CHAPTER 3 - Confuse

4279 Words
Naawa ako kay Zack, na para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Kaya sinasama namin siya sa tuwing may gimik ang grupo. Minsang nagkayayaan na pumunta sa Cowboy Grill, bar yun na may live band kasama si Sir Dhar. Isang malaking bilog kaming lahat, kasama ang lahat kaya puno ang L300 na service van. Nag-iinom kami habang nakikinig ng band, sa Maynila kami nun dumayo from Laguna sagot kasi ni Sir Dhar ang lakad na yun kaya masaya at nagkasama-sama ang lahat. Nagulat na lang ako, na nakitabi siya sa akin sa table sa kaliwa ko. Nasa bandang kanan mo si Juana. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, habang nakayuko siya sa lamesa. "Mahal kita, Joni." Nagulat talaga ko kaya kinabig ko ang kamay ko sa kanya. Nakita naman yun ni Juana, kaya inihiwalay agad ako sa kanya. "Zack, lasing ka na. Tama na yan. Uwi na tayo." Naalarma si Juana sa sinabi ni Zack. Kaya sinabi njya kay Sir Dhar na umuwi na. Nalaman ni Sir Dhar kaya sa kanya na ako pinasabay sa kotse niya at hindi na sa L300 dahil lasing na daw si Zack. Habang nakasakay ako sa kotse ni Sir Dhar. Narinig ko pa nung napatapat ang L-300 na service sa kotse ni Sir Dhar na inilabas ni Zack ang ulo niya sa bintana ng sasakyan at nagsisigaw siya. " I looooovvveee youuuuu, Joni... Mahal na mahal kitaaaaa" paulit ulit yun hanggang sa hindi ko na marinig kasi pinaharurot na ni Sir ang kotse para makalayo. Kinilabutan ako sa nangyari. Hiyang hiya ako sa nangyayari. Hindi ako natutuwa sa narinig ko, totoo man ang rebelasyong iyon dahil may asawa na siya at kasal pa. Kinabukasan ay iniwasan ko na siya at hindi ko kinakausap. Para kay Juana, tama lang na ganun ang gawin ko. Pero si Sir Dhar na parang naaawa kay Zack ay kinokonsensya ako at nagrequest na kausapin ko daw si Zack dahil hindi daw nakatulog at hindi din nagawang makakain. "Joni, baka naman gusto mong kausapin yung isa." saad ni Sir Dhar "Sir, bakit pa?" reklamo ko. "Para kumain na siya. Kawawa naman eh, hindi na nga nakatulog magdamag. Ayaw pang kumain kasi hindi mo nga daw pinapansin." sadyanh pusong mamon etong si Sir Dhar kaya naging effective ang pagdadrama netong isa. "Ayoko. Alam nating mali. Bakit kukunsintihin nyo pa." hindi ko talaga siya balak kausapin. "Eh di pansinin mo man lang. Bilang kasamahan, kaibigan." kinukulit talaga ako ni Sir. Hindi ko na alam kung ano pa ang idadahilan ko. "Sir, busy ako. Maraming binaba sa kin yung client na need ipeprepare tapos dami ko pa for updating, katapusan pa naman ngayon malapit na inventory" palusot ko na lang kahit alam ko naman na updated ako pag nanghingi ng inventory ang client. "Mamaya, kausapin mo pagkatapos mo dyan" bilin ni Sir bago ako iniwan at pumasok na sa warehouse. Pagtingin ko kay Juana, iiling-iling siya na nakikinig pala sa usapan namin. Rinig niya ang huling sinabi ni Sir kahit ang puwesto niya ay may kalayuan. Nang wala na kong magawa sa table ko. Parang wala na kong choice kundi puntahan ang pasaway na yun. "Ayaw kumain kuno, o wala lang talagang pangkain?" pagpaparinig ni Juana ng dumaan ako sa table niya paglabas. "Grabe ka naman. Hindi ba puedeng papansin lang ang peg. Kailangan ng kalinga ng isang ina ha ha ha." dinadaan ko lang sa tawa pero kinakabahan din akong lumapit para makipag-usap. "Hoy, balita ko ayaw mong kumain. Bakit ka nag-iinarte? Ano'ng problema mo?" banat ko agad nang makita ko sa quarters nila. Pagdating ko eh naglabasan ang mga marites na hindi ko alam kung nakikisimpatiya o nakikiusyoso lang. "Ikaw, ikaw ang problema ko." hindi siya natingin sa akin. Nakayuko siya na nakatalungko sa bench sa sulok. Nanatili lang akong nakatayo na nakatingin pero sapat ang distansya na magkakarinigan kami. Ayoko pa ding lapitan siya. "Ang arte mo huh. Pati ako dinadamay mo sa problema mo. Alam mo ba yang sinasabi mo? Zack, ipapaintindi ko sa'yo.. kung sana binata ka na naghahayag sa akjn ng nararamdaman mo.. hindi masama.. hindi ko naman tinitingnan ang financially status sa buhay ng isang tao. Pero for God's sake, kasal ka. Magkakakilala na tayo nung binata ka pero bakit ngayon pa? " para akong nagsesermon sa isang bata. "Dati pa naman akong may gusto sa'yo. Ako ang nagsabi kay Juana na tawagan ko nung makita ko sa file ng applicants yung resume mo. Dun pa lang sa picture, naattract na ko sa'yo. At habang nakikilala kita, lumalim yung nararamdaman ko. " paliwanag niya. Parang sinsero naman siya sa pagsasabi pero hindi pa din ako makapaniwala. "Pano ko maniniwala? Kung may gusto ka sa 'kin, bakit ka nagpakasal sa iba? "hindi ko maintindihan. Lalo akong naguluhan. Nakasabunot na din siya sa ulo niya habang nakayuko sa table. Gusto kong maawa, pero parang mas naiinis ako sa sitwasyon. "Kasi akala ko, walang pag-asa. Walang chance na magustuhan mo din ako. Kasi nga ang layo ng pagitan natin. Edukada ka, ako hindi. Wala akong sinabi kung ikukumpara sa iba, ni wala nga akong matirhan dito kaya nagtitiis lang na makitulog sa sasakyan ni Uncle sa garahe at kapos pa sa pangkain." naghihimutok ba to sa buhay. Lumong lumo talaga ang ayos ni Zack. "Sige, kumain ka na. Kalimutan na natin yan. " para matapos na ang usapan na ito. "Paano ko makakalimutan kung andito ka na, nakatatak sa puso ko? " pahabol pa niya. "Naku! Gutom lang yan. Sige na, pasok na ko sa opisina. Umayos ka. Para hindi ako napapagalitan ni Sir Dhar." huling litanya ko sa kanya. Si Sir Dhar ang tingin kong may kasalanan neto eh. Kasi bago nangyari to, natatandaan ko na may pinag-usapan kami na tinanong niya sa 'kin. Nag-eencode ako nang lumapit si Sir, at nakiupo sa tabi ko. "Joni, may itatanong ako sa'yo?" banat niya sa 'kin. Hindi busy sa warehouse kaya siguro nangungulit. "Ano yun, Sir? tanong ko kahit sa screen ng monitor ako nakatingin. "Kung tatanungin kita kung sino ang type mo sa mga warehouseman?" tanong ni Sir Dhar "Huh? Wala." nagulat ako sa tanong na yun. "Kahit konti lang?" pangungulit pa niya. "Sir, ano bang klaseng tanong yan? Eh wala namang matino sa mga pagpipilian. Yung iba, may asawa na." reklamo ko sa kanya. Parang tingin ko non-sense ang usapan, mukha talagang wala siyang magawa. "Kunwari mga binata lahat." ayaw talaga niya kong tantanan. Para tigilan na ko ni Sir Dhar, napaisip tuloy ako. Kung sino ba sa sampung warehouseman ang medyo may dating sa 'kin. "Siguro, si Zack. Ayoko kasi ng mataba na malaki ang tyan at pandak. Pero may asawa na siya, kaya ekis na siya sa 'kin" yun na lang ang sinabi ko. At pagkabanggit ko nga ng isang pangalan. Nagmamadaling umalis na si Sir Dhar. Tingin ko kaya nagkakaganyan si Zack, baka ipinaalam ni Sir Dhar kaya nagkalakas-loob na magkaroon ng ganung rebelasyon. Hindi naman sa mataas ang tingin ko sa sarili ko. Pero alam ko sa sarili ko na matino ako. Tapos, lalo pang naging komplikado ang sitwasyon dahil may nagbabalik. After 2 years, nagulat na lang ako sa bumungad sa gate ng aming bahay ng gabing iyon. Si Henry, nakawhite shirt na plain na fit sa muscle at faded jeans na fitted din. Maganda pa din ang built ng katawan niya pero mukhang nataas na ang hair line kaya laging pinaninipisan lang ang buhok. Yung skinhead na gupit para hindi halata. Pinapasok ko lang siya ng gate at nag-usap kami sa may terrace. Nahiya nga ako kasi nakadaster lang ako na sleevelesa na kulay pula na bahagya ng umabot sa tuhod at may bulaklaking design. Sana hindi ako mukhang losyang sa ayos ko. Pero sabi naman ni ate, bagay sa 'kin ang damit na yun kasi maputi ako. Kaya hindi na din ako nagpalit. "Uy, naligaw ka?" bungad ko sa kanya nang makita ko. Nagulat talaga ko sa presensya niya. Wala namang halos nagbago sa itsura niya. "Mangangamusta lang" nahihiya niyang sabi. "Ang tagal mong mangamusta huh, after 2 years.. naalala mo pa ko" pagbibiro ko pa, para maalis ang pagiging alangan namin. "Si Val, kamusta?" tanong ko "Wala na kong balita sa kanya. Nagresigned na din naman ako nung umalis ka." kuwento niya. Nagulat ako na hindi ko alam na ganun pala ang nangyari. "Bakit naman? Bakit ka nagresign?" nacurious kong tanong. Wala naman kasi siyang planong ganun nung magkakasama pa kami. "Nung umalis ka kasi, masyado akong nalungkot." sabi niya. "Naks naman! Parang totoo ah. Pero natawa ako ah, benta sa akin yang joke mong yan." sabay tapik ko pa sa balikat niya. Natawa talaga ko. Siyempre, I took it as a joke. May girlfriend siya, remind ko lang sa sarili ko para hindi ako kiligin. Nakaupo siya sa upuan na nakasandal sa poste samantalang ako naman ay nakasandal lang sa lamesa na parang half lang ang pagkakaupo. Kaya parang nakatingala siya sa akin. Noon ko lang napansin ang puwesto namin nang lumabas si Mama, para sindihan ang ilaw at bakit daw nag-uusap kami sa dilim, sita pa niya sa amin sa nakitang pagkakalapit namin dahil magkatapat lang kami na parang isang dangkal lang ang pagitan namin at parang bulungan pa ang aming pag-uusap. "Actually, plano ko na naman talaga na ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Napaaga lang kasi hindi ko na nagawang tapusin ang kontrata. " pagpapatuloy na sabi niya nang umalis na si Mama. Lumabas lang talaga siya para buksan ang ilaw sa puwesto namin. "Tapos ngayon?" pinatutuloy ko ang kuwento kung anong nangyari sa kanya. "Graduate na ko ng Management. Kaya lumuwas na ko dito, kagagaling ko lang sa Cagayan. Kaya ngayon lang ako nakabisita." pagbabalita niya. "Wow! Congrats! Good for you. Galing naman." natutuwa naman ako na naisakatuparan niya ang plano niya sa buhay. Alam ko gusto din niyang magpolice kaya need niya lang magtraining. Any 4 year course graduate kasi puede ng magpulis. Mag-undergone lang ng training sa kampo. "Ikaw, saan ka ngayon? Dun ka pa rin ba sa Fritz na nilipatan mo nung umalis ka sa Interphil? tanong niya. "Oo, dun pa din ako. Enjoy naman. Permanent naman ako dun. At okay naman ang pasahod kaya walang akong makitang dahilan para umalis."sagot ko naman sa kanya. "Di ba hinulaan kita dati, patingin nga ng kamay mo." Binigay ko ang kaliwang kamay pero kanang kamay ko ang kinuha niya. Na parang may tinitingnan siya. Dahil imbes na patihaya at suriin ang guhit ng palad ko. Eh pataob ang kamay at ang nakasuot kong singsing sa daliri ang sinusuri. "Sinong may bigay nito?" tanong niya habang hinihimas niya ang palasinsingan kong may singsing. "Nanay ko may bigay nyan nung debut ko, may Neth na nakasulat di ba ang ganda, pinapersonalized pa yan ng nanay ko. Ako lang ang binigyan nyan, walang ganyan si Ate. " proud ko pang sabi. Napansin ko na ang tagal na niyang hawak ang kamay ko at hindi naman niya binabasa ang nakaguhit sa palad ko. "Chinecheck ko lang, mamaya late na pala ang dating ko eh." hindi ko alam kung bulong lang ba niya yun sinabi pero narinig ko. "Akin na nga ang kamay ko, hindi mo naman ako hinuhulaan eh. Panay lang ang himas mo dyan, mamaya magalit yang girlfriend mo. Napapatagal ang hawak mo eh, sabi mo titingnan mo lang" sabay bawi ko ng kamay. Iba na kasi ang nararamdaman ko sa pagkakahawak, parang may pagpisil. Sabi niya titingnan lang eh hinimas-himas na. Akala ko naman eh huhulaan ako. Dapat guhit ng palad ang titingnan at hindi yung singsing. "Wala na kami. Nung pag-uwi ko, lagi na kaming nag-aaway. Kaya mutual decision ang paghihiwalay namin. " Explain niya. "Bakit wala ka dating suot na ganyan nung magkasama tayo sa Interphil?" ang kulit niya huh, ayaw pa atang maniwala. Napunta uli sa singsing ang usapan. Pero naobserve niya pa yun ah. "Bawal kasi sa Interphil di ba ang may suot na accessories, kaya iniiwan ko na sa bahay at hindi ko na isinusuot at baka mawala pa." pagpapaliwanag ko. "Ah ganun ba. Nililinaw ko lang, mamaya late na pala ko ng dating eh." bulong niya "Huh?" may naulinigan ako pero hindi malinaw. "Ang sabi ko, baka puedeng ipasok mo ko dyan sa trabaho mo. Sana hindi pa ko na-late ng dating." seryoso siya sa tanong na yun. "Seryoso ka? Warehouseman ang hiring. Sayang naman, hindi na bagay sa'yo kasi College Graduate ka na." sansala ko sa nais niyang mangyari, baka nabibigla lang siya. "Okay lang yun. Mahirap makakuha ng trabaho ngayon. Puede na yun, habang wala pang iba. " napahinuhod na din ako. "Sige, sabihin ko sa boss ko. Text na lang kita. Anong number mo?" nagpalitan na rin lang kami ng cellphone number at nagpaalam na din siya. Dahil alas nuebe na ng gabi. Nakalimutan ko pa lang alukin ng kahit anong maiinom man lang. Pagpasok ko sa bahay ay itinanong agad ni Papa kung sino yun at anong sadya sa akin. Nung sinabi ko na kasamahan ko dati sa Interphil at nagpapasok sa akin ng trabaho sa Fritz. "Ang tagal na nun ah." Hindi rin siya kumbinsido kung talagang iyon ang sadya ng taong yun sa biglaang pagdalaw. Hindi naman ako nahirapan na kumbinsihin ang Manager namin na tanggapin dahil ang taas ng nakuha niya sa exam. Isa lang ang mali. 49 out of 50. Dinaig pa nga ako eh. Kasi 47 ang nakuha kong score nung nag-exam ako nun dito sa abstract. At malaki din ang katawan at matangkad pa kaya pasok talaga siya, over qualified pa nga para sa isang warehouseman. "Hindi kaya binigyan mo ng leakage yun?" sita pa ni Sir John nang makalabas na si Henry at tapos na niyang interviewhin. "Hindi po. Sadyang matalino lang po yun. Tingnan nyo, ang lapad ng noo. Dinaig pa ko." Talagang magtataka naman ang lahat ng makakakita. Kahit ako ay nagulat, na isa lang ang minali niya sa abstract. Samantalang ako dati, ay tatlo ang mali ko. Kaya hindi nakakahiyang irekomenda, nakakaproud pa nga. "Baka boyfriend mo yun ha, Joni. Sabihin mo na, para alam ko. Ayoko ng itinatago pa sa akin. " nanunudyong biro pa ni Sir John. "Ay, hindi po. Kasamahan ko lang po talaga dati sa Interphil." sabi ko kay Sir John na nililingon ko lang. Kasi ang cubicle niya ay nasa bandang likuran ko. Open kasi yung cubicle niya sa entrance kaya rinig niya pag nag-usap kami. "Nanliligaw?" susog pa na tanong ni Sir. "Hindi rin po, Sir." sagot ko. "O balak pa lang manligaw? " ngingiti-ngiti na si Sir. "Ewan ko po. Malay ko." naaasar na ko sa mga tanong ni Sir. Ang hirap kasi sagutin ang tanong. Bakit hindi kaya si Henry ang tanungin niya, baka siya pa ang mas nakakaalam sa sagot sa tanong na yun. Marites din si Sir John kung minsan eh, kalalaking tao. Tumayo na ko para harapin si Sir. Ang kulit eh. "Ok, sige. Sabihin mo puwede na siyang magstart. Ikaw na din ang magpakilala sa kanya sa warehouse. Tutal naman, close naman kayo." tudyo pa ni Sir na nakangisi. "Sir, ayaw nyo talaga kpng tantanan. " sabay nagmartsa na ko palabas para puntahan si Henry na naghihintay sa may labas ng opisina malapit sa puwesto ng guard. At ang siste, kung ano yung akala ng manager. Yun din ang hinala ng mga warehouseman. Pinakilala ko naman na kasamahan ko siya dati at tinulungan ko lang na maipasok sa trabaho. At nung maglunchbreak, pinuntahan niya ko sa table ko sabay kami kumain ng lunch sa canteen. Kitang-kita ko si Zack na nakapila na oorder ng pagkain pero nakalingon sa amin ni Henry, malungkot na malungkot ang mukha na parang namatayan. Naawa naman ako kaya kinausap ko si Henry. "Henry, hindi na puwede sa susunod na sabay tayo maglunch." natigil siya sa pagsubo. "Bakit naman?" sabi niya. "Kasi iba na ang sitwasyon natin nung nasa Interphil at ngayon na nasa Fritz. Meron din akong mga kasamahan sa office na dapat kong sabayan. Saka para hindi lang ako ang kaibigan mo, try mong makisalamuha sa kanila." sabi ko na lang. Hindi ko masabing, may tao kasi na nakikita kong nasasaktan pag nakita kami na magkasama. Kaya kinabukasan, hindi na nga niya ko sinundo sa opisina para isabay. Nakita kong nagbaon na lang siya at sumabay sa mga warehouseman na kumain sa quarters nila. Pero tinitingnan ko pa din siya at kinakamusta kung okay siya every now and then. At nakikita ko naman na mahusay siyang makisama sa lahat. Minsan nga niyaya niya kong lumabas sa una niyang suweldo, treat daw niya. Pinagbigyan ko naman. Dun na lang kami nagkita sa kanto malapit sa barangay hall at doon kami nagpunta sa Pavilion Mall sa Binan. Malayo din dahil isang oras ang byahe namin papunta dun pasakay ng jeep. "Ang layo naman. Manonood lang tayo ng sine, dito pa sa malayo." reklamo ko pa, pero enjoy akong kasama siya. "Siyempre, sa special na lugar kita dadalhin, dun sa hindi matao at malayo para matagal ang time natjng magkasama." biro pa ni Henry "Ay, sus. Ayokong masyadong gabihin ha. Alam mo na, strict ang tatay ko. May curfew kami ng 6pm dapat nakapasok na ng gate." seryoso ako pero natawa siya. "Ok, madam. 6pm I'll assure you na nakapasok ka na sa gate nyo." todo saludo pa siya.1pm kami nagkita. Kaya pagkarating namin ay 2pm na kaya nagmadali na kami deretso sa sinehan, mamaya na kami kakain para maabutan namin ang simula ng screening. Pero hindi ko akalain na magkikita kami ni ate sa lugar na yun. Pagpasok pa lang namin sa mall at palabas na sila. Kasama niya si Kuya William, na uncle ni Bella. Kami ang nagtulay sa dalawa. Hindi namin alam na magwowork ang aming panunudyo sa kanila at ngayon ay malapit na silang ikasal. Araw na lang ang bibilangin dahil engaged na sila. Nang magkasalubong kami ay halos magkatawanan kami at nagtanguan na lang. Tiyak, pagdating sa bahay, matinding pag-uusap ito. Kasi ba naman, nung nasa bahay kami. Ang paalam ko ay simbahan ang punta ko. At siya ay dun lang sa bayan. Ibang place ang binanggit namin kung saan pupunta tapos ay magkikita pa kami sa isang lugar. Nasa loob na kami ng sinehan ni Henry. Hindi ko alam kung anong pinili niyang palabas, siya kasi ang bumili ng ticket. English eh pero mukhang love story. "Joni, dito na lang tayo sa baba ha." sabi pa ni Henry. "Okay lang. Alam ko namang kuri ka, ganyan talaga kayong mga Intsik" inaasar ko lang. "Sa taas daw kasi, mga pang-lovers eh baka mainggit tayo pag sasama tayo sa mga andun." napahagalpak ako ng tawa. Paglingon sa bandang taas, madilim nga sa lugar na yun. Unlike sa baba, na wholesome ang audience. Walang parang mga sawa na naglilingkisan. Nagkoconcentrate ako sa panonood. Nadadala na ko sa takbo ng palabas, nang biglang nagkaroon ng kissing scene. Magsisimula na sana kong mailang sa katabi ko dahil sa pinapanood namin nang takpan niya ng dalawang kamay ang mata ko. "Bawal pa sa'yo yan." sabi pa niya habang takip niya ang mga mata ko. "Uy, hindi ko makita. " Pilit kong inaalis ang kamay niya sa mata ko. Nang tanggalin niya, tapos na dahil iba na ang eksena. "Sayang, hindi ko nakita. Hindi pa naman puwede irewind. Ang daya mo, dinala dala mo ko dito tapos hindi mo ipapanood sa kin 'yan." reklamo ko pa. "Hindi nga puwede sa'yo, R-18 yung eksena." explain pa niya na tatawa tawa. "For your information, 21 na ko. Mag-22 na nga ako eh. " hindi pa rin ako makamove-on sa ginawa niya. "O gusto mo ulitin natin? Hindi ko na tatakpan ang mata mo." suhestyon pa ni Henry. "Wag na. Gagabihin tayo. Hindi ako pupuwedeng gabihin. Darating na si Papa ng 6pm dapat nasa bahay na kami. Si Ate nga pauwi na nung makita natin eh. " Pero natutuwa ako na sinusunod niya lahat ng gusto ko. Napaka-gentleman niya. Alalay niya ko paglalakad sa loob ng sinehan, kasi pag madilim bulag ako. Hawak niya ko sa siko para alalayan. At kumain na din kami sa malapit na fastfood bago umuwi Gusto kong ako na ang magbayad sa pagkain pero tinanggihan niya. Treat daw niya kasi kaya dapat siya ang magbayad. At dahil date daw yun he he. Alalay niya ko kahit sa pagsakay ng jeep, pinapauna. At ganun din sa pagbaba, mauuna siya at pagbaba niya saka niya aabutin ang kamay ko. Hinatid niya ko hanggang sa gate ng bahay to assure na nakauwi daw ako ng safe. At habang naglalakad papasok ay lagi niya kong inililipat sa safe side at baka daw ako madali. Parang sa bata lang kung alalayan niya ko. But I missed those things from him. Malayo kay Zack. Pag-uwi ng bahay. Katakot-takot na sermon kay Ate ang sumalubong sa 'kin. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Ate. "Ate, siyempre nanood kami. 2 hrs ang palabas tapos kumain pa kami. " paliwanag ko. "At bakit ka nasama sa sinehan, kung hindi mo naman boyfriend? Wag kang sasama sa sinehan, pag hindi mo gusto. " panenermon ni Ate. "Bakit naman? Gentleman kaya niya. Saka matagal ko ng kakilala yun. Mapagkakatiwalaan si Henry. " pagtatanggol ko sa kanya. "Ah siya ba si Henry, yung kasamahan mo dati sa Interphil?" tanong ni Ate. Naikuwento ko na kay Ate dati ang tungkol sa kanya. "Oo, ate. What do you think?" gusto kong marinig ang komento ni ate sa kanya. "Ang lapad ng noo. Parang malapit ng landingan ng eroplano yun ah. " sabay tawa. "Kasusot ka. Matalino kaya yun. Alam mo bang isa lang ang minali niya sa abstract na pinaexam ko sa kanya. "proud ko pang sabi. "Kahit na. Pag nagkaanak kayo, puro noo ang magiging mukha." tawa pa niya. "Eh bakit ikaw, si Kuya Iam. Mukhang bondying, mukhang bata na lumaki ang itsura niya." inasar ko din siya bilang ganti. "Guwapo naman si William, kumpara sa Henry mo."depensa pa ni Ate. "Pero matalino si Henry at nakatapos ng college." tumahimik na si Ate. Si Kuya William kasi ay high school lang ang tinapos kaya siguro nasukol kaya hindi na umimik. Kinabukasan, okay na sana. Akala ko, this time puede na. Kung anuman yung naunsyami dati na pagtitinginan namin ni Henry ay puede ng dugsungan. Pero nagkamali ako ng akala. Minsang may tumawag sa phone. Nareceive ko ang tawag. Para kay Henry ang tawag, at babae ang nasa kabilang linya. Kumabog ang dibdib ko. Pero tinanong ko pa din kung anuman ang nasa isip ko. "Si Henry ba? May I know who's calling?" nilakasan ko ang loob kong itanong yun. Pag kasi sa ibang warehouseman na tawag, hindi ko na para alamin kung sino ang natawag. "Pakisabi si Janelle to." narecall ko na Janelle ang pangalan ng girlfriend niya dati for 8 years. Wala na daw sila pero bakit natawag pa din sa kanya. At si Henry, bakit ibinigay pa ang number sa opisina. Ibig sabihin patuloy pa rin ang communication nila. I feel betrayed. Nasaktan na naman ako. Nagsisinungaling ba sa akin ni Henry na hiwalay na sila o baka naman nagkabalikan uli sila? Ang dami kong tanong sa isip. "Saglit lang huh. Tawagin ko lang sa loob." Medyo malayo pa kasi ang warehouse. Paglabas ko ng opisina ay papasok naman ako sa warehouse. At hahanapin ko pa kung saang area naroon. Nung makita ko siya ay sa locker's room nila. "Henry, may tawag ka dun." Lumapit ako sa kanya sabay bulong ko sa kanya. "Sino daw?" Nagulat siya sabay tanong. "Si Janelle daw." sabi ko na lang habang nakatingin sa kanya. Gusto kong makita ang expression ng mukha niya. "Ah, baka emergency. Ibinigay ko kasi ang number dito in case na may kailangan siya." Sabi pa niya na hindi naman nakatingin sa kin. Sa isip ko, ganun siya kaimportante sa buhay nito. Tango lang ako. Sabay nauna ng lumakad papasok sa loob para kuhanin ang tawag. Dahil nakasunod ako sa kanya, nakaupo na din ako sa puwesto ko. At dahil nasa table ko ang phone, naririnig ko ang pag-uusap nila. At sinasadya ko rin na marinig. Kahit bumulong pa si Henry ay mauulinigan ko rin. Puede akong umalis sa table ko pero hindi ko ginawa. Nagmamaktol ang puso ko. Isipin na affected pa rin siya pag may masamang nangyayari sa ex-girlfriend niya. Pagkatapos niyang makipag-usap. Akala ko ipapaliwanag niya kung bakit tumawag ang ex-girlfriend niya. Pero halos gumuho ang lahat ng pag-asam na magkaroon ng pag-asa na maging kami. "Joni, puede bang magpaalam na maghalfday ako? Kailangan kasi ako ni Janelle. Punta ko sa kanya, nasa Manila siya. Sinaktan daw ng boyfriend eh nag-iiyak siya. Ibinilin kasi siya sa akin ng nanay niya na huwag ko daw pababayaan." ani niya. Pero bakit may kirot akong nararamdaman. Yung dating kirot na naramdaman ko nung malaman kong may girlfriend siya. Pareho ng nararamdaman ko ngayon, kasi parang nagbabalik ang girlfriend niya sa buhay niya o hindi niya kayang pabayaan o kalimutan. Ano naman kasi ang laban ko sa 8 years na magkasama sila kung 2 months lang kami nagkasama sa Interphil. At ngayon, madudugsungan sana. Pero andyan pa rin si Janelle, na parang multo na bumabalik sa buhay niya. Tumango na lang ako kasi parang may bikig sa lalamunan ko. Pero nasabi ko pa din ang inaantay niya. "Ako na lang magsabi kay Sir. Sige, umalis ka na. " Yun ang sabi ko sa kanya. Pero nung sinabi ko sa kanya yun, kasabay nun ang pagsasabing pati sa buhay ko umalis ka na. Sa isip ko lang, ayoko kasing makipagkumpetensya sa nakaraan mo. Ayoko na maging kami pero habambuhay akong may kahati sa time niya. At paano ako makakasigurado na hindi na nila mahal ang isa't isa. Ayokong sumugal. Mula noon, iniwasan ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD