Dahil nga sa natuklasan ko na may communication pa c Henry at Janelle. Pumayag akong makipag-date sa Isang kasamahan niya na si Bong. Matagal na Yung nagsasabi pero hindi ko pinagbibigyan. Pero dahil nga nasaktan ako kay Henry, gusto ko siyang pasakitan gaya ng ginagawa niya sa akin.
Kaya ng Linggong yun, araw ng pakikipagdate ko kay Bong. Usapan namin na magsisimba kami sa bayan ng Cabuyao. Susunduin daw niya ko sa bahay ng 3pm dahil 3:30pm ang simula ng misa. Ready na kong umalis ng oras na napagkasunduan namin na susunduin niya pero wala pa din siya at kahit text wala siyang reply.
" Akala ko ba may date ka ngayon, alas tres na hindi ka pa naalis?" kuwestyon ni Mama sa akin na napansin ata na hindi na ko mapakali sa pagbabalik balik ng lakad sa kabahayan.
Buti na lang hindi traffic kaya eksakto lang ang oras ng dating ko sa pagsisimula ng misa. Dun ako pumuwesto sa gitna ng simbahan na dulong upuan para madali akong makita in case na sumunod pa siya. Pero natapos na ang misa, na hindi ko siya nakita.
Nang biglang may tumawag sa 'kin kaya napalingon ako.
"Joni" hingal pa niyang sabi.
"Sorry nalate ako sa usapan natin. Kasi pag-uwi ko nakalock ang boarding house kaya inantay ko pang makauwi yung kasama ko, Hindi ko kasi nadala yung susi ko. Tapos dumaan pa ko sa inyo, sabi nga ng nanay mo nakaalis ka na daw." nahahapo pa niyang sabi.
"Bakit hindi ka man lang nagreply sa text ko para hindi ako nagmumukhang tanga na antay ng antay?" naiinis pa din kasi ako. Siya ang may gusto ng date na ito, tapos ako ang pinaghintay niya. Hindi man lang ako natingin sa kanya. Ganun kasi ako pag naiinis, ayokong tingnan ang kinaiinisan ko.
"Patay ang cellphone ko, sobrang lowbat" pagsusumamo niya.
Naawa naman na ko dahil hindi naman pala niya sinasadya. Akala ko talaga eh pinagloloko lang niya ko at hindi totoo sa kanya ang usapan namin.
Naglalakad na kami palabas na alam Kong nag-aalangan siya, ang layo kasi niya sa kin. Kaya tiningnan ko siya na nagtataka. Nakuha naman niya kaya tatawa tawa na bumulong na ang sabi.
"Para hindi halata na mas matangkad ka sa kin he he". Naconscious din tuloy ako, ang sagwa nga ata. Isa sa criteria ko talaga ay mas matangkad sa akin. Pero binale-wala ko yun pansamantala to give him a chance. Nakakahanga din naman kasi sa kanya ang galing niya sa pagkanta.
"Saan tayo? para masulit ko naman Ang Araw ng date natin, baka hindi na maulit eh" sabi niya Ng pabiro.
Na sa loob-loob ko, talagang hindi na siya makakaulit.
"Ikaw, ano bang plano mo?" dahil kung ako ang tatanungin, gusto ko ng umuwi eh.
"Maaga pa naman, kain muna tayo. Kahit dito lang sa Cabuyao. Huwag na tayong lumayo para hindi ka masyado gabihin. Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa kin habang naglalakad kami na nagkalayo pa din pero pasulyap sulyap Siya sa kin dahil inaantay ang sagot ko.
"Greenwich na lang, gusto ko ng pizza" para mawala ang pagkabad trip ko sa araw na to, dugsong ng isip ko
Siya na nga ang umorder after ko sabihin Kung ano ang order ko. Nag-antay na lang ako sa table.
Dahil ang tagal dumating ng order namin.Nakatingin ako sa kanya, nag-antay ako na may sabihin siya.
"Joni, pacencia na ha wala akong masabi. Ninenerbyos ako eh. "alumpihit pa niyang sabi.
Kaya talagang nabored ako hanggang sa matapos ang pagkain namin eh walang pag uusap na naganap. Naisip ko na Hindi talaga kami match. Hindi ko naiwasang ikumpara kay Henry, na walang dull moment kapag magkasama kami. Kung hindi seryosong kuwentuhan, asaran at minsan talagang lumalabas yung hindi kami naubusan ng topic pag magkasama.
At ng palabas na kami Ng fastfood, humirit pa gayong ako'y uwing uwi na.
"Nood muna tayo ng sine, dyan lang sa taas. Tingnan natin kung may magandang palabas."hirit niya.
Naalala ko ang sabi ni ate na huwag akong sasama sa sinehan pag hindi ko gusto. At baka kung ano ang gawin sa kin.
Kaya nag-aalangan ako na sinusuri Ang intensyon niya. Mukhang nahalata naman niya ang pag-aalangan ko.
"Promise, behave ako. Manonood lang talaga tayo. Iginagalang kita." sansala pa niya
Napahiya din naman ako sa naiisip ko. Kaya pumayag na ko tutal nangako naman siya na magiging good boy siya. Ang palabas nun ay Yung Kay Vilma Santos na "Bata, bata paano ka ginawa?"
" Uy, baka R-18 yan. Ayoko." natakot ako sa title eh.
"SPG naman, tingin mo ba magbobold pa c Vilma Santos" patawa niya kaya napatawa na rin ako.
Kaya nag-enjoy naman ako sa panonood namin Ng sine. Nakabawi na siya dun. Naiyak pa nga ako Kay Vilma Santos sa hirap niya bilang Isang Ina. Tinatawanan pa niya ko na naiiyak sa eksena.
Pagpasok ko pagsapit ng Lunes, ang daming sumalubong sa akin na problema. Pressured na nga sa trabaho, dagdagan pa ng stress sa pangungulit ni Zack. Nabalitaan ata niya na sumama akong makipagdate kay Bong kaya kinukulit ako. Para maiwasan Ang sitwasyon, naisipan ko ang magresign.
Kasi pakiramdam ko, humihina na ang depensa ko sa mga paglapit ni Zach. Naging magbuddy c Zach at Henry. Sabi nga nila, "May the best man win" na lang sila. Nabalitaan ko si Bong na gf na ang Taga Sumitronics kaya natutuwa naman ako na Nakita na niya ang ka-match niya. At tingin ko naman ay mahal talaga siya ng babae kahit na warehouseman lang Siya. Accounting staff Kasi yung gf niya pero mas matanda Ng konti sa kanya pero bagay sila, maghawig nga. Yun nga siguro pag soulmate, nagkakamukha.
Ako kaya, napapagod na din ako. Simple lang naman ang gusto ko. Magkaroon Ng boyfriend pero bakit lahat Ng nasa paligid ko, Ang komplikado
Minsang nag-usap kami ni Mitch ng masinsinan, madalas naming Gawin Yung mag girls talk sa CR tuwing lunch break.
"Sino ba sa kanila ang matimbang sa puso mo? Si Henry ba o si Zach?" tanong ni Mitch. Nakapamaywang siya na nakaharap sa salamin pero nakatingin sa reflection ko.
"Naguguluhan din ako. Si Henry ang binata pero ang hirap isipin na kailangan ko siyang ipakipaglaban sa nakaraan niya, na mananatiling nasa pagitan namin ang ex niya. Si Zach na hiwalay sa Asawa pero sure ako na ako lang Ang mahal.Ayoko Ng may kahati." Saad ko sa kanya.Hindi ako nahihiyang sabihin kay Mitch ang totoong nasa loob ko dahil alam ko na hindi niya ko huhusgahan kahit tama ba o mali ang desisyon ko.