CHAPTER 3: HUG

1258 Words
Mabilis ko siyang itinulak at umalis sa kanyang office. Dali-dali akong pumunta sa classroom namin dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko. Bakit ganon siya sakin, di kaya'y—no no erace erace di yan kailanman mangyayari. At tngina bakit naaapektuhan ako sa mga kilos niya. Nakita ko si Leianna na naka-upo sa kanyang upuan kaya pumunta ako sa direksyon niya at nagulat pa ito ng makita ako. "Okay kana ba? Masakit ba ang mga sugat mo? I'm sorry di kita natulungan, natatakot kasi ako" malungkot niyang saad sabay yakap sakin ng mahigpit kaya napangiti ako. Kapatid na ang turing ko sa kanya dahil simula pagkabata magkaibigan na kami. "Bakit parang namumula ka? May sakit ka ba?" Naalala ko na naman ang ginawa ni sir zekeiyl kaya napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa kahihiyan. "Wala to. Tara uwi na tayo" wala na kaming klase dahil dalawang subjects na lang kami sa hapon. Habang naghihintay kami ng masasakyan ay may lumapit saming bata na may dala-dalang bulaklak at tsokolate. "Sayo daw po ate" tiningnan ko naman ang bata na may pagtataka. "Ha? Sakin? Baka nagkamali ka lang bata" di naman ako nag order niyan ha ba't sakin pinabibigay, baka mamaya may lason ang mga yan at mamatay ako, edi wala nang maganda sa mundo, hays. Napatingin ako kay leianna at nakita ko ang pag ngisi niya na parang nang-aasar. "Sayo daw ash" tukso niyang saad kaya pinakyuhan ko to at ang gga tumawa lang. Nilingon ko ang bata pero wala na to saking harapan kaya nilingon ko si Leianna at hawak na niya ang bulaklak at tsokolate. "Sayo ata yan nagkamali lang nang pagbigay" saad ko at sumakay na sa jeep na pinarahan ko. Sumunod naman siya habang bitbit ang mga binigay ng bata kanina. "Marami kang eh kwe-kwento sakin mamaya." Sambit niya habang ngumigisi. Nakarating na kami sa apartment na nirerentahan naming dalawa ni Leianna. Kung nagtataka kayo kung bakit nagrerenta lang kami, dahil wala na kaming pamilya, di ko nga alam kung nasan sila. Kung buhay paba sila o patáy na. "Sabihin mo na kasi kung sino yung admirer mo" kanina pa to nangkukulit eh. Di ko nga alam kung sino ang nagbigay niyan. "Di ko nga alam Leianna, isa pang tanong lilipad talaga ang kawali na hawak ko" nangigigil na sambit ko. Nagugutom na nga yung tao nambubwešit pa. "Eh nagtatanong lang naman pero sin-" mabilis pa sa alas-kwatro na napatakbo siya dahil inihagis ko sa kanya ang tabo na hawak ko. Wag na yung kawali mahal pa yun sa buhay niya. Natapos ko nang mailuto yung hapunan namin kaya tinawag kona siya para makakain na kami. Habang kumakain kami ay may inilahad siyang pulang papel habang nakangisi. Aso ba to sa past life? "Love letter galing kay FXZ daw" kinuha ko sa kamay niya yung love letter kuno. 'When I first saw you, you gave me a f*cking butterfly in my stomach, i don't know where it's started but maybe because of your braveness towards me and being a simple woman that every man's want. Can you give me a chance to prove you that i love you, baby? -FXZ Bigla akong namula dahil sa huling sinabi nito. Baby daw, baby amp*ta. Kalma ang self Xelene, lolokohin ka lang niyan. "Parang kamatis ka na sobrang naluto ha" pang aasar niya kaya binatukan ko to. "Nag ka admirer ka lang inaaway mo na-" "Tumahimik ka Leianna, mag half bath kana don at matulog, ang ingay-ingay mo parang nakalunok ka nang speaker sa bungangang mo yan." asik ko sa kanya at tumayo dahil huhugasan ko pa ang pinag kainan namin. Narinig ko pang may binubulong ito kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya napa peace sign siya habang tumatakbo sa taas. Pagkatapos kung hugasin yung pinag kainan namin ay nag half bath na rin ako para makatulog na dahil baka ma la-late na naman kami bukas. Natapos na kong mag half bath at nakita ko na ring tulog na si Leianna at nakanganga pa to habang natutulog, tsk. Hihiga na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko kaya napabangon ako at kinuha ito sa mini table ko. Sasagutin kona sana ng biglang mamatay ang tawag kaya nilagay ko na lang ulit ang phone ko sa table pero biglang may nag text kaya tiningnan ko ito at nahiga habang di maalis ang tingin sa cellphone na hawak ko. “Are you still awake?”basa ko sa text kaya nagtataka akong tumingin sa kisame. Sino na naman to at anong pakialam niya kung gising pa ako o tulog na. “I see, your awake, because i could still see the lights from your room” napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi niya. ‘Wahh multo ba to bakit alam niyang bukas yung ilaw’ re-reply na sana ako pabalik nang biglang mag ring yung phone ko kaya sa sobrang taranta nasagot ko to. “Open your window” sambit niya kaya tumayo ako at binuksan ang bintana. Nakita ko ang nakatalikod na matangkad na lalake habang nakasandal sa isang mamahaling kotse, mukang matutulog na to base sa kanyang suot na terno pajama na kulay itim. Namilog ang mata ko nang bigla itong humarap. Kinusot kopa ang mata ko baka kasi namamalik-mata lang ako dahil sa antok. Pero hindi, si sir Zekieyl talaga paksht anong ginagawa niya dito. Mabilis akong bumaba at dahan-dahang isinirado ang pinto dahil baka magising si Leianna at bigyang malisya na naman ang pag punta dito ni sir Zekieyl. “Sir bakit ka nandito sa dis-oras ng gabi” saad ko habang lumilinga-linga sa paligid dahil baka may makakita samin. “Don’t you miss me? Because I miss you” saad niya at nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. bakit ang landi niya huhu. “S-sir baka nag s-sleep walking ka lang” nauutal kong saad habang inaalis ang mga kamay niya pero ang lakas niya at mas lalo niya pa tong hinigpitan kaya hinayaan kona lang baka kasi may dinadaramdam to. Mahigit dalawam-put minuto na kaming nagyayakapan at parang walang balak to maghiwalay eh. Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napabitaw ito at iritang tumingin sakin na parang kasalanan ko pa kung bakit naudlot ang panglalandi niya. “D*mn, why did you do that” “Aba, ikaw nga to ang dapat sabihan kung bakit ka bigla-biglaang pupunta dito at walang pasabing yayakap.” Saad ko habang namemewang. “You’re become a lion again” saad niya at may kinuha sa likod ng kanyang kotse. Isa itong jacket na panglalake at isinuot niya sakin to kaya tiningnan ko siya ng may pagtataka. “Para san’ to?” Imbes na sagutin ay kinuha niya ang kamay ko at naglakad na habang hindi binibitawan. Nakarating kami dito sa parke na malapit lang sa apartment na tinitirhan ko, umupo ako sa bench na nandito at sumunod naman ito. “Bakit mo to ginagawa?” Seryuso kong saad habang hindi tumitingin sa kanya. “May kailan-” naputol ang sasabihin ko nang bigla niya kong hinila kaya napapitlag ako dahil sa pwesto namin. Ang lapit-lapit ng mukha niya at naamoy kona rin yung mabango niyang hininga. "Don't asking me a question like that, because you don't owe me anything." Seryuso niyang saad kaya napaiwas ako ng tingin at humiwalay sa kanya. "Ang bilis mo naman ma-inlove, eh kanina lang naman tayong nagkakilala" "Do you think I just meet you earlier?" Saad niya kaya napa angat ako ng mukha at tiningnan siya nang may pagtataka. "What do you mean?" "You're so forgetful, honey" huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD