. Gwapo rin naman to pero mahangin nga lang. Nag si-upo silang lahat sa bakanteng upuan na nasa tabi namin ni Leianna kaya pareho kaming gulat na gulat. Bale ang pwesto namin ay nasa harapan ko si Leianna at nasa kaliwang gilid naman niya ang mahanging lalake kanina, tapos sa kanan naman niya ay yung lalakeng may hawak na libro na parang nonchalant ang dating. 'Ayos ha ma try nga' Ang katabi ko naman sa kanan ay si sir asungot at sa kaliwa ko naman ay ang lalakeng walang pakialam sa mundo basta makakain lang. "Bakit kayo nandito? Eh ang dami pa namang pwesto ah" asik ko sa kanila. Wala akong pake kahit na professional na ang mga yan. Pareho naman kaming mga tao kaya bakit ako matatakot?tsk pag umbugin ko pa ang mga utak niyan. "Then? What's your pake?" Aba ggo to ha, pigilan niyo ko baka masapak ko to. "Because this area are our favorite" walang emosyong saad ni Sir Asungot. Tumahimik na lang ako dahil ayokong mag sayang ng laway sa mga taong to. "Hi tikbalang girl, I'm Hunter Scott Mendez, you can call me bab-" "Walang nagtatanong" pagputol ko sa sasabihin niya. Inayos kona ang mga gamit ko at tumayo dahil may klase pa kami ni Leianna. "Tara na" saad ko sa kanya at nilapitan siya. Aalis na sana kami nang biglang magsalita yung lalakeng parang hindi nakakain nang isang taon. "You are Xelene Natasha Rivera right?" I nodded as response to him. "Please tell your classmates that I'm 15mins late to your class now." Sambit niya kaya nabigla ako. Professor rin siya dito? "Are you the one of our professor's?" Seryusong saad ko sa kanya. "Yes" tipid niyang saad kaya napatango na lang ako bilang sagot. _______________________________ Nandito na kami ni Leianna sa room namin at usual ang ingay-ingay. Sumunod ako kay Leianna dahil magkatabi daw kami ng upuan. Uupo na sana ako ng biglang may kumuha ng upuan kaya na out of balance ako at natumba. Sh*t sobrang sakit ng balakang ko. Tumayo ako kahit sobrang sakit ng pwëtan ko. Tiningnan ko kung sino ang may gawa non. "Aba hindi ako na inform na may party pala ngayon at nag invite pa kayo ng mga clown. Nays ang galing" saad ko habang pumapalakpak pa. Nakita kong nainis yung babaeng nasa gitna kaya napangisi ako sa kanya. "How dare you slût" inis niyang saad at sasampalin na sana ako ng bigla ko itong hinarangan at binalik sa kanya ang sampal na dapat sakin. "Are you referring to yourself?" walang emosyon kung saad. Lumapit siya sakin at hinawakan ng mariin ang buhok ko. "You're a fighter huh" bigla niya kong sinipa sa paa kaya napaluhod ako sa harapan niya. "Ano bang problema mo, ha?" Saad ko habang hinahawakan ang buhok ko dahil sobrang sakit ng anit ko sh*ts parang matatanggal lahat ng buhok ko. "Ikaw! Ikaw ang problema ko" "Ang ganda naman ng problema mo" asik ko at sinipa siya sa tuhod. Aba gantihan to pre. Nabitawan niya ang pagkakahawak sakin kaya binalik ko rin sa kanya ang ginawa niya. Akmang sasampalin ko siya ng biglang may humigit ng buhok ko. Aba pinagtutulungan ako nang mga to ha. Dali-dali ko siyang kinurot sa kamay kaya napabitaw ito kaya tumayo nako kahit masakit ang buong kaluluwa ko. "I'm not done yet, bitaw!" “Tama na yan Giselle” sigaw ng babaeng umaawat sa kanya. Giselle pala ang pangalan, bagay naman sa kanya dahil mukang mermaid siya na kinulang sa pansin. kaya napalingon ako sa bruha at akmang sasampalin na naman niya ko ng biglang may humawak ng kamay niya. "That's Enough” Tumahimik ang buong paligid dahil sa malamig na boses na nanggaling kay.. “Sir Zekeiyl..” mahinang saad ko habang napayuko. Bakit parang nawawalan ako ng lakas pag kaharap siya. “Two of you, go to my office now.” Dali-dali kong inayos ang nayukot ko na damit at sumunod na kay sir Zekeiyl. Nakasunod sa hulihan ko si Giselle habang matalim na nakatingin sakin. ‘Tusukin kopa mata niyan eh’ Nandito na kami sa harapan ng office ni sir at naunang pumasok si Giselle habang ako ay nandito sa labas dahil di pwedeng pumasok na dalawa. Nakita ko pang tinanggal niya ang ilang butones ng damit niya. Tsk’ ang landi. Habang nag mumuni-muni ako dito ay biglang lumabas si Giselle na parang binagsakan ng langit at lupa dahil sa mukha niyang gulong-gulo. Nilapitan niya ko atsaka binulongan. “From now on you'll be living like hell.” Saad niya sabay ngisi at umalis. 'Anong ibig niyang sabihin' “Come in” dali-dali akong pumasok pero bigla akong napadaing dahil sa hapdi ng ulo ko. Mukang nasugatan ata. Nagulat ako dahil bigla niya kong hinawakan at pinaupo sa kanyang sofa dito sa office. May kinuha siya sa gilid ng table niya. It’s medicine kit. Walang imik niyang nilagyan ng ointment ang ulo ko habang nakatungkod naman ang kamay ko sa mga hita niya kaya nailang ako ng kunti. “That's what you get when you're always in trouble” Malamig niyang saad saka kinuha ang braso kung namumula. Naaamoy ko ang manly scent niya at nakaka-adik itong amuyin argh. Natapos niya nang lagyan ang mga sugat ko kaya napatayo nako. “I’m sorry sir zekieiyl sa nangyari kanina, di ko naman napigilan ang sarili kong gumanti eh dahil pinalaki akong matapang at mag-” naputol ang sasabihin ko nang bigla siya lumapit kaya napaatras ako hanggang sa wala nakong maatrasan. “S-sir a-nong ginagawa niyo” nauutal kong saad pero todo lapit pa rin siya hanggang sa naamoy kona ang hininga niya. ‘sh*t bakit ang bango’ “You’re brave right? Then kiss me”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD