bc

Professor's Obsession

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
powerful
blue collar
drama
campus
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

When the sky meets the sea, how can you love me without her getting worry? You love me right? but why you've changed when she get back? Those memories we shared, they're gonna dissapear now like the wind past by? That's the question i want to ask you, but how can i say that, if i'm seeing you right now happy with someone else? Tell me f*cking PROFESSOR ZEKIEYL XERIOSE LIM!________________This story is all about the professor who accidentally fell inlove with her student, Xelene Natasha Rivera, because of being stubborn in his class. One day Xelene confronted Prof Zekieyl that she already inlove with him but suddenly a beautiful woman appeared in their life. Is she allay or a villain?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: WHO ARE YOU?
"Ash wake up" nagising ako dahil sa mahinang pag yugyug sakin ni Alleia. Aga-aga nambubulabog to, wala ba tong magawa sa buhay niya, nakakainis eh natutulog yung tao. Kahit na gising nako di pa rin ako nag mulat ng mga mata, bahala siya sa buhay niya. "Alam kung gising kana, kaya bumangon kana diyan dahil LATE NA TAYO SA FIRST DAY PA LANG" Mabilis pa sa alas kuwatro na napabangon ako dahil sh*t may klase pala ngayon huhu. Pumasok nako ng cr at naligo dahil 7:35 na at late na late na talaga ako. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis nako ng school uniform, nag lagay ng kaunting pulbos at lip balm. "Tara na" Dali-dali akong lumabas ng bahay kahit na hindi pako nakapag suklay, yan kasi puro w*****d kagabi. Nagpara na si Leia nang jeep at sa kasamaang palad halos lahat ay puno. "Pano na yan Xelene Natasha, nang dahil sa kagandahan ng tulog mo kaya tayo na late." sermon ni leia sakin. Eh hindi ko naman alam na ganon pala kahaba tulog ko eh. "Lakarin na lang natin" saad ko kaya binatukan niya ko. "G*ga ka ba pano natin malalakad yan eh ang layo layo ng Falcona University" saad niya kaya napakamot na lang ko dahil sa pagka b*bo ko. Habang naghihintay kami nang masasakyan ay biglang may huminto na kotse sa harapan namin kaya nagkatinginan kami ni Leia, Wala naman kaming kakilala na mayaman ha. Bukod kasi sa ulila na kami pareho sa pamilya ay wala rin kaming masiyadong kakilala. Bumaba ng sasakyan ang isang lalake na nakasuot rin ng uniform na parehas samin. Nagkatinginan kami at masasabi kung ang gwapo niya dahil sa tangkad niya na parang 5'10 ata ang height, maputi rin siya, at kulay blue ang kanyang mga mata na nagpadagdag ng kagwapuhan niya. "Hi miss mukang wala kayong masasakyan, sumabay na kayo sakin dahil pareho naman tayo ng pinapasukan right?" walang emosyon niyang saad kaya napatango na lang ako. " Hindi kami sasabay sayo dahil di ka namin kilala, baka saan mo pa kami dadalhin eh" supladang saad ni Leia kaya siniko ko ito pero inirapan niya lang ako. Napangisi ang lalake dahil sa sinabi nitong babaetang to. "I don't have any bad intention to both of you. I want to help because it seems like you both are already late" nang dahil sa sinabi niya ay doon ako nabalik sa realidad na late na pala kami. Kaya walang pasabi na pumasok ako ng kanyang kotse at sumunod rin naman si Leia kahit labag sa loob niya itong ginawa. Sa buong byahe namin ay kahit ni isa ay walang sumubok na makipag usap. Ewan ko nga ba ba't parang galit si Leia sa lalaking to eh bago ko lang naman siya nakita. After 1234577889 years.. Nakarating rin kami sa wakas, halos wala nang estudyante ang naglalakad dito dahil nga class hours na ngayon at heto kaming dalawa papasok pa lang. Bumaba nako ng kotse ng lalak- ay wait ano nga ba ang pangalan niya? "Anong pangalan mo?" Saad ko habang sinusuklay ni Leia ang aking buhok dahil nga diba hindi ako nakapagsuklay. " Axel Trance Velasco, and you are?" Saad niya at naglahad ng kamay sa harapan ko. "Ashtrielle Natasha Rivera" saad ko at nakipagkamay sa kanya. Ang lambot ng kanyang kamay na para bang wala itong masyadong ginagawa. Ako na mismo ang nag putol ng aming pakikipagkamayan dahil parang walang balak to eh. Dumapo ang tingin niya kay Leia na kasalukuyan ay inaayos ang kanyang mga gamit. "And you?" Saad niya sabay ngisi. May gusto ba to kay Leia? Imposible naman dahil kakilala lang namin yan, malay mo baka nagpapanggap panggap lang yan maging mabuti eh. "Wala kang pake" saad niya at umalis kaya napa peace sign na lang ako kay axel at nag pasalamat sa kanya. Hinabol ko si Leia dahil nakakalayo na siya sakin. Sa sobrang paghabol ko sa kanya ay may nabangga akong isang guro kaya grabeng kaba ang nararamdaman ko dahil ang lahat na mga folders niyang dala ay nag siliparan. 'Ano ba yan ash first day na first day b*bo lang ang nadala mo' "Pasensya na po prof" saad ko at kinuha lahat ng gamit niya na nagsikalat at pagkatapos kung matipon lahat ay ibinigay ko sa kanya. "Sorry po ulit" saad ko sabay lahad na hindi man lang makatingin. "Show me your face" dahan dahan akong nag angat ng mukha dahil sa malamig niyang saad. Sh*ks mga ante ang gwapo niya para siyang anghel na bumaba ng kalangitan dahil sa kulay abo niyang mga mata, mapupulang labi, makapal na kilay at magandang pangangatawan, halatang nag g-gym ah. "Go to my office now" nabalik ako sa realidad ng magsalita ito. 'Yun lang naman pala akala ko mamat- HA? ANO DAW? OFFICE?' "Sir wala naman akong ginawang masama ah, aksidente lang yung nangy-" naputol ang sasabihin ko dahil tumalikod na ito. Ano ba yan hindi na nga ako nakapasok sa dalawang subject, pinapatawag pa ko sa office. 'Wait, saang office ba yun?' Habang hinahanap ko ang office ng professor na yun ay biglang may humila sakin at ipinasok ako sa isang kwarto na madilim. Sisigaw na sana ko pero bigla niyang tinakpan. "Don't you dare shout woman" Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang gwapong mukha ng professor kanina. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay kinuha na niya ang kanyang kamay na nakatakip saking bibig at kumuha ng alcohol sa kilid. 'wow ha ano akala niya sakin germs?' Nakita kong umupo siya sa sofa dito sa office niya at sinenyasan niya ko na maupo. Nagpalinga linga pako sa office niya at masasabi kong malinis siyang lalake dahil sa maaliwalas niyang silid na parang kahit isang alikabok ay wala kang makita. Nahagip ng mata ko ang pangalan na nakasulat sa babaw ng table niya. 'PROF. ZEKIEYL XERIOSE LIM'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
813.1K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.7K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.5K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook