CHAPTER 2 - Finding someone to Love

1105 Words
Dahil parang tingin ko nga may kulang sa buhay ko. Kaya inemail ko yung binigay sa akin ni Ate na email address. May nagbigay lang daw sa kanya, pero dahil tingin niya ay mas bata sa kanya kaya binigay sa 'kin. "Hi" yan lang ang sinend ko sa kanya sa email. "Whoah! How ud got my email?" sagot niya agad. Mukhang hindi siya busy o talaga lang active lagi ang email niya kaya nakita niya agad message ko. " Binigay sa 'kin ni Ate ang email address mo, nag try lang ako kung sasagot ka ;-)" natuwa naman ako at ang bilis niya magrespond. "Yah. Not busy at the moment" ang sosyal niyang sumagot, executive na executive ang dating. "Okay. So, you're real. Glad to be your friend." nagpakasosyal na din ako, baka akalain jologs ako. "Me, too. By the way, what's your age?" curious niyang tanong. "21" gusto ko sanang idugsong na never been kissed, never been touched. Kaso, baka sabihin nagpaparinig ako. Atat lang ang peg magkabf. "Ah, not bad. I'm 22" interesado siya huh. "Sige, next time na lang. May gagawin na ko. Binabaan na ko ng trabaho. Need na tapusin bago umuwi." paalam ko. "Ok. Next time uli, chat tayo pag may time;-)" mukhang positive naman ang response niya. Naulit ang pagchat namin basta hindi busy sa work nakakasagot ako. At minsan naman, it took 2 days bago ko mabuksan ang email pag toxic lalo na pag end of the month dahil sa inventory. At ilang linggo na kaming nagpapalitan ng email nang mag-ask siya ng picture. "Ang tagal na nating nagpapalitan ng message sa email pero hindi pa kita nakikita. Puwede bang pasend naman ng pic?" message ni Alexander, pero mas gusto ko siyang tawaging Xander para mas feeling close. "Ay, teka. Buti na lang may dala ko sa bag na pic. Hindi ako masyado nakapagready." May extra pang film na natitira sa camera kaya napicturan ako ni Ate. At ang napili kong ipadala sa kanya siyempre eh yung tingin kong pinakamaganda kong kuha para maimpress siya. Yung nakasleeveless akong black na may print na maliliit na bulaklak na kulay blue at black na slacks habang nakaupo sa gilid ng kama. Masasabi kong nakatsamba ako sa picturena yun kasi ang puti ko at blooming tingnan. Ganun kasi pag gabi na o baka talagang hindi pa ko stress nun kasi wala pa kong lovelife. Pero ang akala ko na matutuwa siya na ang ganda ng pic. Eh parang naging negative pa para sa kanya. "Ay, ang ganda mo pala at ang puti pa. Nakakahiyang tumabi sa'yo pag magkasama tayo. Baka magmukha akong alalay mo lang." parang disappointed siya sa nakita niyang picture ko. Text na ang gamit namin sa cellphone, nagpalitan na kami ng cellphone number para kahit nasa bahay at hindi online ay puwede kaming makapagmessage sa isa't isa. "Ano ba? Photogenic lang ako. Hindi ako masyadong kagandahan. Konti lang. " depensa ko pa. Nagkamali pa ata ako ng piniling picture. "Dati nung hindi ko pa nakikita picture mo, gusto ko na sanang magkita tayo. Ngayong nakita kita sa picture, parang ayoko na tuloy magpakita sa'yo. Kakahiya lang" sabi pa niya sa text. "Ay, ganun. Itanong mo pa kay Happy Valle, dyan din siya nagwowork sa Isuzu sa pagkakaalam ko. Classmate ko siya ng high school hindi ako ganun kaganda katulad ng nasa pic" parang ako pa ang nagpipilit. "Pasend nga din ng picture mo. " Nacurious din ako sa itsura niya. Pagsend niya ng pic. Sosyal ang pic. Mukhang kuha pa sa isang studio. Parang mga artista sa Sampaguita Pictures pero colored na. Mukhang seryoso siya at matiim kung tumingin. " Oh, okay ka naman pala eh. Kamukha mo si Cezar Montano." yun ang first impression ko. Pero hindi siya naniniwala. "Ang itim ko nga eh. Hindi bagay sa'yo. Para tayong gatas at kape pag nagsama." chat pa niya. Wala na kong masabi kung yun ang tingin niya. Hinusgahan na niya ko agad based on my physical features. Pero dahil nga naging busy na din ako, hindi na nagpatuloy ang communication namin. Siguro, talagang hindi niya ko type kaya hindi na siya nagpursue kaya hinayaan ko na lang. Samantala, nagkaroon ng dagok sa buhay ni Zack, na naawa naman ako. Kasi namatay ang bagong silang niyang anak na tuwang-tuwa pa naman siya sa pag-uwi sa probinsya pero ang aabutan na pala niya ay bangkay na anak niya. Naoverdue daw ang bata sa tyan sa kakahintay sa kanya. Nag-inom pa kasi bago umuwi kahit na pinauwi na namin kaagad. Inuna pang magcelebrate kaya talagang nagwala siya nang maabot ay ang burol ng anak ang sasalubong sa pagdating niya. Usapan pa naman namin, na magiging ninang ako ng anak niya. Pero hindi na mangyayari yun. Masyado niyang dinibdib ang pangyayari at tuluyang nakipaghiwalay sa asawa kahit na nakikiusap ito sa kanya na isama sa trabaho niya sa Laguna para magtry na lang uli pero hindi na niya ito pinakinggan. Minsan isinasama kaming dalawa ni Juana sa bahay ni Sir Dhar. Doon kami minsan nag-oovernight. Hindi ko akalain na may balak pala ang dalawa na manood. At sa lahat naman ng puwedeng panoorin, yun pang maraming XXX, SPG talaga. Shock talaga ko. Nandiri talaga ko pagkasalang na yun agad ang nakita ko. Nakazoom pa ang private part kaya sinabi ko na tutulog na lang ako sabay pikit. Dahil dun lang naman kami tutulog sa sala ng sama-sama na nilagyan ng latag kasama ang pamilya ni Sir Dhar, asawa at dalawang anak na maliliit pa. Buti at tulog na sila. At sabi ni Sir Dhar, hindi naman daw magigising ang mga bata dahil nakamute naman ang palabas. Gusto ko kasi na panoorin yung love story na may pagka erotic lang at hindi ganun na ka-scandalous. Kung meron mang lovemaking yung kuha lang sa malayo at hindi kita ang private part. Mas nakakaarouse pa yung may mahabang foreplay kaysa yung direct to the point, ang gross lang tingnan. Virgin pa kasi ako. Nadedevirginized ang aking mga mata he he. Tinuruan na din ako ng manager namin na uminom. Fundador pa yung ipinatikim sa 'kin. Ang pait nung una, pero nang magustuhan ko naman ay nakarami pa ko. Sa workstation lang yun, gabi na kasi. Pinag-graveyard kami. Habang nag-eencode kami nag-iinom para daw hindi antukin. Pinatulong kasi kami sa bagong warehouse sa Cavite to set-up at para daw hindi kami antukin kaya nag-offer si Sir John ng hard drink. Hindi kaya mas antukin ako at baka sa kalasingan eh mali pa ang maencode ko nyan. Napakasupportive talaga ng boss ko. Enjoy ko daw ang pagiging single ko, alam kasi niya na strict ang tatay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD